"Survival instinct" helps Heart Evangelista overcome failed relationship

IMAGE 0


"Ithink it's better that I'm by myself, I'm away from other people and I'm goingon with my life. It's easier that way," says Heart Evangelista.



Tungkol pa rin sa puso ang hindi maiiwasang topic kapagkausap ng entertainment press ang bagong Kapuso star na si Heart Evangelista.Muling nakaharap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pangmembers of the press si Heart kagabi, July 9, sa grand launch ng Codename:Asero, na magsisimula nang mapanood sa GMA-7 on July 14.

Hindi naman daw isinasara ng pinakabagong leading lady niRichard Gutierrez ang puso niya after her very publicized breakup with JerichoRosales. Ayon kay Heart, "Siguro kung may dumating...but not boyfriend, notcommitment. Kung may mga admirers, siyempre masaya yung feeling but I'm not yetready talaga for a commitment."

IS BILLY COURTING HER? Nali-link na kasi sa kanya si Billy Crawford. Kasama na basa admirers niya ang international singer?

"Ewan ko sa kanya, hindi ko alam sa kanya," maagap na sabini Heart.

Pero inamin naman ni Heart na nakita raw silang magkasama sa TheFort.

"We went out, group kami. Pero hindi kami magkasama talagangdumating, nagkita lang kami ro'n. Kasama niya ang iba niyang kaibigan, kasamako ang iba kong kaibigan. Si Billy naman, dati pa kaming magkaibigan niyan,"paglilinaw ng dalaga.

RICHARD'S LEADING LADY. Bilang bagong leading lady ni Richard, narinig na raw niHeart even before na balitang nai-involve romantically ang young actor sakanyang leading lady every time.

"Naku, narinig ko na nga ‘yan dati, pero hindi, hindi talaga.I don't know kasi. I'm not ready, alam n'yo yung kapag naririnig ko na mag-onna tayo, commitment, napapaso ako. Ayoko muna," napapailing na sabi ni Heart.

THE EX-BOYFRIEND. Hindi na rin nakaiwas si Heart sa mga tanong tungkol sakanyang ex-boyfriend na si Jericho Rosales. Hindi na ba nagpaparamdam sa kanyasi Echo?

"I changed my number. I changed everything, so okey na yun,"nakangiti niyang tugon. "My house, ni-renovate ko yungbahay ko...lahat! My channel! It's notbecause of him, but I want a new start."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Even yung mga bagay na ibinigay or nagpapaalala raw sa kanyaabout Echo, naka-box na raw at isinoli niya sa ex.

"Lahat ng gamit, lahat yun, like pictures, I already put it in a box.At ipinasoli ko sa kanya. Ipinabigay ko lang," pag-amin niHeart.

Sinabi rin ni Heart na walang naka-attach na note saipinadala niyang box kay Jericho.

Napailing na lang si Heart at hindi na nasagot ang tanong ngPEP sa kanya kung puwedeng sabihin na ganoon na lang katindi ang ginawa sakanya ni Echo para isauli niya lahat ng ibinigay sa kanya ng dating boyfriend.

MOVING ON. Ayon kay Heart, third party ang dahilan ng kanilang breakup niJericho, pero mariin naman itong pinabubulaanan ng young actor. Pero talaga bang naka-move on na si Heart?

"You know, when you have the right reasons, it gives youreasons to move on," saad ni Heart. "Alam n'yo, gusto ko talagang sabihin sainyo lahat, pero alam n'yo yun, survival instinct ko ‘to. At ito lang yung mgamore or less, magagano'n ko."

Three years ang inabot ng relationship nina Heart atJericho, kung saan ipinaglaban talaga nila ang kanilang pagmamahalan. And yet,tila sa napakaikling panahon, nabura na lahat ng magagandang alaala nila ngganoon na lang.

"Wala na," sabi niya. "When I closed the book, I closed thebook."

Kahit daw siya mismo, nagugulat sa sarili niya kung paanosiya nakapag-move on agad.

"Alam n'yo ngayon, wala na akong anger or whatsoever. It'sbetter this way. You know, sometimes, when you give too much of yourself toother people and then sobrang parang wala nang natitira sa ‘yo, nagkakaroon kang survival instinct. And I think this is best part of survival instinct. Ithink it's better that I'm by myself, I'm away from other people and I'm goingon with my life. It's easier that way," pahayag ng young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw magsinungaling ni Heart, pero na-trauma raw siyangtalaga sa nangyari sa relationship nilang dalawa ni Echo.

"Yeah, na-trauma ako. Pero hindi ko naman idye-generalizeang lahat. Hindi naman porke't nangyari yun sa akin at na-trauma ako sa isangtao, ganoon na lahat ng tao," sabi niya.

THE GOOD SIDE. Kung may maganda man daw na naidulot sa kanya ang lahat, itoay ang pagiging mas mature niya ngayon.

"Emotionally," sabi ni Heart. "Before kasi, hindi ko kayangmag-isa. Palagi akong dependent sa pamilya ko. You know, I do things on my own.And mostly, yung mga decision ko in life. Pero siguro ngayon, masasabi ko naindependent-independent lang talaga ako before, pa-effect lang yun. But now, Iam really learning on my own. With the help of my parents, pero hindi na silakatulad ng dati na nagdi-dictate."

Natatawang kinontra agad ni Heart ang tanong sa kanya ng PEPpaano kung mag-cross ang landas nila ni Jericho anytime. Maliit lang naman kasiang mundo ng showbiz.

"Hindi mangyayari yun! Hindi magko-cross. Basta if ithappens, it happens siguro. Kung hindi, hindi. Wala, e, wala na," pagtatapos niHeart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN