Piolo Pascual's chance encounter with Juday and Ryan in Dubai

IMAGE 0


Matinee idol Piolo Pascual accidentally met Judy Ann Santos and her boyfriend Ryan Agoncillo (inset) in Dubai airport after attending the 6th Paris Cinema Festival in France.



Masayang bumalik ngPilipinas si Piolo Pascual dahil sa mainit na pagtanggap ng mga Pinoy atEuropean community sa pagpapalabas ng Dekada ‘70 sa 6th Paris Cinema Festival noong Hunyo. SiPiolo ang kauna-unahang Pilipinong aktor na naimbitahan sa naturang film festival.

"Maraming tao, ‘andamingPinoy! It was an experience. I had fun presenting Dekada ‘70 to the French film enthusiasts," lahad ni Piolo nang salubungin siya ng The Buzzsa airport.

Ipinagpasalamat niPiolo ang magandang pagtanggap sa Dekada ‘70, kung saan gumanap siya bilangpanganay na anak nina Vilma Santos at Christopher de Leon. Dito rin sapelikulang ito, na idinirek ni Chito Rono para sa Star Cinema, naka-grand slam siPiolo bilang Best Supporting Actor noong 2003.

"Maganda raw yungfeedback. The theater was jampacked and I hope they liked it. I hope the Frenchpeople liked it."

CHANCE MEETING WITH JUDY ANN & RYAN. Naimbitahan din saParis Cinema Festival ang dating ka-love team ni Piolo na si Judy Ann Santospara sa pelikulang Ploning. Kasama ni Judy Ann na lumipad patungong Parisang kasintahan nitong si Ryan Agoncillo. Ngunit hindi raw sila nagkita sa Paris.Nagkasalubong lang daw sila sa Dubai sa kanilang connecting flight pauwi ngPilipinas.

Matatandaangnagkaroon ng gusot dati sa pagitan ni Piolo at nina Judy Ann at Ryan.

"Okey naman. Walanaman talagang problema," ngiti ni Piolo.

Tinanong ng The Buzzsi Piolo kung totoo na binati niya sina Judy Ann at Ryan.

"We didn't get that far.Hi, hello lang. That's it," sagot ng aktor.

Iisang eroplano langdaw ang sinakyan nina Piolo, Ryan, at Judy Ann kaya sabay-sabay silang bumiyahepabalik ng Pilipinas. Sa airport ng Dubai ay nagkasalubong na ang tatlo.

Ayon sa mga balitangkumalat, hindi raw nagpansinan ang magkabilang partido. Pero maagap napinabulaanan ito ni Judy Ann.

"To make thingsclear walang isnaban na nangyari. Nag-hi, hello. Nag-apiran sila ni Ryan. Nagha-hikami. So, wala akong nakikitang isyu doon sa nangyari. I think it was a nice gestureon both our parts, actually.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"I mean, it's finished already. Matatanda nakami para diyan, dyusko! Mga trenta na kami, di ba? Siguro ginusto rin ngDiyos, di ba? Magkita-kita kasi tapos na naman ang issue. Nakapag-usap na,"pahayag ni Judy Ann.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN