FIRST READ ON PEP: Gretchen Barretto defends sister Claudine on reported confrontation with Angel Locsin

IMAGE 0


"'Yong side lang ni Claudine angnaririnig ko, wala pa akong naririnig sa kabilang side. ‘Yon, so mahirap namanpara sa akin ang magsalita," says Gretchen Barretto about the reported encounter between her sister Claudine (inset, top) and Angel Locsin (inset, bottom).



Pagkatapos nglabinlimang taon ay muling mapapanood sa MaalaalaMo Kaya (MMK) si GretchenBarretto. Simula next week, July 19, ay mapapanood na ang MMK tuwing Sabado.

Sa press conferenceng MMK na ginawa sa 9501 restaurantng ABS-CBN ay excited na ikinuwento ni Gretchen ang kanyang karanasan sa mulingpag-arte sa harap ng kamera. Aminado ang magandang aktres na nahirapan siyangmag-adjust pagdating sa oras ng taping. Hindi na kasi sanay si Gretchenmagpuyat, especially kung trabaho ang pag-uusapan.

"Nahirapan," ngitini Gretchen. "Nahirapan din sila [production team] sa akin. Siyempre pagpasokmo ng set, excited na excited ka, lahat ng energy nai-expel mo. Tawa pa kaminang tawa. Pagdating ng mga twelve o'clock midnight, parang ano na ako,nahihilo-hilo na ko.

"And then, may orasna ‘pag mga one o'clock, magiging hyper na naman kami, tawa na naman nangtawa. Pagdating na ng three o'clock, nag-i-emote na ako, ‘Anong ginagawa kosa sarili ko, gising pa ako?' Gusto ko na maligo, pagod na ako. Three days kasina 24 hours na trabaho. Hanggang ngayon, para akong nadye-jetlag. Sa araw akonatutulog, sa gabi gising ako."

Para sa nasabingepisode ng MMK ay gagampanan ni Gretchen ang papel ng isang may asawang babaena naging mistress ng town mayor.

Nang tanungin siGretchen kung nakaka-relate ba siya in any way sa story, o sa character naginampanan, ay sumagot ito ng, "I can't relate kasi I'm not married," seryosongpahayag nito, "I don't have a husband."

DEFENDING SISTER CLAUDINE. Napag-usapan during the interview after the presscon proper ang kumalat nabalita recently involving Gretchen's sister Claudine and fellow ABS-CBN star AngelLocsin.

Ayon sa kumalat na balitaay nagkasagutan diumano ang dalawa sa isang salon matapos magsumbong ang isanghairdresser kay Claudine sa ipinakitang attitude ng Lobo lead star habang inaayusan. Pinagsabihan daw ni Claudine si Angel at nauwi ito saisang confrontation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga nag-react saisyung lumabas na hindi raw si Angel ang may kasalanan kung bakit nagkaroon ngheated exchange. Kasalanan daw ito ni Claudine dahil mistulang nagmamalaki itokay Angel.

"Ayoko munangmag-react," mabilis na sagot ni Gretchen nang kunin ang kanyang reaksiyon. "Angalam ko lang, masipag ‘yong kapatid ko. Focused siya sa trabaho niya, magalingsiya at marami siyang award."

Dagdag ni Gretchen,narating daw ng kanyang nakababatang kapatid ang kasalukuyang estado nito dahilna rin sa sipag at tiyaga.

"Pinagtrabahuhanniya kung ano siya at kung anong meron siya. Kaya sana huwag husgahan ng iba orsasabihin na nagmamalaki siya dahil Claudine is Claudine," depensa ni Gretchen.

Very honest siGretchen na masama ang loob niya kay Angel, pero hindi naman daw siya galitdito.

"Naawa ako sa kapatidko, siyempre. Kasi para ma-accuse si Claudine, siyempre naawa ako sa kanya.Pero alam ko naman kaya ni Claudine ‘yon. Sabi ko, that's part of beingClaudine Barretto and having the fame and special treatment that you have inABS-CBN. Kasi siyempre, matagal na siyang nandito sa ABS kaya nabibigyan siyang special attention."

Open-minded naman siGretchen pagdating sa issue. Katuwiran niya, "'Yong side lang ni Claudine angnaririnig ko, wala pa akong naririnig sa kabilang side. ‘Yon, so mahirap namanpara sa akin ang magsalita."

Nang tanungin kungbabatiin ba niya si Angel kung sakaling makasalubong niya ito somewhere ay itolang ang sagot ni Gretchen: "Hindi ko alam. Takot ako, baka awayin din niya ako!Baka sigaw-sigawan niya ako. Oh my, God! Wala akong panahon!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN