Ara Mina defends sister Cristine Reyes, denies link with Dodie Puno

IMAGE 0


"Kailangan ko na nga yata ng boyfriend para hindi naako nali-link kung kani-kanino," says Ara Mina when asked about her beinglinked to businessman Dodie Puno.



Sa pangalawang beses ng pagbabati nina Ara Mina at CristineReyes, inaasahan ng marami na mas lalalim at tatatag ang relasyon ngmagkapatid. Dumaan na raw kasi sila sa matitinding intriga at pagsubok. Mabutina lamang at nanaig pa rin ang bigat ng pagiging magkapatid ng dalawa.

Kaya nga sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal)kamakailan kay Ara ay agad nitong dinepensahan ang nakababatang kapatid labansa mga usap-usapan na pasaway at primadonna raw sa set ng Eva Fonda ngABS-CBN si Cristine.

"Siguro ang masasabi ko lang diyan...hindi siya pasaway oprimadonna sa taping. Ipagtatanggol ko sa isyung ‘yan ang kapatid ko. Yungmga nakakatrabaho niya, lahat nagsasabi sila na mabait ang kapatid ko, peropagdating sa love life niya, ‘yan ang di ko na masasagot. Personal na niyayun. Sana unawain n'yo na lang siya gaya ng pang-unawa na ginagawa ko," bungadni Ara.

NOTHING WRONG WITH DENNIS. Ipinakita sa The Buzza couple of Sundays ago kung paano pinagsabihan ni Dennis Trillo ang media nanakakita sa kanila ni Cristine sa isang event sa Makati. Sinundan ng cameracrew sina Dennis at Cristine habang papaalis na ito, matapos na magpainterbyung kaunti si Dennis sa kanila. Sinabihan tuloy niya ang camera crew ng TheBuzz na huwag silang kulitin ng mga ito. Nasabi rin tuloy ng ibangnakapanood ng ginawi ni Dennis na kung ayaw daw matsisimis ng dalawa ay huwagna lang silang magpakita in public na magkasama.

"Siguro nagulat lang sila. Siguro di nila napaghandaan atna-shock sila sa press. Actually, hindi ko pa nakakausap ang kapatid ko,gusto ko nga siyang pagsabihan na wala namang masama kung lumabas sila. Hindisila dapat matakot kasi wala namang asawa si Dennis. At saka walang boyfriendang kapatid ko, binata at dalaga sila, so walang masama kung nakikita mansilang magkasama. Later on, matututuhan din nila yun," depensa ni Ara at tilapag-a-advise na rin sa kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DODIE PUNO. After ma-link kay Gretchen Barretto ay lumabas naman angpangalan ni Ara Mina na bagong apple of the eye daw ng mayamang businessman nasi Dodie Puno. Agad namang nilinaw sa PEP ng aktres ang tungkol sanasabing isyu.

"Alam ninyo, patahimikin na natin yung tao. Wala akongkinalaman diyan dahil nananahimik ako. Kailangan ko na nga yata ngboyfriend para hindi na ako nali-link kung kani-kanino.

"Si Dodie, ka-partner ko siya sa Osteria, ‘tapos familyfriend namin siya. Siguro isa ako sa matatawag na kaibigan niya na walatalagang malisya at all, kasi kilala ko rin yung dating non-showbiz girlfriendniya.

"Alam ninyo kung anuman ang nangyari sa kanila before [Dodieand Gretchen], wala akong kinalaman dun. Hindi ako nakikialam, so, sana huwagnaman akong idamay para i-divert yung issue. Maraming kilala si Dodie perohuwag naman sana ako ang i-link sa kanya porke't wala akongboyfriend. Maawa naman kayo sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN