Melissa Ricks on Matt Evans: "He is very special."

IMAGE 0


"Very closepo. Kasi kami naman ang madalas na magkasama ngayon, lalo na ngayong magkasamapa kami dito. Madalas din kaming mag-textan, gano'n," says Melissa Ricks about screen partner and rumored suitor Matt Evans.



Kapansin-pansinna blooming hindi lang ang career kundi pati ang aura ni Melissa Ricks ngayon.Isa kaya si Matt Evans sa mga dahilan?

"Siyemprenaman po kasama siya do'n dahil nga magkasama kami ngayon dito sa Iisa PaLamang. Basta masaya ako ngayon sa takbo ng mga bagay-bagay, lalo na sa careerko," sagot ni Melissa nang makapanayam siya ng PEP (Philippine EntertainmentPortal).

Nanliligaw naba sa kanya si Matt?

"Ay, siya nalang po ang tanungin n'yo. Nakakahiya naman kung sa akin manggagaling yun, diba?"

Very sweetdaw kasi sila ni Matt kahit off-screen?

"Sweet namankasi talaga si Matt. Napaka-thoughtful pa po niya. Caring. Lagi nga siyang mayfood para sa akin basta nasa set kami ng Iisa."

Gaano na basila ka-close ni Matt sa isa't isa?

"Very closepo. Kasi kami naman ang madalas na magkasama ngayon, lalo na ngayong magkasamapa kami dito. Madalas din kaming mag-textan, gano'n."

Mayposibilidad kayang ma-in love siya sa gestures ni Matt?

"Kahit namansiguro sinong girl, basta caring at thoughtful ang isang guy, mai-in love siya.Opo, mai-in love siguro ako sa gano'ng guy."

One-linerniyang feeling para kay Matt?

"He is veryspecial!"

LEARNING EXPERIENCE. Nungnagsisimula pa lang si Melissa, nagkaroon siya ng negative publicity about heracting skill.

"Yeah,back nung Panday with Jericho [Rosales]," pag-amin ni Melissa. "Fourteen [yearsold] lang naman po kasi ako nun at talagang wala pa po akong experience saacting. Kaya medyo hindi po talaga naging maganda ang resulta nun. Anyway, it'sa learning experience.

"Ngayon, I'mreally glad na binigyan nila ako ng chance dito sa Iisa Pa Lamang. This time, Iwant to prove na may talent din naman po ako sa pag-arte. Nakakahiya namansiguro kung mapag-iiwanan ako ng mga kasamahan ko dito. Ang gagaling talaganilang lahat. And I really consider this project as my biggest breaktoday."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SAMPALAN SCENE. Naikuwentorin ng young actress sa presscon ng Iisa Pa Lamang ng ABS-CBN kagabi, July 8,ang matinding sampalan nila ni Claudine Barretto na ipinapakita sa trailer ngnaturang teleserye.

"Actually, na-taketwo pa nga yun, e. Kasi after kong sampalin si Ate Claudine, napaiyak po ako sasobrang kaba at nerbiyos. ‘Tapos nung makita niya na umiiyak na nga ako, hindiniya na natuloy yung part niya. Siyempre, nagtaka siya ba't nga ako umiyak.

"Tinuruan naman po akoni Ate Claudine ng tamang pagsampal na hindi masakit. So, nung second time naginawa na namin yung eksena, okay na po ako. Pero yung dalawang sampal ko sakanya, katumbas nun yung isang matinding sampal niya sa akin. Pero okay lang poyun, kasi si Claudine Barretto naman ang sumampal sa akin!" biro pa niMelissa.

Obviously,bilib ang ABS-CBN sa chemistry nina Matt at Melissa kaya sila isinama sapowerhouse cast ng Iisa Pa Lamang, na kinabibilangan din nina Gabby Concepcion,Claudine Barretto, Diether Ocampo, Angelica Panganiban, Cherrie Pie Picache,Direk Laurice Guillen, Joel Torre, at Ms. Susan Roces.

Kaya ang wishni Melissa, "Sana nga magtagal din ang team-up namin, tulad nina Ate Claudineat Kuya Diether na hanggang ngayon click pa rin sa mga tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN