Jinkee Pacquiao now afraid to go out because of Manny's reported winnings

IMAGE 0


"Pati sa diyaryo, sila ang nagkukuwenta ng perangnapanalunan ni Manny. Mas malaki pa ang nasusulat nila kaysa sa natatangggapnamin. Sabi ko nga, sana, ibigay na lang nila yung nakasulat sanews. Kasi, hindi naman yun totoo, sobrang laki naman. Natatakot na nga akongmaglabas-labas dahil sa mga isinusulat nila. Pero okey lang, wala naman kamingkaaway," says Manny Pacquiao's wife Jinkee Pacquiao.



Last Friday morning, dumating na nga sa bansa ang PambansangKamao at bagong WBC Lightweight Division Champion na si Manny Pacquiao, kasamaang asawang si Jinkee. Bukod sa ilang malalapit na kaibigan ni Manny sapulitika, ang tatlong anak nila na sina Jemuel, Michael, at Princess ang mgasumalubong sa kanila sa NAIA (NinoyAquino InternationalAirport).

After ng press conference sa NAIA, ang unang destinasyon dawniya ay ang QuiapoChurch. "'Yan ang una salahat. Number one, Panginoon. Kung wala sa Kanya, walang Manny Pacquiao."

NOTHING CHANGED. Ayonkay Manny, kahit apat na titulo na ang hawak niya ngayon, walangpagbabago sa kanya.

"Ganoon pa rin. Nakaragdag ako ng karangalan sa bansa.Nakapagbigay ako ng history. Hindi naman ako nagbabago. Hindi ako nasisilaw sakayamanan. Pasalamat lang ako sa biyayang ibinibigay pero hindi ako nasisilaw.At palagi kong pinagtutuunan ng pansin na hindi ako magbago at ang palagi kongginagawa ay to be closer to God.

"Ang tagumpay at history ay karangalan nating mga Filipino.Kapag nagpunta tayo sa Amerika, nakikilala tayo. So, karangalan at historynating lahat ang panalo ko. Pasalamat tayo sa Panginoon na binigyan Niya tayong karangalan. Nirerespeto tayo rito at sa buong mundo."

NOT IMPRESSED BYDIAZ. Consistent pa rin si Jinkee sa kanyang comment na hindi naman dawpala ganoon kagaling si David Diaz, ang Amerikano ngang nakalaban at natalo niPacquiao. Biro pa nito sa Startalk,"Happy siyempre. Hindi naman gaanong natamaan si Manny sa mukha kaya guwapo parin," nakangiti niyang sabi. "Yung kamay niya lang ang namaga."

Dugtong pa nga niya, "Iniisip ko nga, hindi naman palamagaling si Diaz. Noong first round pa lang, ine-expect ko na. Akala ko ngahanggang three rounds lang. Pero siyempre, kinabahan ako, malaki rin ang kanyangkatawan. Pero hindi naman matangkad, pareho lang sila ni Manny. Sa katawan,hindi pala yun sa laki ng katawan, sa suntok at lakas ng katawan. Siyempre, mas malakas si Manny."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AFRAID TO GO OUT.Aminado si Jinkee na nakakaramdam na rin siya ng takot dahil sa mganaisusulat na perang napanalunan ni Pacquiao.

"Oo nga, e...natatakot na rin ako. Pati sa diyaryo, sila angnagkukuwenta ng perang napanalunan ni Manny. Mas malaki pa ang nasusulat nilakaysa sa natatangggap namin. Sabi konga, sana,ibigay na lang nila yung nakasulat sa news. Kasi, hindi naman yun totoo,sobrang laki naman.

"Natatakot na nga akong maglabas-labas dahil samga isinusulat nila. Pero okey lang, wala naman kaming kaaway."

BACK TOSTUDIES. Isa sa mga plano ni Manny ang magpatuloy ng kanyangpag-aaral.

"Planonga naming umuwi ng GenSan sa Monday. Sasalubungin din siya sa GenSan atinaayos pa ang schedule papuntang Bacolod at Iloilo. Papasok din kasisiya sa school, kapag may bakanteng time, papasok siya."

Pagdating ni Manny sa NAIA, dumiretso rin agad ito saprogramang Sis kunsaan, nagkaroon ngwelcome tribute sa kanya. At ilan nga sa mga sumalubong sa kanya ay ang co-hostniya sa Pinoy Records na si Chris Tiuat mga executives ng GMA network.

Mismong ang dalawang execs ng GMA na si Ms. Wilma Galvante,SVP for GMA Entertainment at Ms. Annette Gozon-Abrogar, GMA Films President, angnagsabing now that Manny is back, tutulong ang GMA sa plano ni Manny namakatulong sa mga nasalanta ng bagyong Frank, maaaring sa pamamagitan ngisang fund-raising concert.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN