Claudine Barretto admits difficulty in balancing family and showbiz career

IMAGE 0


"Lately, it's been very, very hard. Kasinga, yung family ko, si Raymart at yung mga kids, nag-a-adjust. Yung talagangnaiiyak ako kahit sa set. Kasi parang hindi ko na sila masyadong nakikita," says Claudine Barretto about balancing her time between family and career.



Iba-iba ang naging reaksiyon ng mga nakapanood sa celebrityat press preview ng Iisa Pa Lamang last Friday, July 4. Pero masaya naman na humarap ang buong cast ngbagong teleserye ng ABS-CBN sa grand presscon nito kagabi, July 8, sa Plaza Ibarra,Timog Avenue, Quezon City.

Isa sa mga nakuha nilang feedback mula sa mga nakapanood aypara raw pelikula ang Iisa Pa Lamang dahil sa naglalakihang mga artista, location, productionvalues, at kuwento nito.

Ayon sa bida na si Claudine Barretto, "Yes, yun talaga anggusto naming ibigay sa audience ngayon. Yun bang parang pelikula na siyempre, diba, mahal na yung manood ng sine at matagal-tagal na rin na walang masyadongdrama sa telebisyon? Yun ang gusto naming ipakita sa kanila sa Iisa Pa Lamang."

Pero bago ang Iisa Pa Lamang ay katatapos lang ng Sine Seryena ginawa ni Claudine para sa ABS-CBN,ang Maligno. Paano niya nagagawa na maging iba ang atake niya sa bawat role naginagampanan niya, like sa Maligno at ngayon sa Iisa Pa Lamang?

"Unang-una, I make sure na talagang kapag gumawa ako ngisang teleserye, hindi kamukha ng ibang teleserye na ginawa ko. And, of course,sumasabay sa age ‘yan, e. Kung ano yungrole na kinakailangan para sa age ng artista, sumasabay yun," paliwanag ngaktres.

BALANCING ACT. Sa pagbabalik ni Claudine sa teleserye, naging super busymuli ang aktres. Paano niya nababalanse ang kanyang oras bilang inaat asawa bukod sa magandang career niya?

"Lately, it's been very, very hard," pag-amin niya. "Kasinga, yung family ko, si Raymart at yung mga kids, nag-a-adjust. Yung talagangnaiiyak ako kahit sa set. Kasi parang hindi ko na sila masyadong nakikita. ‘Paguwi ko, nagra-run na si Raymart, nag-eensanyo na siya. Kasi nagta-triathlonsiya, di ba? ‘Tapos tulog na yung mga bata o papunta na si Sabina sa school, doonpa lang ako matutulog, yung ganun. Perongayon, mas nakaka-adjust na kami. Hindi na kami masyadong inuumaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin ba niya wala siyang masyadong napapabayaan bilangina?

"Medyo, medyo lately na-feel ko. Like yung first day ofschool ni Sabina, hindi ko siya pinapasok because I have work. Parang nextMonday ko pa siya pinapasok. Actually, she's supposed to go to the school ngTuesday, pinapasok ko na siya ng Monday para masamahan ko siya."

Paano sila nagba-bonding ni Raymart?

"Kasi si Raymart, they visit naman me sa set. Pero, siyempre,‘pag time na ng uwian, umiiyak na si Sabina. Si Santino naman, medyo okey pa.So yun lang yung masakit. Masakit na kapag kailangan nang umuwi. Si Raymartnaman, anytime na gusto niyang pumunta at mag-stay sa set hanggang madaling-araw,puwede naman gawin.

"So we make it a point na kahit gaano ako kapagod, matutuloglang ako hanggang one ng hapon and the rest of the day, I will spend it withthe kids. Then sa gabi, pagdating ng mga six or seven, ‘andun na ako kayRaymart. Kami naman ang magde-date, kakain sa labas with our friends," lahad ni Claudine.

Ano ang plano niya sa birthday nila ni Raymart sa July 19?

"Gagawin naming ano, hindi kami magsi-celebrate on ourbirthday talaga. Ang gagawin naming celebration is the first birthday party anddedication of Santino. Sa July 20 gaganapin ito.... si Raymart,inaayos niya ngayon yun, kung ano ang mangyayari kasama yung kaibigan ko fromBaloon Station. Inaayos talaga ngayon kung gaano kalaki o ano, hindi ko alam. SiRaymart lahat ang nagaasikaso ngayon," saad ni Claudine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN