Kuya Germs still avoiding Billy Crawford's attempts to reach out

IMAGE 0


"Wala po siyarito kaya wala akong chance na kausapin siya. I tried, pero halata ponginiiwasan niya ako. I will wait na lamang ng time na makausap siya, sana bagoako bumalik sa States," says Billy Crawford about his effort to speak with his former mentor, German "Kuya Germs" Moreno.



Babalik na sa Los Angeles, California, ang Filipinointernational singer na si Billy Crawford sa September 17 pagkatapos ng grandfinals ng Pinoy Dream Academy (PDA) ng ABS-CBN. Ito ang pahayag ni Billy sa PEP (Philippine Entertainment Portal)at ilang entertainment press sa formal launching at presscon para sa kanya ngBelo Medical Group as their newest celebrity endorser, kagabi, July 17, saAnnabel's restaurant, Quezon City.

Sa pagtatapos ng PDA, matatapos na rin ang pinirmahangkontrata ni Billy sa ABS-CBN at ang pagiging co-host niya sa ASAP '08. Ano angnext move ni Billy pagbalik niya sa States?

"Hindi po ako magtatagal sa Los Angeles," sagot niBilly sa PEP. "Kailangan ko na rin pong pumunta ng Paris, France, topromote my new album which I recorded sa States bago ako umuwi rito. I willstay there for six months."

As host of Pinoy Dream Academy, tinanong si Billy kungtotoong may dalawang bading na scholars inside the academy.

"Hindi ko po alam kasi hindi naman ako directlynakikipag-communicate sa kanila dahil I'm only updating ng mga nangyayari saloob ng Academy, at co-host nina Toni Gonzaga at Nikki Gil everySaturday," natatawang sagot ni Billy.

RECEDING HAIRLINE. Biniro si Billy na medyo lumalapad na ang noo niya, samantalangnoong That's Entertainment days ay ang kapal-kapal ng buhok niya.

"Medyo nga po," nakangiting sagot ni Billy. "Nakuha koito dahil lagi akong naka-sumbrero noon. Yung init at pawis, nakaapekto sa buhokko, numipis ito. Kaya ngayon, hindi na ako nagsusuot ng sombrero at cap."

May nagtanong din kung wala ba siyang balak alisin anggoatee niya.

"Kapag tinanggal ko ang goatee ko, magmumukha po akong 13years old. Kaya noong year 2000, sinimulan ko nang magpatubo ng goatee at tini-trimko lang para mabawasan," paliwanag niya.

UNRESOLVED CONFLICT. Hindi maiwasang tanungin pa rin si Billy tungkol sa sama ngloob sa kanya ng dating mentor niyang si German Moreno. Nagkausap na ba sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa po," sagot ng singer-TV host. "Wala po siyarito kaya wala akong chance na kausapin siya. I tried, pero halata ponginiiwasan niya ako. I will wait na lamang ng time na makausap siya, sana bagoako bumalik sa States."

Ano ang comment niya sa patuloy na paglabas ng hindimagandang write-ups sa kanya? Apektado ba siya kung below the belt na angisinulat sa kanya?

"Parang nasanay na rin po ako sa bad write-ups," aniya."Basta hindi naman totoo, hindi ko na lang pinapansin. But it's true, to behonest, nasaktan po ako doon sa issue na wala raw akong utang na loob kay KuyaGerms. Every year, every time po na umuuwi ako ng Pilipinas, siya ang una kongpinupuntahan kasi ang turing ko po sa kanya, siya ang second father ko. Iniisipko na lang tampong-ama lang sa anak ang nararamdaman ni Kuya Germs."

How about ang dati niyang manager na si Raul Laurente nasabi'y nagkautang daw dahil sa pagpu-produce ng concert niya last year saAraneta Coliseum?

"Hindi pa po kami nagkakausap," pag-amin ni Billy."Ayoko na po sanang pag-usapan ‘yon. Pero gusto ko rin namang ipaalam na kungnag-invest siya sa concert, nag-invest din po ako sa concert. Kasi nga po,tulungan kaming lahat noon dahil hindi naman talaga madaling mag-produce ngconcert. May accountant naman po kaming naghawak ng finances, palagay ko po aymay miscommunication lang. Hopefully,maayos na rin ito."

Nami-miss ba niya ang Pilipinas at si Kuya Germs?

"Sobra po!" sambit niya. "Miss na miss ko po angPilipinas kasi iba talaga rito. Siyempre nami-miss ko po ang tatay ko, si KuyaGerms.

"Kahit saan po ako pumunta, lagi kong sinasabi na Pilipino ako. I wasborn here kaya kahit sa recording ko sa States, ipinaglaban namin ng daddy kona Filipino-American ako. Sa France, kilala nila ako as a Filipino-Americanartist."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IS HE COURTING HEART? May lumabas na issue noon na iniuugnay si Billy kay HeartEvangelista. Totoo bang nililigawan niya ang ex-girlfriend ni Jericho Rosales?

"No, wala pong katotohanan ‘yong kay Heart," tangginiya. "Nagkasama lang kami noon, pero group date lang po ‘yon, hindi kamingdalawa lang. Wala po akong girlfriend ngayon, wala akong iniwan sa States. Akopo ang iniwanan ng girlfriend ko bago ako umuwi rito."

NEW BELO ENDORSER. Sa presscon proper, ikinuwento ni Dr. Vicki Belo kung paanoniya nakilala si Billy. Nasa Paris daw siya noong 2005 at nakita niya angposter ni Billy sa isang record bar doon kaya tinanong niya ang salesgirlkung bumebenta ang album ni Billy. Sagot daw sa kanya, number one ang recordsni Billy at kilalang-kilala ito sa France.

Lalo raw naging proud si Dra. Belo na isa siyang Filipinodahil kay Billy. Nang umuwi nga rito si Billy for the PDA, hindi na siyanag-aksaya ng panahon na kausapin ito to be one of the endorsers ng kanyangmedical group.

Gaano katagal ang contract ni Billy sa Belo Medical Group?

"Two years," sagot ni Dr. Vicki. "Ime-makeoverko siya bago bumalik sa States. I-endorse niya ang skin master, yung whiteningunder the eye.

"Gusto ko sana siyang i-hair transplant para mabawasan anglapad ng forehead niya. Kaya lang, it will need 10 days na hindi siyamagwu-work. Hindi naman puwede, kaya pagagandahin ko na lang ang body niya paramaging model's body.

"Gusto ko rin sanang tanggalan siya ng tattoo kaya langmahirap tanggalin ang tattoo na color red and green, na marami siya. Tamang-tamana we're going global ngayon, kaya isa si Billy sa isasama ko sa opening ngbranch ko sa Dubai, at next year, sa Beverly Hills in Los Angeles."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Nagpasalamat naman si Billy sa pagtitiwala sa kanya ni Dr.Vicki na maging endorser ng Belo Medical Group.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN