Cristine Reyes says no need to officially admit Dennis Trillo is her boyfriend

IMAGE 0


"Hindi pa nga po officially, pero ganoon na rin po iyon,hindi ba? I mean, hindi na kailangang aminin yung mga ganoong bagay dahil ayokorin yung ibubulgar pa na, ‘Ay, kami na,' ganoon... Mas gusto ko kasi yung tahimiklang," says Cristine Reyes about her relationship with Dennis Trillo.



Dumalaw ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa officeng PETA (Philippine Educational Theater Association) sa E. Rodriguez Ave., QuezonCity, kunsaan ginagawa ang taping ng Eva Fonda na pinagbibidahan niCristine Reyes. At dito'y maraming isiniwalat ang younger sister ni AraMina tungkol sa real score ng relasyon nila ni Dennis Trillo.

"Lagi akong umiiyak," simula ni Cristine sa PEP. "Kasi samga eksena ko rito sa Eva Fonda, lagi akong umiiyak, e," patuloynaman niya na sa role niya pala sa pinagbibidahang teleserye ang tinutukoyniyang pag-iyak.

Pero sa kasalukuyang love life kaya niya, hindi ba siyatakot na umiyak ulit at masaktan?

"Siyempre okey lang umiyak, dahil doon mo lang mare-releaseang emotions mo, hindi ba? Kaysa naman po manugud-nugod ka or magsisira ngmga gamit, e, di umiyak ka na lang."

Nanugod na ba siya ng babae? "Hindi pa po."

Hindi ba siya nag-aalalang kay Dennis ay iiyak siyangmuli?

"Nag-aalala?" balik-tanong niya habang iniisip mabuti angsasabihin. "Kasi po, lahat naman po ng relasyon, hindi ba kasama iyongpag-iyak?"

So, ready na ba siya sa kung ano mang mangyayari?

"Opo, ready naman ako," matipid na sagot pa niCristine.

COMPLICATED. May tsismis na ginagamit daw ni CarleneAguilar ang anak nila ni Dennis para mapalapit muli ito sa aktor dahil tiponggusto raw nitong makipagbalikan dito, ano ang masasabi niyarito?

"Ano... ahh... ano bang sasabihin ko..?" paiwas na reaction ngtisay na young actress, habang naghahagilap ng masasabi.

"Siyempre po, naiirita," bantulot na saad niya nang mapansing naghihintay kami ng kasagutan sa aming pag-uusisa. "Pero, ayokopo sanang pag-usapan si Carlene..." dagdag pa ni Cristine na this time aypinipigilan na ang mapaiyak.

Pero, wish kaya niya na sana ay hindi kumplikado ang lovelife niya o ang relasyon nila ni Dennis?

"Opo, siyempre. Lahat naman ng babae ay gusto na mapayapayung relasyon nila, e," wika pa ni Cristine na halatang tinitimbang pa rin angmga salitang sasabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta ba ang status ng pagdalaw ni Dennis sa anak nito?Totoo bang limitado ang oras ni Dennis para makita nito ang anak?

"Nakikita naman po niya yung anak niya. Bumibisita siya sabahay nina Carlene at saka anytime naman po ay welcome naman yata siya sa bahaynina Carlene para bisitahin ang anak niya."

Tinanong ng PEP kay Cristine kung naiinis ba si Dennis nahindi nito mailabas o mahiram man lang ang anak nito.

"Hmmm...Hmmm... opo... naiirita rin si Dennis," bantulot na sagotpa rin niya.

IS IT OFFICIAL? Balik sa relasyon nila ni Dennis,lantad na lantad na ba, as in wala nang hiyaan?

"Hindi naman po yung sobrang lantad talaga, discreetlang. Tipong, ayaw lang kasi namin na masyado kaming iniintriga ng mga tao,lalo na kapag magkasama kami. Siyempre, kahit naman sinong tao, ayaw ngpinapakialaman ng ibang tao, di ba?"

So, ang lagay, ang PEP pala ayaw niya kasi nakikialam sarelasyon nila ni Dennis?

"Ha-ha-ha-ha! Hindi po, okey lang po," nakatawang saadpa ni Cristine.

Pero, mas madalas na sila ngayong makitang magkasama, hinditulad ng dati na talagang patago.

"Open naman po talaga kami, kasi wala naman kaming dapatitago. And... hindi naman namin itinatago ang relasyon namin, dahil kungitinatago namin, hindi kami lalabas-labas. Ang ayaw lang po namin yungpinakikialaman kami ng iba."

Pero umamin na ba siya officially na boyfriend na niya siDennis?

"Hindi pa nga po officially, pero ganoon na rin po iyon,hindi ba? I mean, hindi na kailangang aminin yung mga ganoong bagay dahil ayokorin yung ibubulgar pa na, ‘Ay, kami na,' ganoon... Mas gusto ko kasi yung tahimiklang."

THE INCIDENT IN K. So, after ba noonginsidente sa K, The 1 Million Videoke Challenge with Carlene, kunsaannagkaroon ng tensyon dahil sinimplehan siyang kausapin ni Carlene, nag-cool offba sila ni Deniis dahil doon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi po noong mga time na iyon, dumidistansiya talagaako. Kasi po, gusto ko na maayos muna iyong mga bagay-bagay sakanila. Pero, may bagay na hindi ninyo talaga mapipigilan kung gusto ninyoiyong isa't isa, kahit pa sino pa ang magsasabi na hiwalayan mo orwhat...ganyan-ganyan."

Last Valentine's Day, nakita silang nag-date ni Dennis. Itoba yung unang pagkakataon na nagkita uli sila ni Dennis after ng insidente withCarlene?

"Hindi po, kasi after noon [the incident with Carlene]nagkikita pa rin kami ni Dennis, e. Hindi naman nawala yung communicationnamin, e."

LOVE IS ALL THAT MATTERS. Happy ba siya sa lovelife niya ngayon?

"Opo," nakangiting saad pa niya.

Paano ba niya ide-describe ang relasyon nila niDennis?

"Paano ba? Kasi, kahit ano pa ang dumaan na intriga,basta nagmamahalan ang dalawang tao, hindi mo ito masisira. Kahit gaano pakalaking intriga iyan, basta nagmamahalan ang dalawang tao, walang makakasiraroon.

"Kasi, basta mahal ninyo ang isa't isa, iyon angpinakamahalaga. Basta nandoon iyong love, iyon ang pinakaimportante. Bastanandoon iyong love, magkaka-intindihan na kayo, e," pagtatapos na ni Cristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN