Iwa Moto claims Mr. Pogi winner Edgar Allan Guzman is a "two-timer"

IMAGE 0


"Nahuli ko siya na may iba pa palang girlfriend. Yung babae ay sevenmonths na niyang girlfriend ‘tapos ay nanligaw pa siya sa akin," says Iwa Moto about Studs member Edgar Allan Guzman.



Hindi maitago ni IwaMoto ang pagka-bad trip niya sa Mr. Pogi winner ng Eat Bulaga! na si EdgarAllan Guzman. Inamin ni Iwa na nagkaroon sila ng short-lived na relasyon, perohindi naging maganda ang ending nito nang mahuli niyang dalawa pala silangbabaeng pinagsabay ng 18-year-old actor-singer na napapanood sa Daisy Siete.

Although four monthsna ang relasyon niya sa bagong boyfriend na si Michael Ablan, inusisa ng PEP(Philippine Entertainment Portal) si Iwa hinggil sa balitang naging mag-on silani Edgar. Hindi naman ito itinanggi ng young actress at ikinuwento niya angkinasapitan nito.

"Naging kami for amonth lang, pero naghiwalay agad kami," simula ni Iwa.

"Bakit?" mabilis niyang saad bago pa man kami makapag-react at makapagbato ng susunod natanong. "Kasi nahuli ko siya na may iba pa palang girlfriend. Yung babae ay seven months na niyang girlfriend ‘tapos ay nanligaw pa siya sa akin.

"Ang masaklap panito... Hindi ako nagalit na nanligaw pa siya sa akin, e. Sabi ko sa kanya, ‘So may girlfriend ka papalang iba, so goodbye, break na tayo!' Ganoon lang ‘yon," kaswal na saad niIwa.

Pero ang mas matindisa kuwento ni Iwa ukol sa pagiging two-timer diumano ni Edgar Allan ay angsitwasyon ng isa pa niyang girlfriend na mayroon daw sakit na cancer.

"Pero ang kaso rito,noong nakilala ko yung babae, nang nagkabukingan... Birthday kasi ng babae ‘yonat yung babae, may cancer. Nagawa niyang lokohin kahit may cancer kaya galit na galit ako sa kanya [Edgar Allan]!

"So, kami nitongbabae, magkaibigan na kami ngayon," patuloy ni Iwa. "Kasi pareho kaming niloko, e, hindi konaman alam na girlfriend na pala siya. Bale nalaman ko lang ang totoo nitongang nagkabukingan. Galing kami sa panonood ng sine, ‘tapos may tumawagsa bahay. Ako ang sumagot, nagtatanong yung babae kung nandoon daw ba siEdgar. Sabi ko, ‘Bakit sino ito?' Ang sagot sa akin, ‘Girlfriend niya.' Kaya sabi ko, ‘Teka, teka, teka, teka, lang, huh!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, nag-iiyak nayung babae. Sabi ko, ‘Shit!' So, kinausap ko at pinuntahan ko sabahay. Nang nagkaharap na kami, sabi ko hindi ko alam dahil kung alamko ‘yon ay hindi ko gagawin ang ganoon. Kasi hindi naman ako ganoonka-cheap at hindi ko kailangan ang ganoong lalake sa buhay ko.

"Sabi pa sa akin ngbabae, bumababa na nga raw yung [blood] platelet niya dahil sa kakaiyak, yung hirap nahirap na raw siya. Sabi niya sa akin ay seven months na sila, pero kami aymagwa-one month pa lang e," tuluy-tuloy na himutok pa ng StarStruck 3 FirstPrincess.

Idinagdag pa ni Iwana hanggang ngayon ay galit na galit pa rin siya sa ginawa ni Edgar Allan, na miyembro ng all-male group na Studs.

"So after that ayhindi ko na siya kinausap. Sabi ko sa kanya noon, ‘Gago ka kasi, e!' Binabarako siya. Sabi ko sa kanya, ‘You don't deserve any of us!' ‘Tapos nun ayhindi ko na siya kinakausap.

"Ngayon, wala na rinsila ng girl. And yung girl nga ay naging friend ko na. Ganoon akoka-friendly," nakangiting sabi ng kontrabida sa Magdusa Ka.

Sinubukang kuhanin ng PEP ang panig ni EdgarAllan subalit hindi pa siya sumasagot sa aming text message at press time.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN