Martin Jickain puts his life back together after failed marriage with Aiko Melendez

IMAGE 0


"I'm very flexible with Martin spending time with his daughter. Soako, any time he wants to spend time with Marthena, wala siyang magigingproblema sa akin, wala talaga. Mas gusto ko pa nga kung dalasan pa niya ang pag-spend ngtime niya," says Aiko Melendez about Martin Jickain's right to visit their daughter, Marthena.



Ang actress-politician na si Aiko Melendez ang special guestco-host ng Startalk kahapon, July 26, kung kaya't live niyang napanood sastudio ng GMA-7 ang taped interview sa dati estranged husband niya na si Martin Jickain.

Ayon kay Martin, naiayos naman daw niya ang buhay niya afternilang maghiwalay ni Aiko. That was the time daw na naipagpatuloy niya angnaudlot niyang pag-aaral sa International School of Culinary Arts & HotelManagement. Nagdyi-gym din daw siya at nagawa rin daw niyang pagandahin angkatawan niya.

"Back to school ako ngayon dahil noon, before akongmagpakasal, hindi ko natapos ang pag-aaral ko. Kaya ngayon, itinuloy ko yungstudies ko," saad ng ramp and print model.

When it comes to his daughter Marthena, sa kabila ngPermanent Protection Order (PPO) na ibinaba ng korte laban kay Martin patungkol sa kay Aiko ay hindi ipinagkaitng batas ang regular na pagbisita niya sa bata kung kaya't ganoon na lang angdaw ang laki ng pasasalamat niya kay Aiko.

"Nakakuha na ko ng letter from Q.C. RTC at nirerespetoko naman ang desisyon nilang PPO, so I have nothing against it at nirerespetoko ‘yon. Pero siguro naman, kahit walang PPO, wala akong gagawing masama kayAiko dahil mataas ang respeto ko kay Aiko. Wala akong gagawing hindimaganda sa kanya dahil unang-una, nanay siya ng anak ko.

"At saka alam n'yo, simpleng tao lang ako, e. Hindi akogagawa ng anything para kalabanin si Aiko. Actually, hindi na nga akokumuha ng abogado. Si Aiko, wala akong masasabi. Sabi niya, ‘Martin,kung kelan mo gustong hiramin si Marthena, just let me know.' Natutuwa lang akodahil malapit sa akin yung anak ko. So yun lang, pasalamat lang talaga. Atbuti na lang, mabait ang Diyos, nakikita ko ang anak ko, every Sunday."

In terms of financial support, kahit paano naman dawsinusuportahan pa rin niya ang kanilang anakna si Marthena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit paano, nagbibigay ako. Kasi si Aiko naman, mabait natao. Hindi siya yung, ‘O, Martin, magbigay ka ng ganito, kasi ganito-ganyan.'Hindi siya ganoon," sabi ni Martin.

RELATIONSHIP WITH AIKO. After being hostile to each other after their separation,ngayon nga raw ay nagiging civil na rin ang relationship nina Aiko at Martin,unti-unti.

Kuwento ni Martin, "Kapag susunduin ko si Marthena,nagte-text kami, kamustahan tungkol sa bata. Very civil. Okay naman, parangwala lang...parang wala lang nangyari. Usual na magkaibigan."

When asked kung mahal pa rin ba niya si Aiko, itoang sagot niya: "Si Aiko siyempre, mahal ko ‘yan... Pero iba yung mahal na inlove ka sa tao at iba yung mahal mo dahil nanay siya ng anak mo. In allsincerity, hindi talaga. Marami rin kasi akong natutunan kay Aiko. Maramikaming pinagsamahan at meron kaming magandang anak, carbon copy ko!"

Para kay Martin, wala raw siyang kinikimkin na sama ng loobkay Aiko. Sabi pa, ang tipo naman daw kasi ni Aiko ang karapat-dapat mahalin ngkahit na sinong lalaki.

"Kahit sino naman talagang lalaki, mai-in love naman talagasa kanya. And from what I heard, meron yata siyang bagong boyfriend at sakuwento niya, mukhang mahal na mahal na mahal naman siya ng lalaki. At si Aikonaman ay hindi mahirap mahalin, so happy na ako ro'n. Kasi si Aiko, marami naring pinagdaanan sa buhay niya. At least, nakita na rin niya ang right guy forher," pahayag ni Martin para sa dating asawa.

May panawagan nga lang si Martin para kay Aiko. Aniya, "Angsa akin lang, bilang tatay ni Marthena, kahit siguro naman kahit sinong tatay,wini-wish na sana tratuhin ang anak niya na para na rin nilang tunay na anak.Yun lang ang masasabi ko. I have nothing against them. Happy na rin ako nanakahanap siya ng tunay na lalaki na mahal niya at mamahalin siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng isyu sa kanya na napariwara siya after nilangmaghiwalay ni Aiko ay ang hangarin daw nito na magkaroon ng bagong karelasyonat makapagsimula muli ng bagong buhay.

"Mukha bang sira ang buhay ko?" tawa niya. "Hindi namansiguro. Yun nga, e, tulad nga ng nasabi ko, inayos ko ang buhay ko. Datiang taba ko, nag-gym ako. Inayos ko ang katawan ko. Inayos ko ang buhay ko.Nag-aral akong muli. Sa taas po ng presyo ng buhay ngayon, e, mahirap pongmagka-girlfriend. Saka na lang, kapag bumaba na ang presyo ng gasolina."

NEW MAN IN AIKO'S LIFE. After ng VTR interview kay Martin, si Aiko naman ang live nain-interview nina Lolit Solis at Joey de Leon. Pero bago sinagot ni Aiko angtanong ni Joey kung ano ang masasabi niya sa pahayag ni Martin na mahal pa rinsiya nito, nagpaliwanag muna si Aiko kung bakit tumatawa siya habangipinapakita ang interview ni Martin. Baka raw kasi isipin ng mga tao natinatawanan niya si Martin, pero patawa raw kasi nang patawa sa harapan nila siArnell Ignacio, na guest din kahapon sa Startalk.

"Ang reaction ko ro'n, maraming-maraming salamat sarespetong ibinibigay niya sa akin hanggang ngayon. Hindi lang bilang isang taokundi bilang isang nanay ni Marthena, maraming-maraming salamat," mensahe niAiko.

Ano naman ang reaction ni Aiko sa sinabi ni Martin na bagongkarelasyon ni Aiko na si Patrick Meneses, ang vice mayor ng Bulacan, Bulacan,na hindi mabanggit ni Martin ang pangalan.

"Well, with regards to that, nauna pa si Martin na umamintalaga kesa sa amin, di ba? Si Patrick is someone na very, very special tomy heart. Noong time na nakadapa ako, siya ang isa sa umalalay sa akin natao. And marunong akong tumanaw ng utang na loob sa isang mabuting tao," sabini Aiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matagal na raw kakilala ni Aiko si Patrick.

"Matagal na, he was my classmate in UP [University of thePhilippines] when I took up the crash course on local government.Nagpapasalamat ako sa kanya ro'n with the friendship and, until now, I don'tdeny the fact he's still special on my heart."

Ang tanong ni Lolit kay Aiko ay kung nakatitiyak daw ba siyana si Patrick ay hindi nag-e-aerobic? Pero sinundan agad ito ni Joey natinanong daw yun ni Lolit at baka hindi masundan ng mga tao. May koneksiyon dawkasi yun sa sinabi ni Martin na nagdyi-gym siya at si Arnell na nasa studiothat time ay tila patawa nang patawa kunsaan, nagpapakita off-cam ng ilangaeroboxing technique. Tinawag na nga ito ni Joey sa harapan.

Nag-comment si Lolit kung bakit mukha raw pambabae angexercise nila. Nagkataon daw kasi na magkapareho ng gym sina Martin at Arnell.

Magtu-two years old na ang anak nina Aiko at Martin na siMarthena bukas, July 28. Hindi ba sila nag-uusap ni Martin on their daughter'sbirthday celebration?

"Actually, nag-textkami," sabi ni Aiko. "Kasi yung naka-state naman sa PPO, meron kamingarrangement kung anuman do'n. Pero ako naman, bilang nanay, meron man ganoongarrangement. I'm very flexible with Martin spending time with his daughter. Soako, any time he wants to spend time with Marthena, wala siyang magigingproblema sa akin, wala talaga. Mas gusto ko pa nga kung dalasan pa niya ang pag-spend ngtime niya.

"And I'd like to thank Martin dahil sa sinabi niyang noong timena naghiwalay kami, itinuon niya ang pansin or panahon niya sa pag-aaral niya.And pinaganda niya ang katawan niya. At least, maganda rin pala ang nagawa kosa kanya."

Sumingit si Arnell sa sinabi ni Aiko na aniya, maganda rawang katawan ni Martin ngayon. So, Lolit asked Aiko kung hindi ba siyananghihinayang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nanghihinayang na maganda ang katawan niya? Magandarin naman ang katawan ko ah, so dapat siya ang manghinayang sa akin, ‘no!" tawani Aiko.

ANNULMENT CASE. Kinumusta naman ni Joey ang annulment case ng kasal nila?

"Naka-file na po," ani Aiko.

Hindi na raw kukuha si Martin ng lawyer. Ano ang reaksiyonni Aiko rito?

"Well, siguro he wants the annulment na rin also. And it's aclosure na. Tapos na talaga kami ni Martin and, I think, mas maganda at masnapaganda ang buhay namin ni Martin noong wala na kami.

"And I'd like to think na I'm in a better position na nangmaghiwalay kami. And I owe it to him dahil lahat ng time ko ngayon andlahat ng taong nakapaligid sa akin ay yung totoong nagmamahal talaga sa akin."

MARTIN'S LOVE LIFE. Since may lovelife na si Aiko, ano naman ang balita niya kayMartin, may love life na rin ba ito?

"Nakakatawa nga, kasi inunahan niya akong umamin na may lovelife ako. E, siya nga, way, way back pa! Martin...naku, Martin ha, magpakatotooka ha! Ikaw talaga, ibinubuko mo ako, e, ikaw nga ang unang may love life!Peace ha?" natatawa niyang sabi.

Tanong ni Lolit ay kung babae raw ba ang love life niMartin?

"Babae po... ‘Nay Lolit ha, you're so mean ha! May galit ka bakay Martin, ‘Nay? Grabe, pinagpapawisan ako rito ha!" sabi ni Aiko.

Katuwiran naman ni Lolit, wala raw siyang galit kay Martin,pero may masama raw ba sa tanong niya.

May panawagan din si Martin kay Patrick na sana lang daw,tratuhin niya si Marthena na parang anak na niya. Ano ang reaksiyon ni Aikorito?

"Martin, when it comes to that, you'll never really have aproblem on that. In fact, ngayon nga, sasabihin ko rito sa Startalk na habangnagtatrabaho ako ngayon, ang kasama po ni Marthena at ni Andrei [Aiko's sonwith Jomari Yllana] ay si Patrick ang nagbabantay ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dahil nga birthday ni Marthena sa Monday and may school siAndrei, si Patrick is spending time with my kids. So I'm assuring you,Martin, magkaroon man kami ni Patrick ng mas malalim na relasyon, more thanjust boyfriend-girlfriend or kung saan man papunta itong meron kami ni Patrick,huwag kang mag-alala because your daughter is in good hands. At huwag kangmag-alala, the mere fact na ako ang nanay ni Marthena, doon na lang, e, huwagkang mag-alala dahil aalagaan namin ni Patrick si Marthena," pahayag ni Aiko.

Ano naman ang birthday wish ni Aiko kay Marthena?

"Ang message ko, sana paglaki niya, she wouldn't take itagainst us na naghiwalay kami ng daddy niya dahil mas makakabuti ito sa kanyaat sa paglaki niya. At kahit magkahiwalay kami, we will be the best parents forMarthena. And also, it goes also for Andrei na kahit nagkahiwalay kami niJomari, yung panahon lang sana na maibibigay nila for Andrei and Marthena,please, ipinapakiusap ko yun na ibigay sana nila."

Hindi ba natatakot si Aiko na umibig muli?

"You know, ‘Nay Lolit, life is too short. You'll never knowwhat will happen tomorrow. Only God knows, di ba? Pero ako kasi,habang nadarapa ako, ang gusto ko sa sarili ko, kasi fighter ako. WheneverI stumble, whenever I fall, tatayo ako, lalaban ako and that goes also with mylovelife. Hindi porke two failed marriages, e, katapusan na yun, wala nangikatlong glorya."

Puwede rin daw ikaapat or ikalima?

"No! I think, ikatlo na lang talaga," diin ni Aiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN