Rhian Ramos vows never to cry again over intrigues

by Archie de Calma
Jul 25, 2008
"Basta malinis ang konsensiya ko. Wala akong tinatapakang tao. Kung sisiraan lang nila ako for whatever reasons na wala naman akong ginagawang kasalanan sa kanila, karma na lang nila 'yan. In the first place, hinahamon ko naman sila na harapin ako. Kaya lang, halatang duwag sila, at hindi nila mapangatawanan yung mga ibinibintang nila sa akin. Idinadaan lang nila sa text," says Rhian Ramos.

Sumalampak sa lounge sofa ng Music 21 Plaza Timog si Rhian Ramos nang katagpuin niya ang PEP (Philippine Entertainment Portal) doon. Tinext lang namin si Rhian at nagkataong katatapos lang ng dubbing niya for I.T.A.L.Y. (I Trust and Love You), hayun at pinuntahan na niya kung nasaan kami.

"Ang layo kaya ng inuuwian ko, sa Alabang pa," sabi ni Rhian. "Kung may time na rin lang ako at naririto sa Quezon City ang kausap ko, pupuntahan ko na lang. That way, I can also save gasoline.

"Anyway, sa October pa naman mae-air ang La Lola namin. Si JC de Vera na ang ipina-partner sa akin, pero natutuwa nga ako, kasi ngayon pa lang ay pinapaingay na ng GMA-7 ang series. It has to be that way because they know it's my very first starrer. Ako na talaga ang bida sa teleserye."

Everything is turning rosier for her career. Pagpapatunay na may dalang suwerte kay Rhian ang pagwawagi niya ng Breakthrough Performance by an Actress sa nakaraang Golden Screen Awards for her performance in Ouija.

Continue reading below ↓

"Ay, totoo 'yan!" bulalas niya. "Nagpapasalamat talaga ako sa Golden Screen, and after that, parang sumasabay naman yung mga project, which only proves, kahit paano, that I'm deserving of the award.

"Kasama pa ako sa Codename: Asero. It's something new naman ang pinapagawa sa akin doon na may pagka-mysterious na action-action. Lalo na sa stage na ito na inaalam ko pa rin kung saan talaga ako nababagay, at kung saan ako mas magugustuhan ng mga tao, sa kung anong klaseng role, or show."

Sa isang pelikulang ipo-produce ng GMA Films, isa si Rhian sa napipisil na maging kapareha ni Robin Padilla. Nakahanda na ba siya sa mga intriga sa kanila ni Robin kung sakali?

"Ano pa ba ang gagrabe sa mga nararanasan kong intrigues lately?" natatawang sabi ni Rhian. "I promised myself, yun na ang huling pag-iyak ko sa mga intriga, and I will bravely face anything. Ganoon naman talaga sa showbiz.

Continue reading below ↓

"Basta malinis ang konsensiya ko. Wala akong tinatapakang tao. Kung sisiraan lang nila ako for whatever reasons na wala naman akong ginagawang kasalanan sa kanila, karma na lang nila 'yan. In the first place, hinahamon ko naman sila na harapin ako. Kaya lang, halatang duwag sila, at hindi nila mapangatawanan yung mga ibinibintang nila sa akin. Idinadaan lang nila sa text.

"Malaman ko lang kung sino talaga sila, I will definitely file charges. Pero mahirap lumaban sa mga taong hindi mo nakikilala, at wala ring guts to face me, para malaman kung ano ba talaga ang problema," napapailing na sabi ni Rhian.

GABBY & DENNIS. Nanghihinayang din pala si Rhian sa hindi pagkakasali ni Gabby Concepcion sa I.T.A.L.Y. Pero, on second thought, mahirap na ring basta isipin ito lalo na't napakahusay rin ni Dennis Trillo na siyang sumalo sa naiwang role ni Gabby.

"Kasi yung My Only Love, remember? Nang gawin namin ang remake sa teleserye sa GMA-7, I only knew na si Gabby Concepcion ang original na bidang lalaki doon. It will be very nice siguro if I get to know him, kasi kilalang-kilala pa rin siya kahit ng bagong generation, kahit matagal na siyang nawala.

Continue reading below ↓

"Pero natutuwa ako sa rushes, nang mapanood ko sa dubbing, Dennis did very well in his portrayal. Light lang siya, na very romantic, na bumagay rin kay Dennis. At least, sa cast, halos hindi nagkakalayo ang age namin. We really had a good time while doing the film, and we have experienced the cruise abroad," kuwento pa ni Rhian.

MODELING OFFERS. As of now, dinaragsa ng modeling offers si Rhian after she had a bit of training in Singapore. Lumahok sa Asian Supermodel si Rhian sa China, and was able to land on the Top 10.

"Magandang pambalanse ang modeling," sabi ni Rhian. "At least, hindi ako masyadong naiintriga sa ganyan, and when I was in China, I was able to be on my own. Hindi ko naramdaman na artista ako doon, and I was really like a normal teener trying to make a name as a model."

Muling kaiinggitan si Rhian sa dalawang malalaking endorsements na natanggap niya, at ilulunsad na ang mga ito sa mga susunod na araw. Ayaw magdetalye ni Rhian tungkol sa mga ito. Hintayin na lang daw ang pagpapalabas ng mga commercial na nagawa niya.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Basta malinis ang konsensiya ko. Wala akong tinatapakang tao. Kung sisiraan lang nila ako for whatever reasons na wala naman akong ginagawang kasalanan sa kanila, karma na lang nila 'yan. In the first place, hinahamon ko naman sila na harapin ako. Kaya lang, halatang duwag sila, at hindi nila mapangatawanan yung mga ibinibintang nila sa akin. Idinadaan lang nila sa text," says Rhian Ramos.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results