PEP EXCLUSIVE: Iwa Moto explains her concern in snubbing incident at FHM event

IMAGE 0


"Nagsumbong kasi saakin si Alyssa and sabi ko sa kanya, ‘Sino ba yung Riza?' So, sabi ko,‘Bakit, ano ba ang ginawa sa iyo?' Sabi niya [Alyssa], nakatayo lang daw siya ‘tapostiningnan siya ng masama at inirapan nito. Sabi ko, ‘Ano'ng ginawa mo?'Sabi niya, ‘Wala, ngumiti lang ako.' Yun ang sabi ni Alyssa sa akin," narrates Iwa Moto about the incident that happened between Riza Santos (inset, top) and Alyssa A



Nabanggit angpangalan ni Iwa Moto sa snubbing incident na nangyari diumano sa pagitan ngdating Pinoy Big Brother Celebrity Edition housemate na si Riza Santos atng Kapuso stars na sina Katrina Halili,LJ Reyes, at Alyssa Alano sa FHM 100 Sexiest Women in the World victoryparty sa World Trade Center last July 17.

Dahil dito aynag-text ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Iwa kanina, July 21, upang alamin kungtotoo ang balitang gusto niyang kumprontahin si Riza nang nalaman nito angginawa sa mga kasama sa GMA-7. Kasalukuyang nasa Clark, Pampanga, noon si Iwa sabinyagan ng kapatid ng boyfriend niyang si Michael Ablan, at ilang minuto pa aysiya na mismo ang tumawag sa amin.

Ikinuwento ni Iwa saPEP ang nangyari sa nabanggit na insidente.

"Nagsumbong kasi saakin si Alyssa and sabi ko sa kanya, ‘Sino ba yung Riza?' Kasi sa totoo lang, hindi ko talaga siya kilala. Hindi naman kasi ako nanonood ng TV dahil wala naakong time.

"So, sabi ko,‘Bakit, ano ba ang ginawa sa iyo?' Sabi niya [Alyssa], nakatayo lang daw siya ‘tapostiningnan siya ng masama at inirapan nito. Sabi ko, ‘Ano'ng ginawa mo?'Sabi niya, ‘Wala, ngumiti lang ako.' Yun ang sabi ni Alyssa sa akin," lahad ngyoung actress na napapanood sa afternoon soap na Magdusa Ka.

Pero nilinaw ni Iwana wala siyang intensiyong makipag-away, lalo na sa aspetong pisikal, kay Riza.Gusto lang daw niyang maayos ang anumang gusot na nangyari.

"Sabi ko,‘Halika tingnan natin sa CR.' Pero hindi naman ibig sabihin, e, uumbagin kokaya gusto kong puntahan sa CR o kaya ko hinahanap. Kaibigan ko kasi si Alyssaand ayokong ginaganoon ang kaibigan ko.

"Tatanungin ko langnaman kung bakit niya [Riza] inirapan o kung ano ang problema niya, baka mayproblema silang dalawa. Ang pagpunta ko sa kanya ay para maayos kung anuman angproblema nila at hindi para mangdyombag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, pagkatapos sabisa akin ni Alyssa na, ‘Naku, susuntukin ko ‘yan, naiinis ako....' Sabiko, ‘Halika, puntahan na natin.' Bigla naman siyang [Alyssa] umawatna 'Huwag na.' Ang sa akin lang naman, huwag ka nang magsumbong. E, bakit ka panagsusumbong? Akala ko kaya niya sinasabi sa akin para humingi ng tulong, e, ayawnaman pala niya. Akala ko, gusto niyang gawan namin yun ng action.

"'Tapos nakasalubongnamin si Katrina [Halili], pati si Omar, yung road manager niya. Ang sabi niOmar, naiinis daw siya kay Riza kasi nga raw inirapan si Katrina. Sabi ko, ‘OA na yung babaeng ‘yon ha, dalawangkaibigan ko ang inirapan! Ano ba problema nun?'

"Nang tinanong ko siKatrina, sagot naman ni Katrina, ‘Ewan ko dun, laki ng problema niya.' Sabi ko,nagpapakakontrobersiyal ba siya? Huwag siyang mang-aaway, mga kaibigan ko ito, e.

"I don't really careabout her [Riza]. Gusto ko lang tanungin kung bakit ganoon ang ginawa niya sa mgakaibigan ko. Kung sa akin naman, wala naman yun. Pero dalawang kaibigan kona ang nagsumbong sa akin. E, akala ko gusto nilang ayusin ko, pero inawatnaman nila ako, e, di dedma na lang ako," tuloy-tuloy na kuwento ni Iwa.

Ano sa palagay niIwa ang dahilan ni Riza kung bakit nito inirapan sina Alyssa at Katrina?

"Hindi ko talagasiya kilala kaya ipinagtanong ko kung sino si Riza. Then, noong nasa stage na,nang tawagin siya, sa loob-loob ko, ‘Ah, ito pala si Riza.' Wala naman sa akin yun,e, kaya lang, kaibigan ko kasi yung ginawan niya ng ganoon.

"Kumbaga, mayumaaway sa friend ko kaya gusto ko lang maayos. Pero hindi ako makikipag-away oanuman, ang ganda-ganda ng dress ko that night kaya ayokong mang-away!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Nakakasama lang ng loob itong si Alyssa, kasinoong ini-interview na siya sa Startalk, ako pa ang inilaglag. Kaya pagdating ko ng Maynila tomorrow [July 22], tatalakan ko talaga siya! Humandasiya sa akin; ako pa ang sinasabi niyang gustong mang-away, e, siya nga yungnagsasabing gusto niyang suntukin. Nagpatulong na nga sa akin, ako pabinaligtad. Naku, lagot sa akin talaga ‘yang si Alyssa!" mataray peronakatawang sabi ni Iwa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN