Marian Rivera and Dingdong Dantes talk about past relationships

IMAGE 0


Dyesebel co-stars Marian Rivera and Dingdong Dantes are still riding high with the popularity of their team-up. Aside from numerous endorsements, the two are also the hottest property when it comes to sexy pictorials and fashion shows.



Magkasabay na na-interview ng Startalk noong Sabado, July12, ang isa sa hottest loveteam sa kasalukuyan na sina Dingdong Dantes atMarian Rivera sa launching ng iba't ibang merchandise ng Dyesebel na ginanap saisang mall.

Hanggang ngayon ay nagugulat at hindi pa rin makapaniwalasina Marian at Dingdong sa mainit na pagtanggap sa kanilang dalawa ng kanilang supporters, tulad nga sa nakaraang mall show nila.

Ani Marian, "Alam n'yo, dati-rati maraming tao, pero hindiganitong karami! Na ang dami-dami talagang tao. Nakakataba ng puso na minamahalnila kami nang ganito."

PAST RELATIONSHIPS. Sa naturang pagkakataon, sinagot din nina Marian at Dingdongang mga isyung kinasasangkutan nila. ‘Tulad na lang sa kaso ni Marian kung saaninamin ng young actor na si Mark Herras na naging girlfriend niya ang star ng Dyesebel.

"Tama na yun, tapos na yun, e! Nagseselos si Dingdong, tamana!" natatawang biro ni Marian sa kanyang katabi na si Dingdong that time.

Sa parte naman ni Dingdong, muli na namang naungkat ang datiniyang girlfriend na si Antoinette Taus, na bagamat nasa Amerika ay nagpahayagna isa raw siya sa sumusubaybay sa tambalan nina Dingdong at Marianvia GMA Pinoy TV sa U.S.

"Natutuwa naman ako na in touch pa rin siya sa kanyangFilipino roots, much more na hindi pa niya ako nakakalimutan. Akonaman kasi, wala naman akong way to monitor what's happening to her. Pero sanalalaman ko naman, things are doing well sa kanya. Maganda ang mga nangyayariat ito talaga ang hinihintay niya," saad ni Dingdong.

Hindi naman itinanggi ni Dingdong na bukas pa rin angcommunication line niya with Antoinette na ngayon ay Las Vegas based na.

"The usual na birthday, Pasko, nagbabatian pa rin namankami," pag-amin niya.

Bilang isang aktor, wala rin daw problema kay Dingdong kungmay proyekto man na kailangan pa rin silang pagsamahin. May balita kasing uuwina naman daw ng bansa si Antoinette upang dumalo sa kasal ng kaibigang siCheska Garcia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung yun talaga ang gusto ng tao, sino naman ako paratumanggi? Wala naman kaming problemang dalawa, e. Pero siguro baka mas una kosiyang makikita kasi pupunta ako roon."

Halatang nagulat naman si Dingdong sa sumunod na tanong ngStartalk sa kanya tungkol sa diumano'y pagkaka-link niya sa dating T.G.I.S.graduate na si Angelu de Leon.

"Nagkita kami sa isang event sa Rockwell, launching ng isangrelo. Pero bukod doon, hindi kami magkasama. Hindi ko alam kung saan galingyun. Hindi po totoo yun," tanggi niya.

ENDORSEMENT ROYALTIES. Bukod sa kanilang individual endorsements, magkasama na rinsina Dingdong at Marian sa TV commercial ng San Mig Light. Balita rin daw nainaawitan ngayon si Marian ng isang sangay ng gobyerno para gawing kinatawan saisang kampanya on alternative foods.

Sabi naman ni Marian, "Kung makakatulong ba ako sa kapwa koat makabubuti ‘yan sa sambayanang Pilipino, bakit hindi? Tutulong at tutulongpo ako."

READY TO BARE. Kung may isang bagay rin daw na inaabangan sa dalawa, ito ayang pagpo-pose ni Marian para sa cover ng FHM at si Dingdong naman ay sakanyang nalalapit na pagrampa sa July 25 sa Bench BlackOut Underwear &Denim Fashion Show.

"Wala pa naman, siyempre yung normal exercise routine ko palang, yun pa lang. Kasi hindi ko pa naman alam ang gagawin ko," sabi niDingdong.

Balitang naospital pa raw siya dahil sa pagda-diet.

"Hindi naman, medyo nagkaroon lang ng konting problema dahilnagkaroon ng konting kakulangan sa nutrients. Pero okey na naman. Okey nangayon," paniniguro ng young actor.

Nagbigay naman ng pahayag si Marian sa mga nang-iintrigangayon pa lang kung gaano kaseksi ang gagawin niyang pictorial sa FHM.

"Basta, surprise po yan! Palagi ko ngang sinasabi, malakiang pasasalamat ko sa mga taong bumoto sa akin at para sa kanilang lahat poyun. Pero hindi ko pa alam kung paano ko gagawin. Kasi ang gusto ko, yung akolang at yung pagiging masayahin ko. Siguro yun lang ang maipapakita ko.Kasi yun lang naman talaga ako," saad ng Philippine's Finest ng FHM ngayongtaon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN