Jericho Rosales reacts to report he and leading lady Carmen Soo caused director's heart attack

IMAGE 0


"That would be really unfair to say that. How can otherpeople na wala naman dun say something like it's our fault. It's my fault? Kaminga yung concerned naman kay Manong. Parang napaka-ironic nun, di ba? We'retaking care of him. Parang kami pa yung nabi-blame," Jericho Rosales reacts to intrigue that he and Malaysian actress Carmen Soo were the cause of the recent heart attack of director Gilbert Perez.



Nagsalita na si Jericho Rosales sa The Buzz tungkol samalisyosong tsismis na siya at ang kapareha niyang si Carmen Soo angitinuturong dahilan ng atake sa puso ng direktor nilang si Gilbert Perez sateleserye nila sa ABS-CBN. Inatake si Direk Gilbert, o mas kilala sa industriyabilang si Manong Gilbert, nung alas-singko ng umaga last July 1 sa taping ng teleseryengpinagbibidahan ni Jericho at ng Malaysian actress na si Carmen.

"We're working on a scene involving Carmen at saka ako andEnpoy. I was waiting outside and bigla na lang pagpasok ko sa door, biglanginatake si Manong Gilbert. Nahulog siya sa table," kuwento ni Jericho.

Ilang oras daw bago ang atake ng direktor, napansin na rawni Jericho ang madalas nitong paghagod sa kanyang didbib hanggang sa ikinagulatng lahat sa set nang bigla itong natumba. Mismong ang mga bida sa teleserye angsumaklolo sa direktor at isinugod siya sa St. Luke's Medical Center.

"Binantayan namin siya sa ospital," sabi ni Jericho. "Wenever let go of him. We just kept on praying for him. Hindi ko alam na mayrecord siya ng ganun. Everyone was really shocked."

Sa gitna nito, sina Jericho at Carmen pa ang itsinismis nadahilan ng atake ni Manong Gilbert.

"That would be really unfair to say that. How can otherpeople na wala naman dun say something like it's our fault. It's my fault? Kaminga yung concerned naman kay Manong. Parang napaka-ironic nun, di ba? We'retaking care of him. Parang kami pa yung nabi-blame," pahayag ni Jericho.

Imposible rin daw na nagkaroon si Manong Gilbert ng problemasa Malaysian actress dahil unang-una, alam niya na wala siya sa kanyangsariling bansa. Kaya ginagawa raw nito lahat para maging mabait sa set at salahat ng mga katrabaho.

"She was crying that day. She was really crying," malungkotna pahayag ni Jericho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ang latest, naging matagumpay raw ang angiogrammedical procedure kay Direk Gilbert. Kasalukuyan pa rin siyang nasa coronarycare unit ng St. Luke's Medical Center habang nagpapagaling.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN