ABS-CBN pays tribute to Comedy King Dolphy via a musical special

IMAGE 0


Comedy King Dolphy is so overwhelmed by the importance given to him by his home network ABS-CBN. The Kapamilya network hosted a birthday tribute for the Comedy King last night, July 31, at the Meralco Theater.


Isang maningning na gabi ang presentasyong handog ng ABS-CBNsa Comedy King na si Dolphy sa pamamagitan ng isang birthday tribute na pinamagatangThe King of Comedy: Dolphy At 80, na ginanap sa Meralco Theater Ortigas Center,Pasig City, kagabi, July 31. Ito ay bilang pasasalamat ng Kapamilya network parasa ilang taon, magpahanggang ngayon, pagiging tunay na simbolo ng tawa at sayang mga Pinoy.

The man in Puruntongs who once lived along da riles, alongda airport, as Golay, Pidol, Kosme, John, ay maituturing na institusyon sa industriyang telebisyon at pelikula. Kaya ganoon na lang karaming artista at pulitikongnagmamahal kay Mang Dolphy ang nakisaya at nag-celebrate sa isa sapinakaimportanteng araw ng nag-iisang Hari ng Komedya.

Bagamat maghapong umulan nang araw na ‘yon at marami angna-traffic on the way to the venue ay halos 100 percent in attendance pa rin ang mga artista na naging bahagi ng career ni Mang Dolphy. Star-studded anggabi para sa nasabing selebrasyon na sinimulan ng pagkukuwento ni Dolphythrough a video ng kanyang buhay-artista noong nagsisimula siya hanggang sa hirangin siya bilang Comedy King.

Opening number ang bonggang awitin mula sa magagaling nasingers na sina Iya Villania, Toni Gonzaga, Bituin Escalante, Robert Seña,Christian Bautista, Sam Concepcion, Sheryn Regis, Yeng Constantino, JedMadella, Mark Bautista, Ronnie Liang, Charice, Sarah Geronimo, at Kuh Ledesma.

Sumunod na umakyat sa stage ang bagong presidente at chief operating officer ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos-Concio. Sinabi niyang angpagtatanghal na ‘yon ay ang kanilang "humble way in paying tribute to the King ofComedy na nagpasaya at nagpamana ng komedya sa industriya." Nagkatambal noon sapelikulang My Juan En Only (1982) sina Mang Dolpy at Charo.

Sinundan ito ng nakakaaliw na production number from Goin'Bulilit kids na ipinakita ang highlights ng prolific TV career ni Mang Dolphymula sa shows na Buhay Artista, John En Marsha, Home Along Da Riles, QuizonAve., and John En Shirley.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Next number ay ang pagpapakita sa screen ng mga nagingleading ladies ni Mang Dolphy sa movies at TV—from Daisy Romuladez, Gloria Romero, Susan Roces,Barbara Perez, Amalia Fuentes, Charo Santos, Lotis Key, Nora Aunor, Alma Morenoto Zsa Zsa Padilla—habang may romantic tribute songs sina Christian Bautista,Sam Milby, Mark Bautista, Richard Poon, at Erik Santos.

Of course, hindi mawawala ang espesyal at pinakamamahal niDolphy na si Zsa Zsa Padilla. Bagamat nasa Canada ang Divine Divafor a show, hindi ito pumayag na hindi makarating ang kanyang message andwords of love kay Dolphy, na partner na niya for almost 20 years now.

Sumunod na ipinakilala nina Dawn Zulueta at Roderick Paulateang nakatutuwang production number bilang comic relief sa gabing ‘yon ninaAi-Ai delas Alas, Chokoleit, Pooh, at Vice Ganda.

Bukod sa pagiging magaling na komedyante, kilala ringmahusay na dancer si Mang Dolphy. Kaya isang dance medley ng mga pinasikat nadance steps ng Hari ng Komedya ang number mula kina Vhong Navarro, ShainaMagdayao, Iya Villania, John Prats, Archie Alemania, Rayver Cruz, Pokwang,Carmi Martin, Roderick Paulate, kasama ang G Force.

Well applauded din ang taped number ni Mang Dolphy atni Vic Sotto, na magkasama for the first time sa pelikulang Dobol Trobol.Nakatutuwang panoorin ang duet ng dalawang mahuhusay na komedyante. Accordingto Vic, first time daw niyang tumuntong sa ABS-CBN Recording Studio 1 para sanumber nila kaya kinakabahan daw siya. Ang kanyang mensahe kay Pidol aymag-asawa na raw ito.

Nagtagisan din sa pag-awit sina Sarah Geronimo, Charice,Rachelle Ann Go, at ang mga theater actors na sina Michael Williams, AudieGemora, at JM Rodriguez. Sinundan ito ng magandang awitin mula sa 11-year-oldFilipino-British na si Charlie Green na naririto ngayon sa ating bansa.

Umakyat din sa stage sina Ms. Susan Roces at Eddie Gutierrez,na parehong nagbalik-tanaw sa kanilang mga naging experiences kapiling with their contemporary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinundan ito ng isang napakagandang awitin mula sanag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta na umaasang makakasama na sa isangpelikula ang kanyang idolo.

Ang sumunod na number ay ang Wowowee host na si WillieRevillame na naghandog ng awiting "Send In The Clowns" at "Smile." Pagkataposnito ay nagtagisan sila ni Mang Dolphy sa pagsayaw ng tap dance, na ikinagiliw ng mga nanonood sa Meralco Theater.

Ang deskripsiyon ni Willie sa kanyang idolo ay para rawitong "kanin at ulam dahil siya ang bumubusog sa ating kalungkutan." Si Mang Dolphyrin daw ay isang bayani ng kalungkutan at hindi puwedeng pantayan pero maaaringsundan ang yapak.

Sumunod na tinawag ni Willie at umakyat sa entablado angChairman and Chief Executive Officer ng ABS-CBN na si Mr. Gabby Lopez. Nagpahayagito ng pasasalamat kay Mang Dolphy na itinuturing na hari dahil sa napakalakingkontribusyon nito sa ABS-CBN bilang Kapamilya sa loob ng mahigit 50 years.Umani ng mahigit tatlong standing ovations si Mang Dolphy dahil dito.

Labis-labis ang pasasalamat ni Mang Dolphy sa lahat ngnakisaya, dumamay, at sumuporta sa kanyang career all these years. Masasabi rawniyang ang kanyang 80th birthday ang happiest day of his life. Ang tanginghiling daw niya sa Maykapal ay bigyan pa siya ng magandang kalusugan upangmakasama pa nang matagal ang kanyang mga mahal sa buhay.

Closing number ay nang umakyat sa stage ang lahat nangnag-perform nung gabing ‘yon habang hinahandugan ng awitin ang King of Comedy.

Ilan pa sa mga importanteng personalidad na dumalo sabirthday tribute show na ‘yon ay sina former President Joseph Estrada, Senator JinggoyEstrada, Annabelle Rama, KC Concepcion, Richard Gutierrez, Gloria Diaz, Celia Rodriguez, BarbaraPerez, Robert Arevalo, Jean Saburit, Agot Isidro, Roxanne Guinoo, SmokeyManaloto, Bayani Agbayani, Lotlot de Leon, Riza Santos, Will Devaughn, atmarami pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siyempre pa ay naroroon din ang mga anak ni Mang Dolphy na nasa showbiz: Eric Quizon, Epi Quizon, at Vandolph.

Naging espesyal din ang gabi at halos maiyak si Mang Dolphydahil sa isang sorpresa pang ibinigay recently sa kanya ng ABS-CBN. Ito ay nangipangalan after him ang Studio 1 ng Kapamilya network, ngayon ay "Dolphy Theater"na ito. Labis-labis na kasiyahan ang naramdaman ni Dolphy sa pagbibigay-halaga sa kanyang mga naging kontribusyon sa industriya.

Kamakailan din ay naganap ang book launching ng kanyangautobiography, ang Dolphy: Hindi Ko Ito Narating Mag-Isa, na dinaluhanng mga taong nagmamahal nang tapat mula sa mundo ng pelikula at pulitika. Kayamas lalong nag-uumapaw ang ngiti at tuwa sa mukha sa King of Comedy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN