Surprises and celebrations await Dingdong Dantes and Marian Rivera on their birthday month

IMAGE 0


Dyesebel stars Marian Rivera and Dingdong Dantes will celebrate their respective birthdays in August. Their home network GMA-7 is preparing a series of celebrations and surprises for one of the hottest love teams in the country.



Pagkatapos ng matagumpay na pagrampa ni Dingdong Dantes forthe very first time as Bench Body model sa katatapos na Blackout: The Bench Denim and Underwear Fashion Showsa Araneta Coliseum noong Friday night, July 25, PEP (Philippine EntertainmentPortal) found out na mas marami pang nakahandang sorpresa sa kanyang mga tagasubaybayang dapat abangan sa isa sa hottest young actor ngayon in connection sa kanyangbirthday month sa August.

Dingdong is turning 28on August 2, pero magsisimula ang mga bonggang selebrasyon sa kanyang birthdaysa Linggo, August 3. After a long absence ay muli siyang mapapanood sa Sundaymusical-variety show ng GMA-7 na SOP. Makakasama ni Dingdong ang kanyangperennial screen partner na si Marian Rivera, as they will both celebrate their birthdays onthe show. Marian will be turning 24 on August 12.

Balita ng PEP, halosbuong show raw ng SOP ay devoted para sa birthday special ng isa sa hottest love teamsngayon.

August 3 is a big day for Dingdong because after SOP, diretso naman siya parasa yearly fans day cum birthday treat niya for his loyal fans. Yun nga lang, tobe announced pa raw kung saan ang exact venue nito. But definitely, all ofDingdong's fans are welcome to the said event.

But from what we heard,ang pinaka-highlight ng buong araw ng August 3, a day after his actualbirthday, ay ang big event daw na magaganap sa gabi at may connection ito sakanyang career and, of course, birthday pa rin.

Dahil parehong Augustcelebrators sina Dingdong at Marian, balita ng PEP na may pine-prepare namonth-long celebration ang Kapuso network para sa dalawa. Sa buong buwan ngAugust ay mapapanood sina Dingdong at Marian sa lahat ng Kapuso shows tulad ngSiS, Nuts Entertainment, Mel & Joey, Songbird, at marami pang iba.

Dingdong and Marian'sbiggest treat naman to their fans ay magaganap sa August 27 sa Araneta Coliseumto culminate their birthday month. The show is free and open to the public.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Since it's a grand show,sa pagkakataong ito mapapanood ang dalawa na hindi lang umaarte sa telebisyonbilang sina Fredo at Dyesebel kundi mas closer na to their fans. Napag-alaman din ng PEP na ang naturang special show sa Big Dome ay ieere rinsa GMA-7 on a later date.

Bukod pa rito, from avery reliable source, dalawang TV commercials pa ni Dingdong ang mapapanood saAugust.

Ibinalita naman sa aminmismo ni Dingdong na sa July 30 ay ang grand opening naman ng ikalawang branch ng Centerstage, which he co-ownswith girlfriend Karylle and other partners, sa Jupiter St., Makati.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN