James Yap and other PBA players fined for on-court altercation

IMAGE 0


Purefoods star player James Yap, husband of popular TV and movie personality Kris Aquino, was fined by the Philippine Basketball Association along with other players for an on-court altercation during the Purefoods-Talk 'N Text match last Wednesday, July 9.



Muli na namang nasuong sa kontrobersiya ang basketballplayer-husband ni Kris Aquino na si James Yap nang gawing katawa-tawa ng ilanang ginawa nitong pagtakbo habang hinahabol ng import ng kalabang koponan last Wednesday,July 9, sa PBA (Philippine Basketball Association) game ng Purefoods atTalk ‘N Text na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo City.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng PEP (PhilippineEntertainment Portal), nagkaroon ng mainitang iringan ang teammate ni James saPurefoods na si Jondan Salvador at ang import ng Talk ‘N Text na siTerrence Leather during the last quarter of the game. Lamang na lamang angkoponan ng Talk ‘N Text and they eventually won the game.

Ang nasabing iringan, ayon sa nakausap ng PEP, na nakapanoodng laban, ay nag-ugat sa pagbato ng bola ni Leather kay Salvador. Maagap namanang mga officiating referee sa pag-awat at halos na-pacify na ang sitwasyonby giving the necessary technical free throws na karaniwang ginagawa bilangpenalty.

Sa puntong ito ay bigla na lang nakita ng mga tao natumatakbo na si James galing sa likuran ni Leather. Ang dahilan pala ay"sinipa" ni James ang import bilang ganti marahil sa inasal nito sa kanyangteammate.

Natural na nag-react si Leather at nagmistulang mayhinahabol na manok ang 6'6" import sa basketball court. Ang mga sumunod napangyayari ay ang pagkampi-kampi na ng mga players sa teammates nila.

Kahapon, July 10, ay agad ding ipinatawag ng PBAtechnical committee ang mga manlalarong involved sa nasabing game incident.

Pinamunuan ni PBA Commissioner Sonny Barrios angimbestigasyon, kasama ang PBA Technical Committee at ang mga nasa PBAOperations. Ang Talk ‘N Text import na si Leather, kasama ang teammatesniyang sina Kalani Ferreria at Gilbert Lao ang unang inimbestigahan. Agadnamang sinundan ito ng mga Purefoods players na sina James Yap, EnricoVillanueva, Kerby Raymundo, Jondan Salvador, at Robert Senz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Base sa napanood na recorded game, napagdesisyunan ng komitena pagmultahin ang mga nabanggit na players dahil sa kanilang naging behaviorat conduct sa loob ng professional basketball court. Pinakamalaki ang multa niLeather na nagkakahalaga ng P62,400, na sinundan ng P50,000 na multa ni JamesYap.

Ang iba pang pinagbabayad ay sina Ferreria at Lao nanagkakahalaga ng P20,000. Ang mga Purefoods players na sina Villanueva (P33,000),Raymundo (P30,000), Sanz (P28,000) at Salvador (P1,000). Walang suspension naipinataw sa parehong koponan. At gaya ng nakagawian na, mapupunta ang kabuuangpenalties sa Players' Trust Fund.

Sa kabuuan, makakalikom ang PBA Players' Trust Fund(educational grants, scholarship programs, health, etc.) ng P 244,400 mula sapinagsama-samang multa ng Purefoods (P142,000) at Talk ‘N Text (P102,400).

Sa kasalukuyan ay marami pa rin ang nagugulat sa inasal ngkabiyak ni Kris Aquino. Kilala sa mundo ng basketball si James bilang tahimik,pasensyoso, focused maglaro, at hindi pikon lalo na sa mga kagayang insidente.Subalit gaya nga ng obserbasyon ng marami, "There's always a first time foreverything and James simply had his share."

May mga nagkokonek namang maaaring may kinalaman parin ang emotional state ni James sa napabalitang marital problems nila ngkanyang sikat na misis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN