FIRST READ ON PEP: Lorna Tolentino starting to "move on" 40 days after Daboy's death

IMAGE 0


Actress Lorna Tolentino wants to make a trip to the Holy Land with some cancer patients and to make a CD that will contain talks about cancer.



"Moving on" ang sagot ni Lorna Tolentino nang kumustahinsiya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) bago nagsimula ang Holy Mass parasa paggunita sa 40th day ng pagkamatay ng asawa niyang si Rudy Fernandezkagabi, Wednesday, July 16, sa The Heritage Park Chapels, the same place kungsaan ibinurol si Rudy. Ang misa aypinasimunuan nina Rev. Fr. Sonny Ramirez at Rev. Fr. Erik Santos, dalawang parina close sa family ni Rudy.

Ginawang light ni Fr. Erik ang kanyang homily at may mgapagkakataon na napapatawa si Lorna, na katabi ang mga anak na sina Ralphe atRenz, sa kuwento niya. Tinanong ng pari si Lorna kung nagpakita na raw ba sakanya si Rudy kahit sa panaginip lang niya. Napangiti si Lorna at sumagot na napanaginipan daw niya minsan nahinahalikan siya ng yumaong mister na akala niya ay totoo nang magisingsiya.

"Lorna is a picture of grace under pressure which is courage," sabi naman ni Fr.Sonny. "Noong nabubuhay pa siRudy, nakausap ko siya. Sinabi niya sa akin na si Lorna raw ang dahilan nglahat kung bakit buhay pa siya. Kung wala raw si Lorna, noong isang taon pasiya namatay. But now, kung nakikita tayo ni Rudy, tiyak na masaya siya dahilnakikita niyang naritong muli, magkakasama ang mga mahal niyang pamilya at mgakaibigan."

Tiyak namang nami-miss ni Senator Jinggoy Estrada angoras na ‘yon dahil bukas, July 18, pa ang dating niya from the States, ayon samisis nitong si Precy. May speaking engagement kasi si Jinggoy roon at hindi nasiya nakahabol para sa 40th day ng best friend niya. Pero present ang bestfriends din nilang sina Senator Bong Revilla at Phillip Salvador.

Ilan pa sa mga namataan ng PEP sa misa ay sina Ms. SusanRoces, Manay Ichu Maceda, Ms. Gloria Romero, Ms. Armida Siguion-Reyna, LaniMercado, Sandy Andolong, Isabel Rivas, Eric Quizon, Paolo Contis, JohnnyDelgado, Lolit Solis, Andeng Bautista-Ynares, Bibeth Orteza, atbp.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naroon dinang executives ng GMA-7 na sina Marivin Arayata, Redgie Acuña-Magno, atLilybeth Rasonable. Mula naman sa ABS-CBN ay dumating sina Ms. Malou Santos,Millet Santos-Mortiz, directors Olive Lamasan, Rory Quintos, and TrinaDayrit.

Wala ang panganay na anak ni Daboy na si Mark AnthonyFernandez na nagte-taping ng Ako Si Kim Samsoon sa Tagaytay, pero dumating naman ang kanyang misis na si Melissa at ang kanilang anak. Nagkamali raw ngpaalam si Mark Anthony na nasabi nito na July 17 ang pa-40th day ng papa niya,kaya nag-schedule ang executive producer ng taping ng July 16 sa halip na July17 na siyang regular taping day nila.

Nakausap pa ng PEP si Lorna pagkatapos ng Holy Mass.Tinanong namin siya kung ano na ang plano niya ngayong naka-40 days na si Rudy.

"Nagmu-move on na ako," sagot ni Lorna. "Isa nga rito‘yong gusto kong pumunta sa Holy Land [Jerusalem] kasama ang mga cancerpatients. Malalaman ko bukas [July 17] ang details ng trip.

"Gusto ko ring gumawa ng CD na maglalaman ng talks ko aboutcancer. Sasamahan ko ito ng inspirational messages na ire-request ko sa mgacelebrity friends ko na mag-record para sa CD, na alam kong makatutulong sapinagdadaanan ng mga mga cancer patients."

Tatapusin pa rin niya ang ibang ibinilin sa kanya ni Rudy na gawin niya, pero ang hindi pa raw niya kayang simulan ay ang pag-aayos nggamit ni Rudy.

Kumusta ang pagbabalik niya sa trabaho? Sa GMA-7 pa rin ba osa ABS-CBN na?

"Wala pa, hindi pa ako nakapagdedesisyon. Pero bakathis coming September, puwede na akong bumalik magtrabaho," nakangitingsagot ni Lorna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN