Annabelle Rama to Lolit Solis: "Sorry na lang, ‘day. Pero sa totoo lang, mas magaling akong mag-manage sa ‘yo, ‘no!"

IMAGE 0


When asked by Startalkhost Joey de Leon if she's interested in being managed by Lolit Solis,Annabelle Rama gamely plays along but frankly says she's a better manager thanLolit.


Through phone patch interview ay nakausap ng Startalk host na si Joey de Leon angbida ng My Monster Mom na si AnnabelleRama. Umpisa pa lang ay nagpasalamat na ito sa lahat ng nanood ng kanyangmovie.

Isinunod ni Joey ang tanong kung totoonga raw ba na may movie offer kay Annabelle na gumawa ng movie with MannyPacquiao. Sagot ni Annabelle, dalawang producer nga raw ang nag-o-offer sakanya.

"Dalawang producer ang nag-o-offer na gagawa raw ako ngmovie with Manny. Kaya ngayon, kino-convince ko si Annette Gozon at si MotherLily Monteverde na sila na lang ang magpo-produce, kasi, exclusive contractstar ako ng Regal, hindi ako basta-basta tumatannggap ng ibang pelikula salabas."

Dugtong pa niya, "So, magmi-meeting ako pagdating ni Mothergaling sa Paris at saka ni Annette."

Biniro naman ni Joey si Annabelle kung ayaw raw ba nitongmagpa-manage kay Lolit Solis na minsan ay nakatampuhan at kailan lang nanagkabating muli.

"Hindi ako magpapa-manage kay Lolit. Kaya kong i-manage angsarili ko." Sabay sabi ng, "Hi, Lolit. Sorry na lang, ‘day. Pero sa totoo lang, mas magaling akong mag-managesa ‘yo, ‘no! Sorry na lang, ‘day."

Sa huli, hindi naman nakalimutang pasalamatan ni Annabelleang mga kababayang Cebuano. Aniya, "Nagpapasalamat ako sa buong Cebu dahilmalakas ang aking pelikula sa Cebu. Sa mgakumare ko, sila ang naghahakot araw-araw ng mga tauhan nila para manood ngpelikula ko sa Cebu."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN