Willie Revillame: "Ako pa rin ang masusunod kahit patay na ako."

IMAGE 0


"Nung ginagawa pa lang ‘yung set ng Wowowee kasama koyung mga karpintero, ‘pag may binabago kami sa set, binabantayan ko pa rin yunglugar. Nung bumalik ako ng ABS, yun ang agad ang pinuntahan kong studio,tiningnan ko para magpasalamat lang. Napaka-historical din nun, kasi dunnagsimula si Nora [Aunor], nag-show dun si Vilma, lahat ng magagaling naartista sa pelikula at telebisyon, dumaan lahat dun," says Willie Rev



Marami ang nagulat, nag-alala at kinilabutan nang kumpirmahin mismo ni WillieRevillame na nagpagawa na siya ng last will and testament para sa mga maiiwanniyang mga mahal sa buhay kung saka-sakaling kunin na siya ng Nasa Itaas.

Higit pang nagdagdag ng pag-aalala sa ibang malalapit sacomedian-TV host ang kumpirmasyon din na may problema sa kanyang puso si Williedahil mayroong isang ugat ang kanyang puso na hindi dinadaluyan ng dugo dahilbarado.

READY TO "GO." Nang tanungin ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) si Willie sa nakaraang book launch ng Dolphy, Hindi KoMararating Ito Ng Mag-isa na ginanap sa NBC Tent, The Fort, Taguig City,inesplika naman sa amin ng TV host na nagpagawa talaga siya ng last will andtestament para sa preparasyon ng anuman na puwedeng mangyari sa kanya.

"Maganda na yun, praktikal. Dapat talaga may ganun kasi oncena may nangyari sa akin, kung wala na ako, alam ko na di magkaproblemaang mga anak ko. Iba-iba ang mga nanay nila, gusto ko maayos anglahat.

"Gusto ko, ako ang nag-ayos ng aking libingan, ako angnag-isip ng aking isusuot para di na magkakagulu-gulo. Mahirap yungsasabihin ng isa, ‘Ito ang gusto ng tatay, ito ang dapat.' Wag na, sumunod nalang kayo sa gusto ko, ito ang ginusto ko, pinundar ko ‘yan para sa inyo,sumunod kayo. Ako pa rin ang masusunod kahit patay na ako."

Napag-usapan din namin ang problema niya sa puso kung saankinuwento sa amin ng aktor na may blood clotting ang isa niyang ugat.

"Mayroon akong blood clotting, yung isang ugat dun, dipumapasok yung dugo. Titingnan kung ano ang magagawa nila. Kung anumanang mangyari okey lang, ako naman anytime ready na ako sa anumangmangyayari. Tapos sa intestine ko, marami siyang sugat. Kapabayaanyun, may mga times na alam mo na naghihikahos ka sa buhay, na yung pagkain dipa regular, ganun talaga, kasama yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WAKE IN THE STUDIO. Sa studio ng ABS-CBN kung saanginagawa ang Wowowee ang napiling pagbuburulan ng TV host. Ayon kayWillie ay memorable sa kanya ang nasabing studio dahil ito ang nakasaksi sapagbagsak at pagbangon uli ng kanyang career.

"Gusto ko lang dun kasi dun ako nadapa, dun ako umangat kayamahal na mahal ko ang istudyong iyon.

"Nung ginagawa pa lang ‘yung set ng Wowowee kasama koyung mga karpintero, ‘pag may binabago kami sa set, binabantayan ko pa rin yunglugar. Nung bumalik ako ng ABS, yun ang agad ang pinuntahan kong studio,tiningnan ko para magpasalamat lang. Napaka-historical din nun kasi dunnagsimula si Nora [Aunor], nag-show dun si Vilma, lahat ng magagaling naartista sa pelikula at telebisyon, dumaan lahat dun."

MOVIE WITH PIDOL. Natapos ang pelikulang DoubleTrouble na pinagsasamahan nina Dolphy at Vic Sotto. Ibinalita naman saPEP ni Willie na may pelikula rin pala silang balak gawin ng Comedy King.Papuri din at magagandang mga salita ang pinatungkol ni Willie sa hinahangaangkomedyante.

"Mayroon kaming plano, actually nag-meeting na kaming dalawani Tito Dolphy. May ginagawa kasi akong movie ngayon, yung Mr. Housewife. Afternun, ‘pag kaya ng sked ko at kaya ng sked niya, gagawa kaming dalawa.

"Alam mo si Tito Dolphy, kailangang-kailangan siya ngindutriya, inspirasyon siya ng bawat artista at inspirasyon siya ng bawatPilipino. Sa akin ang Dolphy ay isang bigas, nagbubusog ng ating kalungkutan.‘Pag wala kang makain, malungkot ka, siya pini-feed niya tayo ng kaligayahan."

NADINE. Bukas na aklat ang pagkakaroon daw sa ngayonng bagong inspirasyon ni Willie, isang 19-year-old CEU student named Nadine.Hindi man diretsahang sabihin ay kitang-kita naman na inspired ang komedyantekay Nadine.

"Lagi naman akong masaya, lahat naman ipinagkaloob na saakin ng Diyos. Sa sobrang blessings ko, ano pa ba ang hihilingin ko? Kung maydumating na magmamahal sa iyong tunay, darating naman yun," matalinhaga na langniyang pagtatapos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN