Rhian Ramos admits considering boob job

by Archie de Calma
Jul 28, 2008
"Yeah, I'm considering it, too. I'm also an actress, remember? Again, kung gagawin ko man 'yan, I won't hide it. Sasabihin ko talaga sa press na nagpagawa ako ng boobs, o nagparetoke ako ng ilong. What's the point of hiding it? " says Rhian Ramos about breast augmentation.

Marami na ang naghihikayat sa young actress na si Rhian Ramos na sumali sa Binibining Pilipinas. She's honest enough to tell PEP (Philippine Entertainment Portal) that she's giving it a thought. In fact, kinausap na niya ang mother niya tungkol sa ideyang ito.

"Hindi niya gusto," nangingiting sabi ni Rhian. "When the right time comes siguro, since my mom doesn't like me to try modeling at first. Pero okay na rin sa kanya. Ganoon din sa pag-aartista ko, hindi niya talaga gusto, pero pinayagan pa rin ako.

"My modelling stints really influenced me to try more exposures. Magandang preparation din ito for something more exciting, like joining a beauty contest perhaps. Let's see."

Binanggit namin kay Rhian na iba na ang labanan sa international beauty pageants. Nearly all Venezuelan representatives sa Miss Universe ay laging nakakapuwesto dahil, sa pagkakaalam namin, talagang nireretoke ang karamihan sa kanila.

Kailangan na rin sigurong lumaban sa ganitong punto ang Pilipinas. Kakayanin kaya ni Rhian ito kung sakali?

Continue reading below ↓

"There's nothing wrong with cosmetic surgery, and all that," palagay ni Rhian. "But I won't go through scalpels just for the intention of joining a beauty contest. Kasi it defeats the purpose, na para bang sa parteng yun lang ako lalaban.

"But you know, iniisip ko rin magpa-augment ng boobs. Sa modeling, hindi naman ito big deal. Most models don't have overwhelming breasts, but if it's going to make me feel and look better, why not? Nasa akin naman yun, e.

"Yeah, I'm considering it, too. I'm also an actress, remember? Again, kung gagawin ko man 'yan, I won't hide it. Sasabihin ko talaga sa press na nagpagawa ako ng boobs, o nagparetoke ako ng ilong. What's the point of hiding it? Kung tatanungin ako, kung totoong nagparetoke ako, kung totoo naman, ano ang masama doon para i-deny ko pa?" pahayag ni Rhian.

As of now, wala pa talagang definite plans for her to go through surgery. Ang gusto lang naman ni Rhian, ma-enhance pa nang husto ang personality niya.

Continue reading below ↓

"Hindi naman kasali roon yung pagpapa-augment ng breasts, pero marami rin kasi ang nag-e-encourage sa akin. Kaya minsan, pinag-iisipan ko. Pero sa ngayon, dahil marami akong ginagawa, hindi masyadong pumapasok sa utak ko!" tawa ni Rhian.

ON RUFA MAE & MARK. Impluwensiya kaya ito ni Rufa Mae Quinto na nakatrabaho niya sa pelikulang I.T.A.L.Y. (I Trust and Love You)? Hindi umaamin basta si Rufa Mae kung may ipinagawa man siya sa katawan niya, pero marami ang nakakapuna na well-maintained ang pigura nito.

"Oh, I can't say anything about that!" nakangiting pag-iwas ni Rhian. "Sabi ko nga, kahit na sino pa 'yan, even Rufa Mae, if they want to do it, why not? Kung gusto rin nilang i-deny, that's their life. Yung sa akin ay yung paniniwala ko lang, na kung nagparetoke man ako, bakit ko itatago?

"I would rather comment sa working relationship namin ni P-chi [palayaw ni Rufa Mae]. Napakasarap niyang kasama, lalo na sa cruise noong mag-shoot kami. Napakatotoo niya. Kung ano yung nararamdaman niya, yun ang sinasabi niya, and she's always funny.

Continue reading below ↓

"I like her a lot. Nagkakasundo kami sa maraming bagay. Kaya she's the type na puwede ring masabihan ng problema, na alam mong hindi basta ikakalat. Kung ano yung para lang sa magkakaibigan, she will definitely keep it," nasabi pa ni Rhian.

Sa I.T.A.L.Y. ng GMA Films, sina Rhian at Mark Herras ang magkapareha. Pero wala raw talagang kung anumang seryosong namamagitan sa kanila.

"Wala naman kasi talaga," diin ni Rhian. "Ewan ko, nagki-click naman kami as friends. Masaya kami palagi 'pag magkasama. Hindi rin siya pumoporma sa akin. Wala lang. Mahina ang radar ko pagdating sa ganyan. I'd rather work and have fun, kaysa isipin kung manliligaw ba sa akin ang isang lalaki. Kaya siguro I don't have a problem with that."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Yeah, I'm considering it, too. I'm also an actress, remember? Again, kung gagawin ko man 'yan, I won't hide it. Sasabihin ko talaga sa press na nagpagawa ako ng boobs, o nagparetoke ako ng ilong. What's the point of hiding it? " says Rhian Ramos about breast augmentation.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results