Richard Gutierrez on choosing between Heart and KC: "Kung sino ang mas masarap sa kanilang magluto!"

IMAGE 0


"Ayaw ko namang i-compare sila sa isa't isa... What you see is what you get kay Heart. She's straightforward, totoosiyang tao, hindi siya naglilihim sa akin. Si KC, sweet lang talaga kami. Noon pa rin naman naminsiya kilala at normal na sa amin ‘yong mag-holding hands kami kapag magkasama.Hindi naman namin ‘yon itinatago sa mga tao kahit nakikita kami!" Richard Gutierrez describes leading ladies Heart Evangelista (main photo) and KC Conce



Pinagpawisan ang young actor na si Richard Gutierrez sasunud-sunod na interview sa kanya pagkatapos ng grand launch ng bago niyangaction-adventure series sa GMA-7, ang Codename: Asero, na ginanap sa AFPTheater last July 9. Sinamantala na kasi ito ng entertainment pressdahil paalis si Richard with KC Concepcion for Greece para sa shooting ng firstmovie team-up nilang For The First Time under Direk Joyce Bernal for StarCinema.

Inamin ni Richard na medyo slim siya ngayon dahil na rin sarigorous training at taping nila ng Codename: Asero, na nagsimula sa Dubai lastMay. Nataon na sobrang init noon ang temperatura sa Dubai at sa gitna pa ngdisyerto ang location nila. Biro nga ni Richard, para maiwasan ang dahan-dahannilang "pagkalitson" sa init ng araw doon, maaga pa'y nagsisimula na silangmag-taping ng co-stars niyang sina Heart Evangelista at Janno Gibbs under DirekMark Reyes. Pagdating ng 10 or 11 a.m., bumabalik na sila sa hotel.

Unang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kayRichard ay kung ano ang ginawa niya para kay Heart noong time na nagte-tapingsila sa Dubai habang dumaranas ng lungkot ang young actress dahil sa breakup nila ni JerichoRosales.

"Natutuwa ako na noong trying times ni Heart, ako angnandoon," nakangiting sagot ni Richard. "I'm her friend kaya nag-openup siya sa akin. Usually, hindi ako nagbibigay ng advice kung hindi naman akohinihingan. Kaya after niyang ikuwento lahat, ang sabi ko lang sa kanya, totake her new project as a blessing, dahil dumating ito sa time na kailanganniyang may pagkaabalahan. Gawin niyang challenge ito kung paano niya iha-handleang situation at maging happy always sa mga dumarating sa kanya."

Gaano ba ka-special si Heart sa kanya at pumayag siyangmakasama ito sa giant billboard ng Codename: Asero?

"Walang kaso sa akin ‘yon dahil I think she deserves tobe in the billboard. Pareho naman kaming naghihirap sa paggawa ng aming series.At maganda naman, di ba?" saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HEART VS. KC. Gaanoba niya kakilala si Heart? Sino ba between Heart and KC Concepcion ang masgusto ni Richard?

"Ayaw ko namang i-compare sila sa isa't isa," pag-iwasni Richard. "Pero matagal na rin naming friend ni Raymond [his twin brother] siHeart. And what you see is what you get kay Heart. She's straightforward, totoosiyang tao, hindi siya naglilihim sa akin.

"Si KC, sweet lang talaga kami. Noon pa rin naman naminsiya kilala at normal na sa amin ‘yong mag-holding hands kami kapag magkasama.Hindi naman namin ‘yon itinatago sa mga tao kahit nakikita kami!" natatawangsagot ng young actor sa comment na nahuhuli raw silang magka-holding hands niKC.

Gaano na ba kalalim ang relasyon nila ngayon ni KC? Hindi basiya binabawalan ng GMA Network na pag-usapan si KC, na katambal niya sapelikula ng Star Cinema?

"Kami ni KC, we live for the moment," sagot ni Richard."Basta she's irresistible and extraordinary for me. Happy kami kapag magkasama.No, hindi po ako pinagbabawalan ng GMA Network. May permission naman nila angpagtatambal namin ni KC kaya hindi talaga maiiwasan na mapag-usapan siya.

"Ako naman po, after that major relationship [withGeorgina Wilson], tinatanggap ko muna lahat ng mga bagay-bagay. I'm absorbingeverything. Binabalanse ko ang oras ko. I'm working hard. Pa-date-date pa langmuna. Basta masaya ako sa mga nangyayari sa akin ngayon."

If ever, sino ba ang pipiliin niya kina KC at Heart?

"Kung sino ang mas masarap sa kanilang magluto!"nagbibirong sagot ni Richard. "Pareho raw silang marunong magluto pero hindi ko pa natitikman angmga luto nila. Si Heart, nag-promise na ipagluluto ako ng sikretong specialdish niya. Pero dahil busy kami pareho, hindi pa ‘yon natutuloy."

KC'S FAMOUS PARENTS.Nagkita na ba sila ng ama ni KC na si Gabby Concepcion at okey ba naman siyarito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Once pa lang po, noong wake ni Tito Rudy [Fernandez].Hindi nga lang po kami matagal na nagkausap kasi ang daming tao noon. Okeynaman po siguro ako sa kanya!" natatawang wika ni Richard.

Binanggit namin sa kanya na naitanong ng PEP kay Gabby noongpresscon nito ng Iisa Pa Lamang kung okey sa kanyang maging boyfriend ni KC siRichard. Sagot ng aktor, kung sino raw ang mamahalin ng anak niya, doon siya.

Balita ring dinalaw ni Sharon Cuneta angshooting nila ni KC sa Tagaytay a week ago. Totoo bang pinagalitan sila ng ina ni KC?

"Hindi po!" bulalas ni Richard. "Ang totoo po, bumisitalang siya sa amin at friend din po kasi niya si Direk Joyce. Nagdala lang siyang pagkain para sa aming lahat. Nag-order po siya sa isang Italian restaurantat ipina-deliver ‘yong food. Hindi po siya masyadong nagtagal sa set, siguromga more than one hour lang siya nag-stay."

Kumusta naman si Sharon, okey ba siya rito?

"Every time naman po na nagkikita kami ni Tita Sharon,she's always very nice to me, she's very sweet, and I'm very thankful forthat."

Sa Monday, July 14, ay parehong magpa-pilot ang Codename:Asero ni Richard at ang Iisa Pa Lamang ni Gabby. Pero hindi naman silamagkakatapat ng timeslot dahil ang series ni Richard ay ipalalabas pagkataposng 24 Oras at makakasabay ng The Singing Bee sa ABS-CBN. Ang teleserye namannina Gabby ay ipalalabas pagkatapos ng My Girl at makakatapat ng Ako Si KimSamsoon sa GMA-7. Paano kung nagkatapat nga ang series nila ni Gabby?

"Kahit po anong katapat ng show namin, okey lang. Kungnagkatapat po, di mas masaya at mas magiging makulay ang gabi," sagot niRichard.

Sa Sunday, July 13, ay puwedeng magkita sina Richard at KCsa SOP dahil ipu-promote doon ng huli ang debut album nito from Sony BMG Music,ang a.K.a. Cassandra at si Richard naman ay nandoon para sa big promo ngCodename: Asero. Pero baka raw mauna si KC sa kanila dahil tutuloy pa ito paranaman sa mall show niya sa SM Mall of Asia in the afternoon. Sa gabi, tutuloyna sila sa NAIA para mag-check-in ng baggages nila dahil past midnight, July14, ang flight nila for Greece.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro namin si Richard na four shooting days lang sila saGreece at ang ibang araw ay gugulin na lang nila para mamasyal doon.

"Hindi po, three days po kami free para mamasyal atmag-shopping. Sasamantalahin na namin ‘yon ni KC dahil pareho naming gustongmapuntahan talaga ang Greece," natatawang pagwawakas ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN