Katrina Halili promises to have 21-inch waistline before "Miss X" starts filming

IMAGE 0


"Kakayanin ko naman kasi maliliit ang ribs ko. Magulat nalang kayo na 21-inches na lang ang waistline ko kapag nag-shoot na ako for MissX! Siyempre, sa tulong din ni Dra. Vicki Belo, makukuha ko yung target nawaistline," says Katrina Halili.



Excited na nga ang two-time FHM Sexiest PinayKatrina Halili na masimulan na ang shooting niya para sa pelikulang Miss X.

Sa Amsterdam kukunan ang pelikulang unang ginampanan ni Vilma Santos noong1980. Bago sumabak sa shooting ay marami nga raw preparation nagagawin si Katrina, kabilang na rito ay ang pagpapa-sexy nang husto dahilgaganap nga siya bilang sex worker sa Red Light District ng Amsterdam.

"Gusto ko nga ma-achieve ang 21-inch na waistline bago kamimag-shoot ng Miss X," paniguro ni Katrina.

"Kakayanin ko naman kasi maliliit ang ribs ko. Magulat nalang kayo na 21-inches na lang ang waistline ko kapag nag-shoot na ako for MissX!

"Siyempre, sa tulong din ni Dra. Vicki Belo, makukuhako yung target na waistline. Disiplina lang naman at konting tiyaga. Ngayonkasi nasa 24 inches na ang waistline ko. Baka hindi na ako kumain talaga ngmarami kapag sinabing magsu-shoot na kami for Miss X."

Kabilang nga raw ang paglaro ng games sa Wii game console sapagpapa-sexy ni Katrina.

"In fairness, napapawisan ako kapag naglalaro ako ngWii," tawa pa niya. "Favorite ko laruin yung mga sports like bowlingat tennis. Gusto ko rin yung hoola-hoop. Sa totoong buhay, hindi akomarunong mag-hoola-hoop pero sa Wii magaling ako.

"Minsan kasi sa bahay na lang ako nagwu-workout. Hindina ako lumalabas ng bahay para diretso akong magpahinga. Mas may concentrationako sa pagwo-workout kapag nasa bahay lang ako."

By November na raw ang plano na pag-shoot ng Miss Xsa Amsterdam. By that time naman daw ay tapos na ang one season run ng MagdusaKa at patapos na rin ang pelikulang One Night Only na isa rin siKatrina sa bida under OctoArts Films and Direk Jose Javier Reyes.

Gusto rin sana ni Katrina na makakuwentuhan ang original na MissX para makahingi ng ilang words ofencouragement sa pagganap ng maselang role sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakahiya naman na abalahin ko si Gov. Vilma kasi alam kona marami siyang ginagawa. Para namang ang kapal ng mukha ko na guluhin ko siyapara lang makahingi ako ng acting tips, di ba?" sabay tawa ni Katrina.

Nakarating na kay Katrina na baka nga hindi na matuloy angplano na mapasama ang Star for All Seasons sa remake ng Miss X.

"Understandable naman 'yon kasi nga busy yung tao.Imagine, buong Batangas ang inaalala niya. Mahirap nga naman na magkaroon pasiya ng time na mag-shoot ng pelikula, di ba?

"Pero wish ko pa rin na sana ma-meet ko si Gov. Vilmang personal. Para lang siguro na magpakilala ako at sabihin na malaking honorfor me na ako ang magbibida sa remake ng isang pelikula niya. Sana ngamagkatotoo, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN