PEP EXCLUSIVE: Riza Santos defends herself on snubbing issue

IMAGE 0


"I have no intentions to roll my eyes on them or snub thembecause I know them. I was trying to grab a chance to introduce myself to GMAartists during the event because it was the only time that I can do that. Infact, I was able to meet Alessandra de Rossi and the EB Babes that night," explains Riza Santos about her alleged snubbing of Kapuso stars.



Tinawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) angbeauty queen turned actress na si Riza Santos kanina, July 21, upang kunin angkanyang panig tungkol sa diumano'y "pang-iisnab at pang-iirap" niya sa Kapusostars na sina Katrina Halili, Alyssa Alano, at LJ Reyes sa FHM 100 SexiestWomen in the World victory party noong July 17 sa World Trade Center.

Noong Sabado, July 19, sa live interview nina Lolit Solis atButch Francisco kay Katrina sa StarTalk, ikinuwento ng two-time FHM's Sexiest Woman na nang makita niya si Riza sa loob ng CR ay nginitian niya ito kahithindi naman niya ito kilala personally. Pero ayon kay Katrina, inirapan lang daw siya ng beautyqueen.

Nagulat din si Katrina nang nalaman niyang hindi lang pala siya anginirapan ni Riza kundi pati ang iba pang Kapuso stars na sina Alyssa at LJ nakapwa naroon din sa FHM event. (Click here to read related article.)

Nagpaliwanag si Riza sa PEP tungkol dito. Ayon sa datingPinoy Big Brother Celebrity Edition housemate, nagulat siya sa lumabas nabalita at hindi raw niya alam kung bakit nagkaroon ng ganoong issue.

"Yup, I heard about it. I must say I was quite surprised!" nagtatakangsabi ni Riza.

Tinanong ng PEP si Riza kung ano ba talaga ang nangyari saCR at kung bakit sinasabi na inirapan niya sina Katrina, Alyssa, at LJ.

Paliwanag niya, "It was during the show and I was preparingmy costume for my production number. I saw them at my peripheral [vision]. I know thatit's Katrina but I don't have the time to greet them anymore since Katrina wasalso fixing herself that time. It's like when you see a person while walking inthe street and you unintentionally look in the eyes of that person.

"I have no intentions to roll my eyes on them or snub thembecause I know them. I was trying to grab a chance to introduce myself to GMAartists during the event because it was the only time that I can do that. Infact, I was able to meet Alessandra de Rossi and the EB Babes that night," kuwento ni Riza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na rin naiwasan tanungin ng PEP kung ano angnararamdaman niya tungkol sa issue na ito.

"I have nothing against any GMA artist, especially withKatrina. I know her, of course! Actually, I bought a DVD of her movie before,yung Gigil! And I like her, I like her so much," saad ni Riza.

VAA DEFENDS RIZA. Kaugnay nito, nakausap din ng PEP ang Viva Artist Agency(VAA), na siyang nagaalaga sa career ni Riza. Ayon sa publicist ng VAAna si Duds Santiago, nagulat din sila sa mga naglalabasang isyu ngayonkaugnay ng sinasabing snubbing incident.

"Alam n'yo, kinausap ko si Riza yesterday [July 20] because I was reallybothered sa mga naglalabasan nga. At kilala ko kasi si Riza, hindi siyaganoong tipo ng tao na mang-iisnab or bigla na lang mang-iirap. Kahit yungmga press nga, sila mismo yung nagsasabi na, sigurado raw ba si Riza nga angnakita nila. Hindi siya ganoong klase ng tao andwala sa personalidad niya yun," pahayag ni Duds.

Kilala raw kasi si Riza na very pleasant sa lahat ng mgataong nakakasalamuha nito. In fact, Riza has the courtesy pa nga raw tointroduce herself most of the time sa mga bagong nakakasama or nakikilala. Saibang bansa na siya lumaki kaya natural lang na mas marami siyang hindi kilala.

Tinanong daw ni Duds si Riza kung kilala niya ba si Katrinaat oo raw ang sagot nito. Tinanong din ni Duds si Riza kung nag-smile ba siKatrina sa kanya. Sa pagkakatanda naman daw ni Riza ay hindi.

Hindi maiwasan ni Duds na makaramdam ng awa for Riza namaging sa Startalk daw ay natira. Lalo pa't puwede naman daw makuha ortanungin din ang side ng baguhang aktres kung may pangyayari nga bang ganoon.

Hindi raw alam ni Duds kung minamasama ng iba ang ugali niRiza na madalas ay tahimik lang naman. Maging ang mga kasama raw ni Riza thattime from VAA ay nagulat sa mga naglalabasan dahil wala raw silang nakitangganoong incident at all.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin naman daw ni Duds ang No. 18 Sexiest Woman ngFHM kung tulad ni Katrina ay kilala rin ba niya si Alyssa Alano, ang nagingtugon daw ni Riza ay, "I don't have an idea who she is. Pero ayokong sabihing I don'tknow her kasi sa Pilipinas, parang iba ang kahulugan noon."

Nang maglabasan daw ang isyu tungkol sa pang-iisnabniya diumano, agad na nag-Google si Riza sa pangalan ni Alyssa. Natandaan din niRiza na nakita niya si Alyssa sa comfort room, pero tulad ni Katrina, wala raw insidente at dahilan para irapan or isnabin niya ang sexy star.

Ayon kay Duds, five minutes lang daw halos nag-stay si Rizasa loob ng comfort room. That time pa raw, she was facing the wall dahilpinipilit gawan ng paraan ang damit na isinuot niya for the event dahil may malisa measurement.

RIZA'S PROJECTS. Sa ngayon, naghahanda na si Riza sa promotions at TVguestings niya para sa kanilang movie na Dobol Trobol, kung saan sina ComedyKing Dolphy at Box-Office King Vic Sotto ang mga kasama niya.

"Tito Dolphy is such a great person and super bait, whileBossing Vic naman is like a big brother to me who gives advices. They are bothgood people and fun to work with and I feel so honored to be in a movie withtwo great actors.

Naghihintay rin si Riza sa pag-resume ng taping ng primetimeshow niya sa ABS-CBN na pagbibidahan nina Dolphy at Makisig Morales, ang Utoy. Naantalaraw ang taping nila pagkatapos umalis ni Makisig patungong Europe for a show. Ginagampananni Riza sa Utoy ang papel ng isang guro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN