FIRST READ ON PEP: Annabelle Rama complains about son Richard Gutierrez's "unfair" exposure in Blackout

IMAGE 0


"SiRichard, pagod na pagod, galing pa sa Greece pero nagpunta ng rehearsal nangwalang reklamo at nag-stay siya talaga doon ng apat na oras. Wala naman siyangbayad dito. Wala namang bayad ang mga artista pero ginawa pa rin nila, sanabinigyan na lang sila ng konting importansiya, hindi lang si Richard," says Annabelle Rama about what she feels was unfair exposure of son Richard Gutierrez (inset) at Blackout.



Annabelle Rama isseriously considering not to renew Richard Gutierrez's contract with Bench.

On the warpath againang matriarch ng mga Gutierrez na nag-surprise visit sa presscon ng RegalEntertainment and Studio Max's Loving You last Sunday night, July 27, saImperial Palace Suites. This time, it's about the Blackout event ng Bench lastFriday, July 25, sa Araneta Coliseum.

Nagkakaroon kasi ngcomparison ang palakpak na natanggap ng mga prime stars who walked the ramp forthe event at tila nadehado si Richard compared to the other stars. Wala kasingpreparation or at least a signal na si Richard na ang lalabas kungkaya't hindi agad siya nakilala ng audience, specially with his makeup that darkened his complexion.

Somehow, prepared angaudience sa paglabas nina Sam Milby, Rafael Rosell, and Dingdong Dantes when itwas time for them to go on stage. Nag-angat ang mechanical ramp pataas bagolumabas si Sam. Nasa big screen si Rafael na nakahubad at nakatalikod bago siyatumayo, at ipinakita sa likod ng translucent curtain. Nag-slide show naman angmga posters ni Dingdong bago ito pumasok sa stage. These three actors got thebiggest applause kung iku-kumpara sa pagpasok ni Richard na parang nag-lastwalk lang talaga at may mga babaeng models na sa stage still posing.

Paliwanag niAnnabelle sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "'Eto sinabi na sa akin ni Richard [Gomez] na nag-meeting na silabago pa lang ang event, dapat huwag lagyan ng makeup ang mga artista paramakilala sila. O kaya, lagyan ng pangalan sa screen na si ano na o si ano anglalabas para handa ang mga tao.

"Hindi nila ginawa,"patuloy niya. "Hindi lang ito para sa anak ko, para na rin sa lahat ng mgaartista. Sana naglagay sila ng mga names na lumalabas para alam ng tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tanungan nangtanungan, ‘Sino ‘yan?' sabi ni Dr. [Vicky] Belo, ‘she's pretty.' Si BubblesParaiso na pala yung tinatanong niya. Si Nitz [Miralles, PEP contributor]nagtanong pa sa kasamahan niya kung si Richard na ba yun. Nasa malapit na silang stage ha, paano pa yung nasa bleacher?"

It was explained toAnnabelle na never nagkaroon ng names ng mga naglalabasang artista sa mganaunang biennial event ng Bench.

"Wala na kung wala,pero bakit yung iba, ipinakita muna ang posters bago lumabas?" sabi niAnnabelle. "Hindi naman ito kailangan ng anak ko. Sabi niya nga sa akin nahuwag na lang akong magsalita, pero unfair talaga ang ginawa sa kanya.

"Paano mo naman makuku-comparesi Richard sa iba? Hindi naman siya naghubad, hindi nagpakita ng briefs? Hindiniya ito kailangan. Pati ba naman kasi ito pag-uusapan pa?" saad ni Annabelle,na ang tinutukoy ay kung sino ang nakatanggap ng mas malakas na palakpak.

Dagdag niya, "SiRichard, pagod na pagod, galing pa sa Greece pero nagpunta ng rehearsal nangwalang reklamo at nag-stay siya talaga doon ng apat na oras. Wala naman siyangbayad dito. Wala namang bayad ang mga artista pero ginawa pa rin nila, sanabinigyan na lang sila ng konting importansiya, hindi lang si Richard."

It was later learnedthat Dingdong was given a separate time for rehearsal dahil walang nakakita sakanya na mag-rehearse. Nang natapos daw ang rehearsal at umuwi na ang lahat,saka naman isinalang si Dingdong.

"Hindi kami humingi ngganito," ulit ni Annabelle. "Nag-stay si Chard ng apat na oras kahit pagod nasiya. Kung may gusto silang i-promote o i-launch, sige walang kaso sa akin.Nagsabi na nga ako na huwag nang isama si Chard sa show, pero pinilit pa rin. Sige,di gawin. Pero sana nga respeto naman na lang sa anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Richard dapat angsa Jag. Hinihingi siya noon, dapat siya ang makaka-partner ni Angel [Locsin].Nagpaalam na ako kay Dougs [Douglas Quijano], pero sabi huwag daw umalis saBench kasi dito siya nagsimula. Loyalty na lang daw. Sige stay kami, pero tingnanmo naman ang ginawa sa kanya?"

Along this line, someoneasked kung pararampahin niyang muli si Richard sa susunod na event ng Bench,which will happen two years from now.

"Ay hindi na, tatanggalinko na siya sa Bench!" tahasang sabi ni Annabelle.

We have to repeat thequestion kung, for the record, aalisin na niya si Richard as Bench endorser.

"Baka hintayin ko na lang matapos ang contract. Bukas malalaman ko kunghanggang kailan pa siya," sagot ni Annabelle.

At press time ay sinusubukan ng PEP na kunin ang panig ng Bench tungkol sa mga pahayag ni Annabelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN