Billy Crawford plans talk with Kuya Germs on his mentor's birthday

IMAGE 0


"Of course, gusto ko siyang kausapin. Lahat ng kaibigan kosa industry they all understand. Ang makakaayos lang niyan talaga ay ako at siKuya Germs," says Billy Crawford when asked if he still wants to talk to hismentor German Moreno.



Ang Filipino-American international singer and actor na siBilly Crawford ang bagong celebrity endorser ng Belo MedicalGroup, na pag-aari ng kilalang cosmetic surgeon na si Dra. VickiBelo.

Timing na timing ang pagkuha kay Billy as endorser ngBelo dahil sa kanilang thrust ngayon sa global market.

"I was kinda surprised, actually. I know Dra. Belo since, Singing With the Stars ba 'yon? Or, Celebrity Duets? That's how I met Dra.Belo, I've known her since last year," panimula ni Billy sa launching niyaas Belo endorser sa Annabel's restaurant, Tomas Morato Ave., Quezon City, last Thursday, July 17. PEP (PhilippineEntertainment Portal) was there to cover the event.

Ano exactly ang ine-endorse niya for Belo?

"I'm endorsing facial care for men. For eyebags and skin matters."

Balak ba niyang ipatanggal ang kanyang mga tattoo?

"Dra. Belo was always telling me, sige na, paalis mo na saakin 'yan [tattoo]. Masakit daw, kaya ayokong gawin, at saka, magkaka-scarssiya."

What about lipo?

"No need," ngiti ni Billy. "Sayaw ako nang sayaw araw-arawkaya natatanggal [fats] naturally. Pero kung kakailanganing magpa-lipo, we'llsee what happens. Safe naman yun, e."

Nakapag-usap na ba sila ni German Moreno?

"I tried pero halata namang umiiwas siya. I was just tryingto take time na sana,bumaba lang siya."

Sa darating na Pasko kaya siya makipagbati?

"Sa birthday na lang niya. Alam ko October 5 o 6."

Sa kabila ng pag-iwas sa kanya ni Kuya Germs, susubukan pa rindaw niyang lapitan ang TV host muli.

"Of course, gusto ko siyang kausapin. Lahat ng kaibigan kosa industry they all understand. Ang makakaayos lang niyan talaga ay ako at siKuya Germs."

Sa mga naglalabasang isyu sa kanila ni German Moreno, angsympathy ay nasa TV host daw. Nasasaktan ba siya kapag nakakarinig siya ngganyang feedback?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nasanay na po ako. Kahit saang parte ng mundo, there's always someone puttingyou down, regardless kung ano ang ginagawa mo sa buhay mo at kahit na anongganda ng intensiyon at ginagawa mo, meron pa ring tao na hihilahin ka pababa.Of course, nasasaktan din ako."

Aminado naman si Billy na labis siyang naapektuhan ng ‘utang na loob' isyu.

"Doon ako medyo nailang, apektado. Kasi, everyyear kapag bumabalik ako dito [sa Pilipinas], si Kuya Germs ang una kong lagingpinupuntahan.

"Lahat naman ng taong natulungan ni Kuya Germs malaki rinang utang na loob sa kanya. Sama ng loob ng tatay sa anak, yun lang naman ‘yon,e. He's angry as a father," tapos ni Billy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN