Model search Face of the Year to resurface under new management

IMAGE 0


Struggling showbiz newcomer and businessman James Radd Amadonow owns the ‘90s model search Face of the Year, which was formerly headed bycontroversial talent manager Jojo Veloso.



Under new management na ang Face Of The Year search nadating hawak ng kilalang talent manager na si Jojo Veloso.

Ang franchise ng contest na ito ay hawak na ng isangenterprising businessman na isa ring struggling actor. James RaddAmado is currently making a name for himself in the field of showbiz.

Sa kanyang pamamalakad, bibigyan ng bagong hininga ni Jamesang naturang contest na nagpasikat sa ilang artista sa showbiz. Muli ngangibabangon ni James ang contest na ito at anumang araw ay maaari na nila itongilunsad. Maraming bagong ideya si James kaya kaabang-abang ang pagbabalik ngcontest na ito.

JOJO VELOSO, STILL IN SHOWBIZ. Kaugnay nito, nagsalitana ang dating namamahala sa naturang contest na si Jojo Veloso, na nagingkontrobersyal sa peak ng kanyang career bilang talent manager. Naging laman si Jojo noong araw ng halos lahat ng mga babasahin atmga balita sa radyo at telebisyon dahil sa kontrobersyang kinasangkutan niya.Aniya, pawang mga paninira at gawa-gawa lang ang mga iyon ng kanyang mgadetractors.

Pero sabi ni Jojo, all those things are now water under thebridge. Hindi nga niya malilimutan ang mga panahong iyon na sinubukan angkanyang pananalig sa Diyos at paniniwala sa sarili.

"Heto ako, buhay na buhay pa, alive and kicking. Maaaringnaigupo nila ako sandali pero hindi nila ako napatay. Nung mga panahong yun,ipinagpasa-Diyos ko na lang sila, at ngayon, alam naman nating wala namangnangyari sa gusto nilang gawing pagtumba sa akin," sabi pa ni Jojo, na totoorin naman, dahil hanggang ngayon, nakatindig pa rin siya at muling nakikipagsapalaransa mundo ng showbiz.

Kung tutuusin nga naman, hindi siya nawala sa showbiz,dahil nandiyan ang bakas ng maraming talent niya na nakagawa na ng marka bilang mga artista.

Una sa listahan sina Allen Dizon at Ana Capri na kinikilalang mga tunay na aktor at aktres dahil sa ipinakita nilang kakaibang talino sapag-arte at pagkilala sa kanilang kakayahan. Pinag-usapan din naman at nakagawang mga balita ang iba pa niyang mga naging alaga, tulad nina Ina Raymundo,Aya Medel, at Via Veloso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami pang ibang pangalan na pinasikat si Jojo Veloso, ataniya, muli siyang magsisimula't gagawa ng mga bagong pangalang kikilalanin sashowbiz.

Katunayan, siya ang namamahala sa career ng bagong sumisikatna sexy star at kikay performer na si RR Enriquez. Kilala na si RR who made herpresence known sa noontime show na Wowowee.

Napapansin na nga ang kakayahan at kagandahan ni RR andgiven the right break, magiging showbiz talk of the town din ang bagong talentna ito ni Jojo Veloso.

Samantala, nung hindi naging masyadong active si Jojo sashowbiz ay pinasok din niya ang pulitika. Naging board member nga siya sakanyang island province na Biliran sa Visayas. Wala rin daw siyang intensyongtalikuran ang isa pa niyang career na ito.

"Hindi ko iiwan ang pulitika at kung puwede kong isabay angshowbiz, yun ay gagawin ko. Gusto kong maglingkod sa bayan ko at gusto ko ringmakatulong sa maraming baguhang nangangailangan ng tulong ko," pangwakas nastatement ni Jojo Veloso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN