Willie Revillame reveals relationship with his "mystery date"

IMAGE 0


"Nagugustuhan kosiyang kausap. Ayoko siyang ligawan ‘tapos lolokohin mo lang? Kawawa ito," says Willie Revillame about Nadine Ignacio, his rumored new girlfriend.



Pagdating sa aspetong pinansiyal, masaya na ang TV host na si Willie Revillame. Kung meron mangmaituturing na kulang sa buhay niya ngayon ay ang sariling pamilya namakakapiling niya sa bawat oras.

"Wala pa, e. Walapang dumarating sa buhay ko," pahayag ni Willie nang makusap siya ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) sa set ng comeback movie niya na Mr. Housewife.

Hindi ba siyanaiinggit sa mga kaibigan niya na may mga sari-sariling pamilya na, tulad ni AgaMuhlach?

"Alam n'yo, maramiakong pamilya, e," saad ni Willie, na dalawang beses nang nahiwalay sa asawa. "Ang pamilya ko, publiko na, e. Kayamahirap. Dapat ang babaeng makuha ko, yung talagang unconditional angpagmamahal sa akin. Very sensitive siya sa nangyayari sa buhay ko. Hindi siyaselfish. Parang Willie na babae. Kung ano ang puso ko, ganun din ang puso niya.Huwag niyang pagseselosan yungbinibigyan ko. Dapat mas masaya siya. Dapat, ‘eto pa siya na tumutulong. Parangkung mamahalin kita at mamahalin mo ako, dapat ako yung blessing sa ‘yo."

MYSTERY GIRL. Dito nausisa kayWillie ang mystery girl na ka-date niya sa Star Magic Ball noong June 29 saEDSA Shangri-La, na sinasabing bagong girlfriend ng TV host.

"Hindi, nag-guestyun sa Wowowee kasama yung mga candidates ng Slimmer's 'ata yun. Taga-Obando,Bulacan. She's 19 years old na sa CEU [Centro Escolar University] nag-aaral. Angkinukuha niya, Tourism. Simpleng babae, napakamahinhin. Parang Charo Santosgumalaw. Yung ano, simpleng babae, pino.

"‘Tapos nungdumalaw ako sa kanya sa Obando, pinuntahan ko. Medyo gabi na noon. Medyoiskinita yung lugar. Simpleng bahay lang. Nandun ang lolo niya, ang lola niya.Pamilyang ano, probinsiyana. Hindi lumalabas ng bahay. Hindi alam yung mganight life dito sa ano, para kang nakakita ng Lucy Torres sa Bulacan. Natuwanaman yung lolo niya nung makita ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Tapos nagte-textkami. Bumabaha pa nga sa kanila. Minsan magte-text siya sa akin, ‘Huwag ka napumunta, nagbabaha, high tide.' Nagbabaha talaga!

"Simpleng buhay langsiya. Tinanong ko nga sa kanya bakit niya nagustuhan doon. Bakit hindi lumipatdito? Nag-aaral siya, bakit di siya mag-dorm? Sabi niya, ‘Hindi ko puwedengiwanan ang lolo't lola ko. Kami ang nag-aalaga sa kanila.' Nagma-mano..."tuluy-tuloy na kuwento ni Willie.

THE REAL SCORE. Napag-alaman ng PEPna Nadine Ignacio ang buong pangalan ng babaeng nauugnay ngayon sa Wowoweehost. Pero ano nga ba talaga ang status ng relasyon nila ngayon?

"Nagugustuhan kosiyang kausap. Ayoko siyang ligawan ‘tapos lolokohin mo lang? Kawawa ito," saad niWillie.

Nobya na ba niya siNadine?

"Wala lang. Natutuwaako sa kanya," matipid na sagot ng 47-year-old TV host.

Hindi kayanami-misinterpret lang niya ang nararamdaman niya kay Nadine bilang awa?

"Hindi naman,"seryosong pahayag ni Willie.

Regular na ba niyangdinadalaw si Nadine sa Obando?

"Hindi naman. Oncelang...ay, twice lang. ‘Tapos sabi ko,‘Gusto mong sumama sa akin? Punta tayong debut?' Hindi niya alam na Star Magicball yun kaya nagulat siya. Wala siyang damit, pinabilhan ko ng damit kay Kat[Katya Montenegro]. Kasi hindi niya alam, e," lahad ni Willie.

Nung mismong araw bang affair niya binili yung damit para kay Nadine?

"Hindi, hindi.Dumalaw kasi siya sa ospital ko, e. Pinakuha ko yung sukat. Nasa Internet siya,sa Slimmer's. Seksi, ang gandang babae."

Bakit sinabi niya saEntertainment Live! na parang anak na niya si Nadine?

Tumawa muna siWillie bago sumagot. "Sabi ko kasi, parang anak ko lang ‘yan. Siyempre nagbirolang ako."

Tiyak na special sakanya si Nadine dahil ipinakilala pa niya ang CEU student sa mga bigwigs ngABS-CBN.

"O, puwede namanakong magsama ng iba. Pero nagkataon na siya ang nakasama ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang dating daw kasiay parang isinama ni Willie si Nadine sa kanyang bahay at ipinakilala angdalaga sa kanyang pamilya.

"Kasi puwede talagasiyang pambahay. Tinitingnan ko ang personality. Mahiyain," puri pa ni Willie.

CRISTINE & ROXANNE. Nagselos ba angna-link noon kay Willie na si Cristine Reyes kay Nadine?

"Hindi, wala namankami ni Cristine, e."

Sino ang nagbantay kayWillie noong nasa ospital siya?

"Dumating si Nadine.Actually, darating siya ngayon. Pinasundo ko. Pero hindi sanay, e."

Sa second shootingday ng movie ni Willie na Mr. Housewife ay dumating din si Nadine. Isasama baniya sa movie niya si Nadine?

"Hindi, e. Peromalay natin. Mahiyain kasi, e."

Bakit niya pinapuntasi Nadine sa set ng movie niya?

"Kasi aalis na ako.Sabi ko, ‘Gusto mong manood ng shooting?' Ganun siya. Hindi siya cheap na,‘Tawagan mo mommy ko. Puwede ikaw magpaalam sa mommy ko?' Probinsyana nga, e."

Si Nadine na ba ang babaengmamahalin niya habambuhay?

"Hindi pa.Nagugustuhan ko lang yung pagkataoniya. Hindi ko pa siya nakakasama talaga, e."

Hindi kaya nagselossi Nadine kay Roxanne Guinoo na leading lady niya sa Mr. Housewife at natsismisdin sa kanya dati?

"Hindi naman siguro.Hindi ko naman girlfriend yun, e."

Ramdam ba niya namas tatagal ang pakikipagrelasyon niya kung non-showbiz ang magiging girlfriendniya?

"Palagay ko mas ganun ang bagay sa akin.Nag-iiba ka talaga, e, ‘pag nag-iiba na ang buhay mo. Ako, makikita ko, nag-ibaka sa pananaw ng buhay," pagtatapos ni Willie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN