Dolphy's 80th-birthday wish: To marry partner Zsa Zsa Padilla

IMAGE 0


For his 80th birthday, Comedy King Dolphy wantsto marry his long-time partner Zsa Zsa Padilla. "Matagal ko nang wish‘yan, nahihiya na rin ako sa sarili ko na ang nakalagay sa passport ko aysingle pa rin ako pero ang dami ko nang anak ‘tsaka apo," quips Dolphy.



Sa loob ng ilang taon na ring pagsasama nina Dolphy atZsa-Zsa Padilla, noon pa inasahan at inasam ng taong malalapit sa dalawa namauwi na sa pagpapakasal ang kanilang relasyon.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal)kamakailan sa Comedy King, inamin niya na sa kanyang 80th birthday sa daratingna July 25, ang hiling niya lang ay mabago na ang status niya bilang single atmaipakasal na sa babaeng pinakamamahal.

"Matagal ko nang wish ‘yan, nahihiya na rin ako sa sarili kona ang nakalagay sa passport ko ay single pa rin ako pero ang dami ko nang anak‘tsaka apo."

DOLPHY'S LIFE, AN OPEN BOOK. Balitang tapos na ang libro niDolphy na pinagtulungang gawin ng anak na si Eric Quizon at Ms. BibethOrteza. Pero ayon sa Comedy King, hindi pa nga sapat ang isang libro langpara ilagay ang kabuuan talaga ng buhay niya. May ilang mga parte nga raw ngbuhay niya na hindi niya pinayagan pang ma-publish.

"Well itong librong ito, marami ang may idea nito.Nag-umpisa na ‘yan kaya lang di natuloy. Naging vice president yung gumawa,siyempre medyo iba na yung dating, pinatuloy ko na lang kay Eric. So si Ericang nag-asikaso ng lahat, yari na yung libro. Nabasa ko nang di panakalibrong lahat, di pa tapos na tapos, pero ngayon yata mayroon na siyangbalat. May ilang parte na pinaalis ko na di na dapat i-include, ayokongmanggulo pa ng tahimik na buhay.

"Makapal yung libro, pero kulang pa rin yun. Sabi ko nga,kung ilalagay talaga doon ang buong buhay ko, hanggang ngayong otsenta na ako,kulang, e. Sinama na lang namin yung mga di pa nababasa ng tao, kasi yungbuhay ko naman, open book ‘yan sa publiko. ‘Di ba, sabi ko nga, open book angbuhay ko na pati pag-iri ko, isinusulat?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa nalalapit na 80th birthday ni Dolphy, isang birthdayspecial ang hinanda ng ABS-CBN para sa Comedy King at meron pang Ready toRumble, Double Trouble na pagsasamahan nila ni Vic Sotto.

"Sa kaarawan ko, sa bahay lang kami. Kasi last year, malakiang aming celebration dahil 79 ako. Sabi ni Zsa-Zsa, gawin na naming 80 kasiparang sa Chinese feng shui daw na ‘pag [number] 9, ayaw nila. Sabagaymalaki din naman itong celebration ko, mayroong Double Trouble, mayspecial sa akin on August 3, kung saan halos lahat ng artista ng ABS nandito,so malaki na rin."

BONDING WITH BOSSING. Sa pagsasama nina Dolphyat Bossing Vic sa pelikulang Double Trouble, na ipalalabas on August 3,aminado ang Comedy King na bukod sa nag-enjoy siya sa pelikulang ginawa aynapamahal na rin sa kanya ang kapwa komedyante.

"Ang masasabi ko lang, si Vic, parang anak ko na ito okapatid kong bunso. Yun ang pagtingin ko sa kanya. Tama yung sinabi niya nanoon ‘pag nagkikita kami, ‘hi' lang kami ng ‘hi,' pero during that time,binabalak na niyang gumawa kami ng pelikula. Kaya lang hindi nga natuloykasi nalipat sila sa kabila kaya medyo di kami nagkikita. Pero salamat atnatuloy, at natutuwa ako sa pangyayari.

"Napakaganda ng samahan namin. Pati lahat ng kasama namindoon, di mo mararamdaman na nagtatrabaho ka, dahil masaya kami all the whilehanggang umaga. Mula sa umpisa ng shooting hanggang kahit kumakain kami, purotawanan lang kami nang tawanan kaya nga ‘pag umuuwi ako doon ako nalulungkotkasi kami-kami na lang uli.

"Di kami nagte-text at nagtatawagan pero alam ko sa puso kona mahal niya ako at alam niya na mahal ko siya. Yun ang importante. Dina kailangang mag-text-an pa kami. ‘Tsaka di ako marunong mag-text, si Prestley[his alalay] ang nagte-text para sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN