Annabelle Rama talks about Ruffa's European vacation and Richard's leading ladies

IMAGE 0


"Pinabayaan ko siyang magbakasyong mag-isa dahil nakitakong nag-move on na ang anak ko at masaya siya. Ang hindi maka-move on, ‘yongisa [Yilmaz]. Noong isang araw nag-away na naman kami sa text. Text niya, ‘devilwoman' daw ako, text back ko sa kanya, ‘Thank you for the title, I like it,'" narrates Annabelle Rama about daughter Ruffa Gutierrez.



Napuno ng tawanan ang thanksgiving party na ibinigay ngRegal Entertainment at GMA Films para sa success ng My Monster Mom na ginanapkagabi, July 10, sa Imperial Palace Suites.

Bukod kay Annabelle Rama na siyangbida ng pelikula, alongside daughter Ruffa Gutierrez, present din ang ibang castng movie na sina JC de Vera, Rhian Ramos, at Mart Escudero; pati na ang direktorng pelikula na si Joey Reyes. Naroon din sina Mother Lily Monteverde anddaughter Roselle Monteverde-Teo of Regal, at sina Atty. Annette Gozon-Abrogar,Joey Abacan, at Noel Ferrer ng GMA Films.

RUFFA IN EUROPE. Bago ang presscon proper ay nakausap na ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) si Annabelle. Kinumusta namin sa kanya ang anak na siRuffa, na kasalukuyang nagbabakasyon somewhere in Europe.

"Okey naman siya at tuwing matatapos kaming mag-uusap,sinasabi ko sa kanyang after one minute, tawagan niya ako ulit. Gusto ko langnamang malaman kung nasaan siya at kung safe siya kaya ko ginagawa ‘yon,"kuwento ni Annabelle.

Sino ba ang kasama ni Ruffa na nagbabakasyon? Takot ba siAnnabelle na baka ang dating asawa nitong si Yilmaz Bektas ang kasama ng anak?

"No," kampanteng sagot ng showbiz mom. "I'm sure, alamkong hindi si Yilmaz ang kasama niya. Pinabayaan ko siyang magbakasyon dahilnagsunud-sunod naman ang trabaho niya, taping, shooting ng movie, TV commercialshoot. At pagbalik nga niya, trabaho na siya ulit dahil may gagawin siya saABS-CBN [Betty La Fea].

"Pinabayaan ko siyang magbakasyong mag-isa dahil nakitakong nag-move on na ang anak ko at masaya siya. Ang hindi maka-move on, ‘yongisa [Yilmaz]. Noong isang araw nag-away na naman kami sa text. Text niya [Yilmaz], ‘devilwoman' daw ako, text back ko sa kanya, ‘Thank you for the title, I like it.'"

May nagsabi kay Annabelle na sana raw ay sinagot niya si Yilmaz ng "The devil wears Prada." Sige raw, sa susunod na mag-text ulit ngganoon si Yilmaz, iyon daw ang isasagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KC OR HEART FOR RICHARD. Natawa naman si Annabelle nang tanungin ng PEP kung sino anggusto niya kina KC Concepcion at Heart Evangelista para sa anak na si RichardGutierrez. Si KC ang ka-partner ni Richard sa pelikulang For The First Time ng Star Cinema at si Heart naman ang kapareha ng young actor sa Codename: Asero ng GMA Films.

"Okey naman sa akin kahit sino kina KC at Heart kasipareho silang maganda, parehong talented, parehong mabait. Kapag tinanong konaman si Richard, ang sagot niya sa akin, ‘Sana dalawa ang puso ko,'"natatawang kuwento ni Annabelle.

Sa presscon proper ay tuluy-tuloy na ang pagkukuwentoni Annabelle. Pinasalamatan din ni Annabelle ang mga naninira diumano sa kanyaat sinasabing "flop" ang My Monster Mom.

"Maraming-maraming salamat, hindi lang sa mga sumuporta sa akin at sa buong cast ng My Monster Mom kundi sa mga detractors ko. Dahil sa mga paninira ninyo sa akin, lalo dumami ang mga nanood ng comeback movie ko," pahayag ni Annabelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN