Ai-Ai delas Alas cries foul on being dragged into Kris-James temporary separation

IMAGE 0


"I'm wondering, nagtataka ako kasi wala akongpakialam sa kanila. Wala akong pakialam sa pagsasama nila! Wala akong pakialamsa kanila kaya sana huwag nila akong pinapakialaman! Sana patahimikin na nilaako. Puwede ba yun na patahimikin na nila ako? Kung gusto nilang mag-ingay,mag-ingay sila na sa kanila na lang!" says Ai-Ai delas Alas about her name cropping up in the temporary separation of Kris Aquino and James Yap.



Nang pumutok ang balita tungkol sa muntik-muntikan nangpaghihiwalay nina Kris Aquino at James Yap after three years of marriage,lumabas ang pangalan ni Ai-Ai delas Alas na isa raw sa rason ng matinding awayna namagitan sa mag-asawa.

Nanariwa tuloy sa isipan ng marami na ang malalim na sama ngloob ng basketbolsita ay nag-ugat nang magbigay ng simpatiya si Ai-Ai sa kanyang"friendship" na si Kris noong kasagsagan ng James Yap-Hope Centeno issue.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai,hindi nito napigilang magpahayag ng labis na pagtataka at kaunting iritasyon nanadamay ang pangalan niya sa nasabing balita.

Aniya, "I'm wondering, nagtataka ako kasi wala akongpakialam sa kanila. Wala akong pakialam sa pagsasama nila! Wala akong pakialamsa kanila kaya sana huwag nila akong pinapakialaman! Sana patahimikin na nilaako. Puwede ba yun na patahimikin na nila ako? Kung gusto nilang mag-ingay,mag-ingay sila na sa kanila na lang!"

Nagsimula ang lahat nang mag-guest sina Ai-Ai at Direk WennDeramas sa Boy and Kris, kung saan on the spot ay umoo si Kris nang sabihin niDirek Wenn na sana ay tanggapin nito ang cameo role sa sequel ng Ang TangingIna na pinagbibidahan ni Ai-Ai. Balitana pagkauwi ni Kris ay agad itong kinumpronta ni James at nagalit dahilhindi muna siya kinonsulta ni Kris bago pumayag na mag-guest sapelikula ni Ai-Ai.

Para kay Ai-Ai, kung anumang nangyaring samaan ng loob sakanila ni James ay isa nang lumang isyu na dapat ay hindi na inuungkat pa.

"Tungkol dun sa movie, in-invite siya [Kris] ni Direk Wenn.Si Direk Wenn ang nag-invite sa kanya at hindi ako. Sobrang nalungkot ako atnaguluhan kasi bakit ako ang naituturong dahilan? Lumang-luma na ang isyu,bakit inuungkat pa? Nakalimutan ko na nga yun. Sana matauhan na sila,"dire-diretsong pahayag ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas ba siya sa pakikipag-usap kay Kris para maayos anggulo na pati silang magkaibigan ay nadamay na?

"Huwag na, ayoko. Yun lang. Patahimikin na lang nilaako," sagot ni Ai-Ai, na Best Actress winner sa Star Awards for Movies .


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN