Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

FIRST READ ON PEP: Sharon Cuneta explains missed encounter with ex-hubby Gabby Concepcion

Jul 25, 2008
"That will bring a lot of crazy things in the show, and I mean CRAZY, as in! And probably will make me crazy too, kaya huwag naman. Huwag niyang gagawin yun, please lang!" replies Sharon Cuneta when asked, what if Gabby Concepcion goes to her concert?

Pagdating sa anak na si KC Concepcion, ipinagmamalaki ng Megastar Sharon Cuneta na "groovy and cool mother" siya. Naniniwala si Sharon na kaya na ni KC, at 23, na pangalagaan ang sarili, lalo na pagdating sa mga isyung boyfriend, career, at ultimo pagbubuntis.

Ilan lamang ito sa naibahagi ni Sharon nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon para sa kanyang Megathirty concert na gaganapin sa August 8. Isa si KC sa makakasama ni Sharon sa kanyang show, along with Concert King Martin Nievera and Mr. Pure Energy Gary Valenciano, sa kanyang concert sa Araneta Coliseum.

"Aside from [her being] more talented than I was at her age, she is a very decent lady. Natapos niya ang pag-aaral niya nang hindi niya ako binigyan ng kahit na anong problema, kaya't I really don't worry about those stuffs," saad ng Megastar.

Sa katunayan nga raw, kahit na sabihin ni KC na mag-aasawa na siya ay okey lang sa kanya for as long as "ang lalaking makakasama niya ay yun talagang mahal niya at mas mamahalin pa siya."

Continue reading below ↓

MEGATHIRTY. Hindi mailarawan ni Shawie ang kanyang kaligayahan sa nalalapit niyang concert. According to her, she has invited all her good friends in the industry, mula sa Viva Films, Star Cinema, at mga nakasama na niya gaya nina Aga Muhlach (na ayon sa Megastar ay takot nang sumampa at mag-perform nang live sa stage after mag-guest sa concert ni Lea Salonga), Robin Padilla (according to Sharon, "on and off" ang ginagawang pag-commit sa naturang show), Richard Gomez, at marami pang iba.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Isa na naman po itong natatanging okasyon na gusto kong ihandog at ialay sa lahat ng gusto akong samahan in going down the memory lane dahil tunay namang super-blessed po ako talaga dahil na rin sa inyo," sabi ni Sharon.

WHAT IF... May mga naglakas loob ding magtanong kay Sharon ng ilang mga "what if" questions, lalo pa't napag-usapan ang ginawa niyang pag-iwas kay Gabby Concepcion noong birthday party ni Cristy Fermin.

Continue reading below ↓

Una, sinabi ni Shawie na maaga pa lang ay nagpasabi na siya sa may okasyon na hindi siya siguradong makakarating dahil mayroon siyang commitment. Pero dahil mahal niya ang kolumnista at dahil napag-usapan nila ni Piolo Pascual na i-good time si Cristy, "talagang pumunta ako."

"'Tapos, ganun na nga. May nakapagsabing dumating na siya [Gabby], and so I decided na rin to leave dahil, again, may pupuntahan akong taping, plus ‘tapos na rin yung pagkanta ni Piolo. Nag-enjoy naman kami ni Ate Vi [Vilma Santos], at nabati na namin si Nanay Cristy. Huwag na tayong mag-emote pa. For sure kasi ay para na namang piyesta yung issue kaya ako na ang nagkusang umalis," paliwanag ni Sharon.

Then she went on to say na talagang iniiwasan na niyang mapag-usapan ang anumang isyu with Gabby.

"That was twenty years ago pa, never naman akong nagsalita dahil kay KC. He has his own life, we have ours. Pabayaan na natin ng ganun, please. Basta never ko kailanman inalis sa kanya ang karapatan na siya ang ama ng anak ko, period. Kung dito sa 30-year anniversary ko ay may mga fans ng naging love team namin, then let's all be happy na kahit papaano ay narating natin ito. I too was a fan of the team at hanggang dun na lang yun," deklara ni Sharon.

Continue reading below ↓

Sa hirit ng isang writer na, what if Gabby goes to her concert at manood? Sagot ni Sharon: "That will bring a lot of crazy things in the show, and I mean CRAZY, as in! And probably will make me crazy too, kaya huwag naman. Huwag niyang gagawin yun, please lang!"

FUTURE MOVIES. Ipinagpapatuloy ni Sharon ang pagdidiyeta niya dahil after her concert ay nakatakda rin siyang gumawa ng mga pelikula.

Mayroon siyang binanggit na pagbabalik-tambalan nila ni Richard Gomez, a possible movie with daughter KC at ang kanyang sinasabing ultimate dream na makasama si Gov. Vi ay sa next year na raw uumpisahan.


"I'm more than thrilled. You know how a big fan I am of Ate Vi. Wala akong iniisip na maging role o anumang gusto dahil kahit titigan ko lang siya ay okey na ako. Pagsisilbihan ko pa siya! It is going to be a very well-meaning experience to learn. Vilma Santos ‘yan. Kahit sinong artista, gusto siyang makatrabaho," sabi ni Sharon.

Continue reading below ↓

Naitanong naman ng PEP kung bakit ganun na lang ang sobrang paghanga at respeto niya sa Star For All Seasons.

"Sobra siyang disenteng tao," mabilis na sagot ni Sharon. "Since I was a child, wala pa ako sa showbiz, fan na niya ako. When I entered show business, mas lalo ko siyang minahal. Never, as in never, as God is my witness, na nagkaroon ako ng masamang experience sa kanya. Hindi niya ako pinakitaan ng kahit na anumang pambabastos, di gaya ng iba diyan. Alam n'yo bang nabawasan ako ng iniidolo dahil sa mga ganyan?

"Kaya nga with the current crop of young superstars today, I see to it na pakisamahan at makatrabaho sila nang maayos dahil ayokong mangyari sa kanila ang minsan kong naranasan. Kaya nga ako, nagsikap para lalong maging propesyonal sa aking ginagawa dahil sa mga kagaya ni Ate Vi. She is a wonderful person, a very respectable actress, an icon, now a decent public servant, a very, very dear friend, an inspiration... Ano pa ang hahanapin mo?

Continue reading below ↓

"Tsaka malaking factor din yung mga humahanga at rumerespeto sa kanya. Yung mga Vilmanians, ibang klase. Mahal nila ang mga Sharonians, kaya mahal na mahal din namin sila," pagtatapos ni Sharon.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"That will bring a lot of crazy things in the show, and I mean CRAZY, as in! And probably will make me crazy too, kaya huwag naman. Huwag niyang gagawin yun, please lang!" replies Sharon Cuneta when asked, what if Gabby Concepcion goes to her concert?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results