Derek Ramsay denies Angelica Panganiban's claim that they have broken up

IMAGE 0


Angelica Panganiban cried on TV when asked about the rumor that she has broken up with boyfriend Derek Ramsay. Two days later, Derek denied this by saying they're still on.



Nagulat ang ilang malalapit na kaibigan ng magkasintahangsina Angelica Panganiban at Derek Ramsey nang pumutok ang balitang hiwalay nasila. Last month ay may bulung-bulungan na tungkol sa pagkakalabuan diumanonina Angelica at Derek. May nagtanong tungkol dito kay Angelica salaunching/presscon ng Mario D'boro, na ini-endorse nila ni Dingdong Dantes,pero tinawanan lang ni Angelica ang isyu.

"Hindi ko nga alam, e," sabi ni Angelica noon."May nagtanong nga sa akin niyan. Actually, nitong past few months, walanaman kaming pagtatalo na, wala kaming kahit na anong nangyari na para bangnag-away kami or nahiwalay kami. Wala kaming isyung ganun, kayanakakagulat."

Bukod dito, nang naglaro sa isang international Frisbeecompetition sa Shanghai, China, si Derek, kung saan nanalo ang team nila,sinorpresa pa ni Angelica ang kasintahan.

"Sinurprise ko siya sa Shanghai. Siyempre, natuwa siya nungsumunod ako sa kanya. First time niya kasing mag-captain ng isang team. Kayagusto ko talaga siyang suportahan. Kaya nung na-pack-up yung isang taping konung Friday [June 20], kumuha ako ng last flight out papuntang Shanghai.

"Dumating ako nung Monday [June 23], 6 a.m. Nauna pa rin ako kasi maytaping ako ng Monday. ‘Tapos dumiretso ako ng trabaho. Siya [Derek], dumatingnung Tuesday morning [June 24]," lahad ni Angelica.

SHE SAID... Sa grand presscon ng kinabilangang primetime drama series ni Angelica, ang IisaPa Lamang, noong July 8 sa Plaza Ibarra, nakorner ng TV crew ang young actress.Nagulat ang lahat dahil umiyak si Angelica pagkatapos mag-open up na mayproblema ang relasyon nila ni Derek.

Sa kolum ni Regee Bonoan sa Balita noong Huwebes, July 10,inilabas niya ang mga sinabi ni Angelica sa naturang TV interview ng dalaga.Umiiyak daw na nagpaalam si Angelica sa manunulat at TV crew dahil hindi na rawniya kayang sagutin ang mga tanong tungkol sa kanila ni Derek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumpirma ni Angelica na break na sila ni Derek, pero in speaking terms pa rinnaman daw sila. Maayos daw silang naghiwalay ng kasintahan.

"Bihira na kasi kaming magkita kasi wala naman kaming project na magkasama, sokumbaga," rason ng young actress. "So nagkapatung-patong na. Kaya may mga bagaykaming inaayos at napagdadaanan namin talaga yun ng isang relasyon maskinaman sino. Di ba nga, mga magkaibigan, mag-boyfriend o girlfriend, mag-asawa,pamilya...Lahat naman tayo dumadaan sa ganyan."

Dagdag niya, "Kaya hindi namin alam kung ano patutunguhan ng relasyon namin.Hindi ninyo alam o kami rin hindi rin namin alam. Walang may alam, as in."

Ayon pa sa report ni Regee, nahihirapan daw si Angelica sapinagdadaanan ng relasyon nila ngayon ni Derek kaya sa trabaho na lang daw niyaibinubuhos ang oras niya.

"Kung anuman ang mangyari sa amin, e, yun ang gusto ngDiyos. Yun siguro talaga ang itinadhana."

Kinabukasan, July 9, after the presscon ay lumipad na papuntang New Jersey siAngelica para sa show ng Wowowee. Pero mabigat daw ang puso niya na umalis ngbansa.

HE SAID. Sumunod na araw, July 10, sa kolum naman ni JobertSucaldito sa Bandera, pinabulaanan ni Derek ang sinabi ni Angelica na break nasila.

"That's not true! We're still on!" mabilis na sabi ni Dereknang magkausap sila ng kolumnista sa telepono.

Inulit pa raw ni Jobert ang tanong niya kay Derek dahil bakanagkamali lang ng sagot. Pero itinanggi pa rin daw ni Derek ang nabalitangbreakup nila ni Angelica.

"She left for the States and she'll be back this Tuesday[July 15]. Kami pa rin po," sabi ni Derek.

Magtu-two years nang magkakilala sina Angelica at Derek,pero mag-iisang taon pa lang sila bilang magkasintahan next month. Originally,ang plano nila ay i-celebrate ang kanilang first year anniversary sa isangout-of-the country trip kung kakayanin daw ng schedule nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Sa The Buzz ngayong Linggo, July 13, mapapanood angbuong pahayag nina Angelica at Derek sa hiwalayan diumano nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN