Two-in-one conversation with Vilma Santos and Sharon Cuneta

IMAGE 0


Star For All Seasons Vilma Santos (left) and Megastar Sharon Cuneta (right) may do a movie together.




Masayang nagkitasina Star For All Seasons-Batangas Governor Vilma Santos at Megastar SharonCuneta sa birthday party ng TV host-columnist Cristy Fermin sa MetroBar kagabi, July 22. Ito ang unang pagkataon sa isang showbiz event nanagkasama ang dalawa sa pinakamalalaking bituin ng industriya pagkatapos ngmedyo matagal na ring panahon.

Dito nagpaunlak nginterview ang Star For All Seasons at Megastar sa PEP (PhilippineEntertainment Portal) at ilang taga-media na naroon sa birthday party.

PEP: Wala ba kayong gagawing pelikula namagkasama?

Sharon: Ay, huwagn'yo munang tinatanong ‘yan.

Vilma: Lookingforward, I pray.

Sharon: Yeah, we do. Hindi na po matatagalan.

PEP: Ngayon pa langay usap-usapan na ang pagtakbo ni Governor Vi bilang presidente o vice-presidentsa 2010 election. Tuloy na ba ito?

Sharon: (To Vilma)Text mo ako. Hahaha!

Vilma: I want to concentrate more pa,magko-concentrate muna sa Batangas, yun lang.

PEP: What aboutSharon? Wala ka bang balak pasukin ang politika?

Vilma: Supposedly, hindi raw siya para diyan. Sabiniya, hindi raw siya para sa politika. Pero we really can never tell.

Sharon: My God! But no, I don't have your ano...

Vilma: No, but me nga, I never [thought] in my wildest dreamsthat I will be in politics.

Sharon: But you're doing very well.

Vilma: Yeah, but you can never tell. What if kapagnandun ka na rin? I'm sure you'll do good also.

Sharon: But I have babies

Vilma: I'm also a mother. I also have babies.

Sharon: Okay, ‘Te. I'll just support you. I'lltransfer to Batangas.

PEP: If ever ba na tumakbo si Governor Vi bilangpresidente o vice-president ng bansa, ano ang support ang ibibigay ni Megastar?

Sharon: My God! Call na ni Ate ‘yan kung magsasabisiya sa akin. Oo, kasi nandiyan pa si Senator [Francis Pangilinan, Sharon'shusband] or kung hindi conflict. Hahaha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Vilma: Ah, hindi ano, gawan muna natin ng paraanang bansa natin ngayon. Hirap ang bansa, yun muna.

Sharon: Ay, tumakbo ka na!

Vilma: Nanay ko! Hahaha! No, let's all worktogether.

Sharon: Sige na, ako naman, suman lang happy na.Hahaha!

Vilma: No, ano muna, let's all work as a team. I'mvery optimistic we will all survive. We all have to work as a team. Yun muna.Malayo pa ang 2010.

PEP: Ano kaya kung siSharon naman ang pumasok sa politika?

Vilma: Puwede rin. Tinatanong pa ba ‘yan? No, no...ayawlang niya. But katulad ko, hindi ko rin pinangarap. But I am 110 percent sure,once na may pagka-pulitika...

Sharon: No, don't do that to me. Hahaha!

Vilma: No, because I'm telling the truth. Hindi n'yorin ida-doubt, e. Doon [pulitika] ka rin lumaki, e. In everything we do, we doour best.

Sharon: But you know, like Ate, who has won ano,she's well-equipped as a person. She is full of values. Sabi ko nga ‘Te, diba? It takes a certain kind of person.' She has what it takes. Talaga ako, ‘Te,alam mo treadmill lang hirap na hirap na akong tumakbo. Pumunta lang ng gym hirap ako. Ang bayan,hindi pinapahiya. Hahaha!

Vilma: Nobody can tell. As I've said, hindi ko painiisip, but I'm here as a public servant. Maybe some day. If it's meant, whynot?

Sharon: Ako, basta makasama ko kayo ni TitoDolphy, gusto ko lang makita. Gusto kokayong makatrabaho bago ako mag-retire. Lilipad ako ng Lipa. Hahaha!

PEP: Very close dawngayon si Angel Locsin at ang panganay na anak ni Governor Vi na si LuisManzano?

Vilma: Yeah.

PEP: Kalat na rin ang balitang magkarelasyon natalaga ang dalawa. Ano ang masasabi ni Governor tungkol sa isyu?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Vilma: No comment. Hahaha!

Sharon: Ahh!!!

Vilma Ah, malaki ang tiwala ko sa anak ko. Mabaitna anak si Luis. Siya (Sharon) naman ang tanungin ninyo

PEP: Nakatakdangdumating bukas (July 23) sina KC Concepcion at Richard Gutierrez mula sa shootingng movie nila na For The First Time mula sa Greece...

Sharon: Oo, ang tagal nga, e. But they keep meupdated naman. I mean, it's Richard Gutierrez, so, he's nice guy.

Vilma: Alam ninyo, hindi na maganda ‘to. Naiba na.

Sharon: ‘Tsaka mga buhay ng anak namin ‘yan.

Vilma: Shawie, buhay na ng mga anak namin angpinag-uusapan natin. Hahaha!

Sharon: Oo nga. Hindi. Kami ang ini-interview ninyo, kamimuna. Hahaha! Busy din kami, a!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN