Annabelle Rama to her detractors: "Sorry na lang kayo, ako'y box-office star!"

IMAGE 0


"Biro mo, 55 years old na ako, matanda na ako, ngayon lang ako kumita,ngayon lang ako nagkaroon ng comeback na talagang tinanggap ng taong-bayan.Maraming-maraming salamat talaga," says Annabelle Rama about the box-office success of her movie My Monster Mom.



Bilang patunay na kumita sa takilya ang comeback movie niAnnabelle Rama na My Monster Mom, nagbigay ng thanksgiving/victory party angRegal Entertainment at GMA Films kagabi, July 10, sa Imperial Palace Suites, napag-aari ng Regal matriarch na si Lily Monteverde.

Humarap din sa press si Annabelle upang sagutin ang mgapaninira na hindi raw kumita ang kanyang pelikula. Ayon sa Regal at GMA Films ay kumita na ng almost P40million ang My Monster Mom sa unang linggo nito sa mga sinehan. Kaya namanabot-abot ang pasasalamat ni Annabelle sa tagumpay ng kanyang pelikula sakabila ng mga paninira ng iba.

"Naniniwala akong kumita ang My Monster Mom dahil tinitirana ako ngayon, e," bungad ni Annabelle. "Dati hindi naman ako pinapansin habangnagpo-promote pa ako. Ngayong nag-showing na, talagang sinisiraan ako, matigasdaw akong umarte... Sila kaya ang umarte after 35 years? Napakahirap umarte kaya?Ime-memorize mo yung mga dialogues mo, iintindihin mo pa pati mukha mo... Kaharapko pa si Joey Reyes [their director], kaharap ko pa si Ruffa Gutierrez,magagaling na artista. Siya ang umarte kaya?

"Ako, inaamin ko talaga naninigas talaga ako. ‘Pag sinabi niDirek, ‘Action!' talagang naninigas ang buong katawan ko. Hindi ko alam kungpaano ko natapos yung movie na ‘yon. Ako, inaamin ko yung mga comment ng iba.Hindi ako nagagalit na ano daw, wala raw akong facial reaction. Wala akongpakialam, ang importante kumita ang pelikula!

"May facial reaction ka nga, ang galing-galing mong umarte,e, nilalangaw naman sa takilya, di ba? At least sa akin, facial expression kosa movie, nagustuhan ng mga manonood kasi pababalik-balik silang manood, lalona ang mga katulong ko, pabalik-balik sa mga sinehan.

"Ako, kahit No. 2 lang ako, hay naku, tuwang-tuwa ako No. 2lang ako kay Will Smith [bida sa Hollywood film na Hancock]. Okay lang ‘yon, sikat naman yungkalaban ko, ‘no? Kaya okey lang sa akin yung No. 2, haping-happy ako!" walangprenong pahayag ng Gutierrez matriarch.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinuwento rin ni Annabelle na pati ang kanyang mga apo atmga katulong ay walang sawa na pinapanood ang kanyang pelikula.

"Si Ruffa, nagbilin sa mga katulong, ‘Huwag mong papanoorinang mga bata [Lorin at Venice] ng Monster Mom kasi alam mo naman ang bunganga ngnanay ko, sigaw nang sigaw. Baka matakot sila Lorin.' Now, namilit si Lorin kayEddie na first day pa lang manood sila. Ako, hindi ko alam na nanood pala siyasa Glorietta. Ayaw umalis nung bata, gusto pang ulitin ulit. So, inulit nanaman ni Lorin the next day. Sabi niya, ‘Lola, I want to watch again.' Sabi ko,‘Why Lorin?' ‘I love the movie, Lola.' Ibig sabihin, pambata talaga yungpelikula.

"Kaya nung weekend, kasama ko yung dalawang apo ko, nanoodkami sa Megamall, at saka lahat ng yaya. Kaya siguro naka-limang libo ako nungSabado. Apat na sinehan ang inikot ko, e. Iba-iba, Trinoma, Gateway, Megamall...Kaya naka-limang libo ako dahil marami akong mga kasama!" nakakatawa niyangkuwento.

NOT AFFECTED. Naapektuhan ba si Annabelle sa mga naglabasang balita satext message at e-mail na hindi diumano kumita ang pelikula niya?

"Hindi," mabilis na sagot niya. "Bakit ako maaapektuhan, e,alam ko namang kumikita ang pelikula? At saka ang importante doon, lahat ng mgataong nanood, talagang nakakatuwa sila. Mula umpisa hanggang ending, tawa silanang tawa kaya nag-e-enjoy talaga ako.

"Kaya sabi ko, hindi ko iintindihin ang mga intriga kasi‘pag ang pelikula flop, makikita mo talaga, mga dalawang tao lang ang tao saloob ng sinehan. Kaya ako naman, hindiako naniniwala. Lalo na nung Sunday [July 6], dalawa lang ang may pila sasinehan—Monster Mom at saka yung Will Smith [Hancock]. Inikot ko sa ibang mga sinehan,dalawa pa rin. Hanggang Fairview, dalawa pa rin ang may pila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May hinala ba si Annabelle kung sino ang nagkakalat ngpaninira sa kanya?

"May hinala ako, pero sabi ni ano, hindi raw totoo," sagot niya. "Pero sabi ko, yun lang naman ang kaaway ko na hindi matanggap nablockbuster ang movie ko. Yung ibang mga artista na flop ang pelikula, I'm suresila na ‘yon. Hindi ko na babanggitin pa, pero yun ang hinala ko talaga kasiparang... Biro mo, 55 years old na ako, matanda na ako, ngayon lang ako kumita,ngayon lang ako nagkaroon ng comeback na talagang tinanggap ng taong-bayan.Maraming-maraming salamat talaga.

"This is my dream, pero hindi ko hiningi kay Mother; siMother ang nag-offer sa akin!" diin ni Annabelle. "Di ba nga, kasi nakaka-shocknaman talaga na kung kailan ako tumanda, saka ako nagkaroon ngmaraming-maraming offer?

"At saka tuwang-tuwa naman ako, after 35 years, hindiako napahiya sa mga anak ko na nag-comeback ako sa pelikula na kumita. Hindiako napahiya kay Ruffa, kay Eddie [Gutierrez, her husband], lahat silatuwang-tuwa naman. At sa lahat ng mga nang-intriga sa akin, sorry na lang kayo,ako'y box-office star!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN