Angelica Panganiban and Derek Ramsay back in each other's arms

IMAGE 0


Young couple Derek Ramsay and Angelica Panganiban seem to have kissed and made up. The model-actor was the one who picked up his girlfriend at the airport when she arrived from New Jersey.



Naging malaking isyu sa showbiz ang napabalitang hiwalayanng magkasintahang sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay last week. SiAngelica ang unang nagsalita tungkol sa balitang hiwalayan nila ni Derek sa presscon ngbagong teleserye ng ABS-CBN na Iisa Pa Lamang noong July 8.

Ayon kay Angelica, "Bihira na kasi kaming magkita kasi wala naman kaming project na magkasama. So kumbaga, nagkapatung-patong na. Kaya may mga bagay kaming inaayos atnapagdadaanan namin talaga yun ng isangrelasyon maski naman sino. Di ba nga,mga magkaibigan, mag-boyfriend o girlfriend, mag-asawa, pamilya...lahat namantayo dumadaan sa ganyan.

"Kaya hindi namin alam kung ano patutunguhan ng relasyonnamin, hindi ninyo alam o kami rin hindi rin namin alam. Walang may alam, asin. Kung anuman ang mangyari sa amin, e, yun ang gusto ng Diyos, yun sigurotalaga ang itinadhana."

Kinabukasan, July 9, ay lumipad na si Angelica patungong NewJersey kasama ang iba pang hosts ng Wowowee para sa isang special show doon.

Habang wala si Angelica sa Pilipinas, marami ang kumuha ng panig ni Derek tungkol sa isyu.Naging consistent naman si Derek sa kanyang mga sagot na okey sila ni Angelicaat hindi sila magkahiwalay.

Noong Miyerkules, July 16, pagbalik ni Angelica sa bansa,inabangan ng The Buzz ang young actress sa airport. Diretsahan nilang tinanongsi Angelica tungkol sa pag-iyak niya bago siya umalis ng Pilipinas.

"Okey lang ako," matipid at umiiwas na sagot ni Angelica.

Hindi rin sumagot si Angelica nang tanungin siya kung okeyna ang puso niya ngayon. Kasunod nito ang paglayo sa kamera ng The Buzz.

Pero ilang sandali lang ay dumating na ang sundo ng aktressakay ng isang asul na sasakyan. Ang huling-huling bumaba rito ay walang ibakundi si Derek. Patunay lang daw ito na wala talagang hiwalayang nangyari sapagitan ng magkasintahan.

Nakunan din ng pahayag ng The Buzz si Derek bagamatnapakatipid din ng ibinigay niyang sagot sa tanong kung okey na ba sila niAngelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Okey, okey na kami," ngiti ni Derek.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN