Willie Revillame talks about his health condition and his comeback film

IMAGE 0


"Yung aking intestine, may nana. Meron kasi akong sugat sa loob. Kasinga, ang sakit natin yung hindi pagkain. Dahil alam mo, ang totoo nun, ang damikong ulcer. Ngayon ang problema ko, may scar yung intestine ko. So doon kaminagko-concentrate. Pero alam mo saan kami nagulat? Yung puso ko may block naisang ugat," relates Willie Revillame about his health condition.



Nag-imbita ang Wowowee host na si Willie Revillame ng ilangmembers of the press sa second shooting day ng kanyang comeback movietentatively titled Mr. Housewife sa Fairview, Quezon City kahapon, July 6.Dinatnan namin doon si Willie na nagba-blocking sa loob ng bahay kasama angleading lady niya na si Roxanne Guinoo at ang gumaganap na mga anak nila nasina Nash Aguas at Sharlene San Pedro.

Ito ang unang pelikula ni Willie pagkatapos ng Pera O Bayong (Not Da TV) na ipinalabas noon pang 2000.

Lumabas saglit si Willie para bumati sa amin at naikuwentoniya agad ang tungkol sa kanyangpagkakasakit kamakailan.

"Yung aking intestine, small and large, di ba, colon yun,magkadikit? May extension yun. May nana. Meron kasi akong sugat sa loob. Kasinga, ang sakit natin yung hindi pagkain. Dahil alam mo, ang totoo nun, ang damikong ulcer. Ngayon ang problema ko, may scar yung intestine ko. So doon kaminagko-concentrate. Pero alam mo saan kami nagulat? Yung puso ko may block naisang ugat," lahad ni Willie.

Tatlo ang inindang karamdaman ni Willie sa almost one weekna pagkawala niya sa kanyang noontime show sa ABS-CBN.

"Eto ang heart, di ba? Maraming veins ‘yan. Yung isang veindito, isang part dito ng aking puso hindi pumapasok ang aking dugo. Kayangayon, bukod sa puso ko, bawal na sa akin ang softdrinks, walang coffee,walang oily food," kuwento ni Willie. Pero bago siya makapagpatuloy ay sakanaman siya tinawag para mag-take.

COMEBACK MOVIE. Pinapasok kami ng secretary ni Willie na si Katya Montenegrosa isang improvised dressing room with aricon, sa labas ng shooting area ngTV host. Maya-maya ay pumasok na rin si Willie.

Kuwento niya tungkol sa kanilang pelikula, "Anak ko siSharlene at si Nash. Si Roxanne housewife lang. Nawalan ako ng trabaho dahilnagkaraoon ng retrenchment. Isa ako sa natawag. Ngayon, idinenay ko sa asawako, itinago ko. Nagkunwari ako na pumpasok hanggang sa nahuli ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang work ko sa advertising. ‘Tapos nalaman nga kasinagtataka ang mga anak ko kung bakit nandun ako lagi sa isang lugar. Hindi koalam kung McDonald's or Jollibee. Basta lagi akong nandun. Hanggang nagingkaibigan ko na ang mga waiter ko, ganun.

"'Tapos nung nalaman ng asawa ko na wala na akong trabaho,siya na ang naghanap. Ako naman ang taong-bahay. Ako ang nag-aaalaga ng mgabata. Ako ang naghahatid sa eskuwela. May mga ganun, e. Sa ‘Willie of Fortune'may mga naglalaba, nagluluto. Siya, lahat.

"Si Mel del Rosario ang sumulat ng script. Actually, angproject na ito, una sana kina Judy Ann [Santos] at Ryan [Agoncillo]. Mr.Housewife, parang ganun. ‘Tapos hindi natuloy."

Kumusta naman ang pagbabalik pelikula niya? Hindi ba siyananibago?

"Iba kasi yung pelikula, iba yung TV. Natural ang TV. Ditosiyempre, naka-numero ka. Kailangan ang humor mo dito hindi katulad sa TV.

"Actually, matagal na itong pinaplano. Matagal na, angdaming nag-o-offer sa akin. Sabi ko, hindi ko kaya talaga. Kaya lang nungkinausap ako ni Direk Tony at ni Boss Orly, sabi nila ang balik mo, iba na.Maganda nga yung concept."

Hindi ba siya kinakabahan sa first shooting day niya?

"Hindi naman. Naninibago ka lang dahil ano, pero okey lang.Take one naman ako kasi simple lang yung mga eksenang kinunan."

Kakayanin kaya ng katawan niya ang pasu-shooting at angkanyang everyday show na Wowowee, lalo pa't na-detect na ng doctor ang kanyangmga karamdamdan?

"Well, lifestyle ang control. Sabi nga ni Mr. M [JohnnyManahan], ‘You have to adjust, ha.' Yung doctor ko, sabi rin sa akin iba na anglifestyle mo. Yung mga kinakain mo dati, una yung may taba, oily kasi nga saheart mo. ‘Tapos yung sa salt, mgaganyan, maanghang. E, sabi ko, ‘Doc, ang hirap naman mabuhay sa mundo na lahatng gusto kong kainin hindi na pupuwede.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero dito sa heart ko, hindi pa naman daw ganun. Baka maayos pa ng gamot. Alam mo daw ito [heart],stress. Andun ang pagpapabaya. Itong lalamunan ko, pagod ‘yan. Sakit talaga ‘yanng mga host at singers. Pero wala naman akong nodules. Wala naman akong bukol.Sa pagod, kakasigaw every day," saad ni Willie.

FINDING THE DIRECTOR. Isa sa mga kinunsidera na direktor ng movie ay ang kaibiganni Willie na si Randy Santiago.

"Hindi siya natuloy kasi si Randy nag-tour. Nungmagsu-shooting na kami, two weeks siyang wala. Sayang ang oras," saad niWillie.

Wala pa raw nakunan na eksena si Randy sa movie at ngayon aymay nakuha na silang direktor.

"Si Frank Gary, direktor ni Mang Dolphy," pagbabalita niWillie. "Okey naman siya kasi siya rin ag nagdirek ng Omeng Satanasia ni MangDolphy. Doon siya nanalong Best Actor, ‘tapos nag-Amerika, di ba?"

Ano ang nangyari sa unang nabalita na si Tony Reyes angmagdidirek ng movie niya?

"Co-prod [production] ito. Ako, si Boss Orly [Ilacad ng OctoArts], pati ang Bayan Production ni Tita Arlene [de Castro]. Hindi na 50-50.Hati-hati na kaming tatlo. Wala pa kaming playdate."

Bakit hindi niya isinali ito sa Metro Manila Film Festival?

"Hindi aabot, e. Kasi aalis ako ng Wednesday [July 9]. Sevendays ako sa U.S. ‘Tsaka kasi may movie rin si Vic sa filmfest. Kanila na yun,e."

LEADING LADY. May love scene ba sila ni Roxanne?

"Wala naman. Ang humor nito nandun sa ‘pag kunwari gusto ninyong mag-ano, pero hindinatutuloy lagi," natatawang sabi ni Willie.

Biniro namin si Willie kung hindi ba siya nanghinayang nawala silang love scene ni Roxanne sa movie.

"Hindi naman, kasi GP [General Patronage] ito, e."

Nabalita rin noon na si Krsitine Hermosa ang kukunin niyangleading lady for the movie. Ano ang nangyari?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Isa nga yun sa kinonsider," sabi ni Willie. "Kasi I thoughtgagawin niya yung Enteng Kabisote kaya hindi natuloy. Kasi si Roxanne, grabeang schedule nito, e. Di ba, meron pa siyang Ligaw na Bulaklak? Sabi ko, Idoubt it kung magawa niya ito. Nagulat pa ako nung naging pwede siya."

Bakit si Roxanne ang napili niya?

"Hindi, ang personal choice talaga diyan si KristineHermosa. Kaya lang, may Vic Sotto nga na Enteng Kabisote. So, hindi siya. Walanamang iba. Nung una si Bea [Alonzo] inisip namin, pero meron siyang Betty LaFea."

E, si Cristine Reyes?

"Meron siyang Eva Fonda. ‘Tsaka masyadong bata para magingnanay, e."

Pumayag si Roxanne na magkaroon na ng anak sa movie?

"Oo naman. Payag naman. Okey naman."

Natsismis sila noon ni Roxanne. Hindi kaya maulit angusap-usapan sa kanilang dalawa?

"Ah, hindi. Hindi naman dahil sa...hindi dahil sa hindi kosiya type!" biro ni Willie.

"Pangalawang shooting pa lang namin ‘to. ‘Tsaka lagi niyangsinasabi sa akin, ‘Huwag po, Kuya, huwag po!'" tawa ni Willie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN