Jinkee Pacquiao has forgiven all the women linked to Pacman

by Rose Garcia
Jul 27, 2008
"Anytime, puwede siyang mag-retire kasi ayoko naman na palagi siyang nabubugbog, nasasaktan, kawawa naman. So, business na lang kami. Yun na lang ang plano namin," says Jinkee Pacquiao about husband Manny Pacquiao.

Nagkaroon ng victory party last July 23 in honor of the Philippines' three division world titlists, including Manny Pacquio, na ibinigay ni Ilocos Sur Governor Chavit Singson sa kanyang tahanan.

Medyo na-late si Manny dahil naging abala siya sa pagpunta at pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Frank, kung saan umabot din ng tatlong milyong piso ang ibinigay niyang donasyon. Dahil dito, hindi raw maiwasang maisip ng marami na mukhang paghahanda ‘yon ni Manny para muli siyang pumalaot sa pulitika.

Hindi naman ito tahasang itinanggi ni Manny nang ma-interview siya ng Startalk.

"Of course, I'm open but right now, I don't want to talk about that," saad ni Manny. "Kumbaga, sa panahon ngayon, marami tayong mga kababayang naghihirap at nangangailangan ng tulong. Sa ngayon, ang mga napuntahan ko ay Iloilo at Bacolod. Kahit paano, nakapagbigay tayo ng kaunting tulong sa kanila. Siguro pagbalik ko, iikutin natin yung mga hindi ko pa napuntahang lugar."

Continue reading below ↓

DELA HOYA OR VALERO? Medyo naantala nga lang daw ang pagbibigay ng tulong ni Manny sa mga nasalanta ng bagyo dahil kinailangan niyang umalis noong July 24 para ayusin ang negosasyon sa susunod niyang laban. Although, hindi pa raw siya sure kung sino kina Edwin Valero or Oscar dela Hoya ang makakalaban.

"We're going to discuss that matter in Las Vegas with Bob Arum and Golden Boys Promotion at Richard Siegfried. Siguro pag-uusapan naming maayos, hindi pa lang nagkakasundo."

Ayon naman ng kanyang misis na si Jinkee Pacquaio, "Nine-negotiate na ni Bob Arum, so baka November 8 or 15 yung fight niya."

Sabi naman ni Manny, wala pa naman daw talagang kumpirmasyon kung sino ang susunod na makakalaban niya. Pero wala raw problema sa kanya kung si Valero man ito.

"Wala namang sinasabi na si Valero, pero wala namang problema kung siya man. E, kung si Dela Hoya nga hinahamon, ko, e, may match kami, si Valero pa kaya? Basta ako, I'm willing to fight, basta maayos ang negosasyon."

Continue reading below ↓

Buo pa rin daw ang fighting spirit ni Manny na lumaban kahit na mga mahal niya mismo sa buhay ang nagre-request na mag-retire na nga siya.

"Kung ang mama ko ang masusunod, ang gusto niyang talaga, mag-retire na ako, last year pa. Sinasabi niyang, ‘Mag-retire ka na, mahirap ang boxing.' Pero sabi ko, ‘Ma, gusto ko bigyan mo pa ako ng konting panahon kasi, gusto ko pang mag-boxing,'" kuwento ng world boxing champion.

Nagbigay rin ng kanyang pahayag si Jinkee tungkol sa pag-retire ni Pacman.

"Anytime, puwede siyang mag-retire kasi ayoko naman na palagi siyang nabubugbog, nasasaktan, kawawa naman. So, business na lang kami. Yun na lang ang plano namin.

"E, ang gusto niya, 2009, so okey lang sa akin. At least, may mga investments na rin naman kami. May mga lupa kami, tinatayuan namin ng building, paparentahan. Yun ang aming project ngayon, like yung lupa rin namin sa Sampaloc."

Continue reading below ↓

BEIJING OLYMPICS. Bukod daw sa three-million pesos na ipinamahagi ni Manny sa mga nasalanta ng typhoon Frank, naglaan na rin daw si Manny ng one-million pesos para naman sa atletang Pinoy na makakasungkit ng ginto sa August 8 Beijing Olympics.

Puno rin siya ng sampalataya sa kanyang kapwa boksingero na si AJ "Bazooka" Banal sa ipapakitang gilas nito.

"Well, unang-una, makapagbigay man lang ng moral support sa ating mga athletes, hindi lang sa boxing kundi sa lahat ng mga kababayan natin na sasama sa Olympics, mabigyan natin ng moral support and second, it's my honor to carry the Philippine flag sa Olympics.

"Naniniwala ako, mananalo si Banal at nakikita ko na malayo pa ang mararating niya at bata pa siya. Kailangan lang huwag nating kalimutan ang mahal na Panginoon dahil ang lahat ay galing sa Kanya."

MOVIE WITH ANNABELLE. Bilang movie star naman, kinumusta rin ng Startalk kay Manny ang balitang pagsasama nila ni Annabelle Rama sa isang pelikula.

Continue reading below ↓

"Ikaklaro ko lang, wala akong tinanggihan," sabi ni Manny. "Kung anumang mga project na ‘yan, wala akong tinanggihan. Lalo na si Tita Annabelle... Kung isasama niyaa ko, walang problema."

Tinanong din si Jinkee tungkol sa naturang movie at kung ano ang saloobin niya.

"Okey lang, kababayan ko naman yun. Pareho kaming Bisaya, so... At saka nanay ko ‘yan, nanay ko ‘yan!" natatawa niyang sabi patungkol kay Annabelle.

WOMEN & MANNY. Mukha raw kampante si Jinkee kung si Annabelle nga ang makasama ng asawa sa pelikula. Aniya, sa ngayon daw, alam na niyang parte talaga ang intriga especially sa buhay ni Manny. Nasabi rin niyang pinatawad na niya lahat ng babaeng na-link sa asawa noon.

"Pinatawad ko na sila. Kasi kapag famous ka, kasama yun sa tagumpay mo, may mga intriga talaga. So, kasama ko na yun. Si Manny naman, before, meron siyang mga nagawa na masyadong masakit para sa akin, pero ganoon talaga, e.

Continue reading below ↓

"Siyempre, kailangan na siyang mag-ingat. Kailangang alagaan niya ang sarili niya, ang kanyang pangalan. Dapat ganoon, walang intriga, walang tsismis," pahayag ni Jinkee.

What if mag-cross muli ang landas nila ng na-link kay Manny na si Ara Mina?

"Small world nga lang, e, di ‘hi' lang, hanggang ‘hi' lang ako. Pero kapag nilapitan niya ako, kinausap niya ako, okey lang sa akin. Kumbaga, hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob. Hindi naman ako galit. Kay Manny lang, nagtatampo ako sa kanya before, pero peace be with you na sa lahat!" natatawa niyang sabi.

Ayon kay Jinkee, malaki na raw ang ipinagbago ng kanyang asawa.

"Wala na yung bisyo niya. Wala na...lahat, wala na! At saka palagi kaming magkasama. Hindi nga sila makapaniwala na nawala na lahat ng bisyo niya. Lahat na sa pamilya na lang."

Sa huli ay pabirong idinugtong ni Jinkee na "good for her," sabay bawi na "good for us" ang malaking pagbabago ng asawa.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Anytime, puwede siyang mag-retire kasi ayoko naman na palagi siyang nabubugbog, nasasaktan, kawawa naman. So, business na lang kami. Yun na lang ang plano namin," says Jinkee Pacquiao about husband Manny Pacquiao.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results