Alfred Vargas admits he courted Rufa Mae once upon a time

IMAGE 0


"Nag-try ako pero walang nangyari, e. Hanggang friends langtalaga kami ni P-Chi. Ang alam ko noon, may ibang lumiligaw nakay P-Chi. Para kasing mas type niya yun, e, kaya hindi ako pumasa. Gano'nnaman talaga, di ba? Talagang hanggang friends lang daw kami," reveals Alfred Vargas about courting Rufa Mae Quinto before.



Kabilang ang sexy actor na si Alfred Vargas sa leading menni Rufa Mae Quinto sa Single ng Viva Films at On-Q 28. Mula ito sa panulat atdireksiyon ni Jose Javier Reyes.

First time na makakasama ni Alfred si Rufa Mae sa isangpelikula. Pero nagkasama na sila sa TV show na pinagbidahan noon ni Rufa Mae,ang Marinara sa GMA-7. Ngayon ay magkasama rin sila sa telefantasyang Dyesebel.

Noon ay natsismis din na naging sina Alfred at Rufa Mae.Parati kasi silang nakikitang magkasama noon at very vocal naman si Rufa Mae na isa si Alfred sa pinaka-close na artistang lalaki sa kanya.

"Close pa rin naman kami ni P-Chi [palayaw ni Rufa Mae],"nakangiting sabi ni Alfred sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Every nowand then, nagkukumustahan kami, lalo na ngayon , parati kaming magkasama sataping ng Dyesebel. Nandoon pa rin yung biruan namin sa isa't isa.

"There was a time din na biglang natigil angcommunication namin. Naging masyadong busy lang siguro siya or naging busy rinako kaya nakalimutan na namin magkumustahan. Pero tuwing magkikita naman kamini P-Chi, gano'n pa rin naman kami. Hindi nawawala yung pagkakaibigan namin,"lahad niya.

Sinubukan ba niyang ligawan noon si Rufa Mae?

"Nag-try ako pero walang nangyari, e. Hanggang friends langtalaga kami ni P-Chi," ngiti niya. "Ang alam ko noon, may ibang lumiligaw nakay P-Chi. Para kasing mas type niya yun, e, kaya hindi ako pumasa. Gano'nnaman talaga, di ba? Talagang hanggang friends lang daw kami.

"Mas okey naman ang nangyari kasi kahit makita kami ng kahitsino na magkasama, hindi sila maghihinala na may relasyon kami. ‘Tulad ngayonna magkasama kami sa pelikula, tinanggap ko ang role kasi nga bida si P-Chi atchance ko na ito na makatrabaho siya sa pelikula."

STARSTRUCK GIRL. Nabanggit ni Alfred noon sa isang interview na maynon-showbiz girl siyang nililigawan. Pero nali-link naman siya ngayon saStarStruck 3 Avenger na si Jana Roxas, na girlfriend na raw ni Alfred. Totoo baito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matagal na akong tinatanong tungkol kay Jana at lagi konamang sinasabi na hindi ko siya girlfriend. Kasi nga, nagkakilala lang kaminoong mag-guest siya sa Nuts Entertainment. Nag-games lang kami that time.

"Siyempre, before the taping, nagkaroon kami ng pagkakataonna magkakuwentuhan. Doon ko lang naman na-meet talaga si Jana. Then after that,kumalat na kami na raw. Ang bilis ko naman kung gano'n!" sabay tawa niAlfred.

Hindi ba siya attracted kay Jana?

"Wala namang problema kay Jana. I find her very pretty andvery cute. Kahit sino namang lalaki ay mapapansin siya. Pero hindi nga nagingkami kasi hindi ko naman siya niligawan. The truth is, I am seeing some othergirl na hindi taga-showbiz. Yun ang totoo.

"Kawawa naman si Jana kasi baka may boyfriend yung tao, e,nali-link siya sa akin. Hindi naman fair ‘yon kay Jana," sabi ni Alfred.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN