Robi Domingo blushed when he learned that Andi Eigenmann has a crush on him

IMAGE 0


"Nagagandahan ako sakanya," says Robi Domingo about Andi Eigenmann (inset), who admitted that she has a crush on the former Pinoy Big Brother Teen Edition Plus housemate.



Biglang namula angmukha ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus first runner-up na si Robi Domingonang malaman niya na inamin ni Andi Eigenmann, ang dalagang anak nina Jaclyn Jose at Mark Gil, na crush siya nito. Hindi kasi alam ni Robi na crush palasiya ni Andi.

"Medyo mainit pongayon, e," palusot niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa biglangpagpula ng kanyang pisngi. "Well, salamat kayAndi kasi maganda naman siya."

Ayon kay Andi,matagal na niyang kilala si Robi dahil magkatabi lang ang eskuwelahangpinapasukan nila. Sa Ateneo University nag-aaral si Robi samantalang sa katabingeskwelahan nito na Miriam College naman pumapasok dati si Andi. That time,pareho pa silang nasa high school.

"Matagal na pokaming nagkikita, pero hindi po kami nagkakausap. Parang ano po, socialfriends. Hi and hello lang kami kapag nagkikita sa Ateneo," sabi ni Robi.

Kuwento pa ni Andi,dati siyang nagho-host sa mga events ng Ateneo kung saan nakikita niya doon siRobie.

Sabi naman ni Robi,"Dati kasi, parang ang hirap po niya lapitan. Kasi celebrity na siya ‘tsakaparang ano po, mabait pong sobra."

Ni hindi man lang basiya nag-attempt na makipagkilala at makausap si Andi?

"Nahihiya po akodati, e," sagot niya.

Inamin din ni Andina isa si Robi sa mga dahilan kaya pumayag siya na maging guest celebrity houseplayer sa loob ng Bahay ni Kuya.

"Grabe! Wala akongmasabi talaga. Ah, wow!" reaksiyon naman ni Robi.

Ngayong alam na niyalahat ng rebelasyong ni Andi tungkol sa kanya, ano ang magiging reaksiyon niyakapag nagkita ulit sila?

"Wala, pareho pa rinpo," ngiti ni Robi.

Pero si Robi raw kasiyung tipo ng binata na mas gusto niya na siya ang nanliligaw kesa siya angnililigawan.

"E, crush lang namanpo."

Posible ba naligawan niya si Andi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung ano po, puwedepo."

Si Andi na kaya angmaging first girlfriend ni Robie?

"Depende po. Kasi medyo jampacked po ngayon ang scheduleko, e."

Pumunta ba siya sadebut ni Andi noong June 27?

"Pina-invite nga poniya ako sa friend niya. Kaya lang, hindi ako nakapunta kasi may workshop po ‘atanoon. Pero nagkita naman kami sa Star Magic Ball. Nag-sorry po ako sa kanya.Doon ko siya nabati. Tinanggap naman niya ang apology ko," kuwento niya.

May regalo ba siyakay Andi?

"Wala po. Nabigla po ako. Bigla ko na langsiyang nakita, e. Tatawagan ko po siya ngayon," pangako ni Robi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN