Claudine Barretto and Angel Locsin settle miscommunication issue

IMAGE 0


In a statement sent to The Buzz, Claudine Barretto (left) admitted that she was hurt by what she read in the tabloids regarding her reported rift with fellow Kapamilya star Angel Locsin (right). Angel, on the other hand, is happy and thankful that they have settled the issue.



Pagkatapos maglabas ng official statement ang ABS-CBN atStar Cinema Productions tungkol sa isyu sa pagitan nina Claudine Barretto atAngel Locsin, kinuha ng The Buzz ang panig ng dalawang Kapamilya stars.

Ayon sa report ng The Buzz, pagkatapos ng ilang oras napag-uusap sa harap ng ABS-CBN executives ng mga Kapamilya at malalapit nakaibigan noong July 23, inilatag nina Claudine at Angel ang kani-kanilang panigat damdamin. Ito ay upang malinawan ang lahat sa mga kaganapan nang magkita angdalawang aktres sa isang salon sa Quezon City noong July 4.

Hindi man direktang sinabi kung ano ang talagang nangyari sa pagitan nina Claudine at Angel sa loob ngs alon, pinabulaanan ng parehong kampo ang mga lumabas na balita. Wala raw sigawangnangyari. Wala raw nanipa ng kahit anumang gamit. Wala raw nagtaas ng boses.Nagkaroon man daw ng kaunting tensiyon, naging seryoso naman daw ang pag-uusapng magkabilang panig.

Sa naturang meeting, isa-isang inilatag ni Claudine angkanyang mga saloobin at ganun din si Angel. Dahil dito, napatunayang parehongwalang kasalanan ang dalawa. Nagkaroon lamang daw ng miscommunication atnapalaki pa ng mga intriga.

Pagkatapos ng pag-uusap, natuwa raw ang mga kasama sapagkakasundo ng dalawa at pagnanais na magsimula ulit bilang mag-Kapamilya.

Narito ang mga mensahe na ipinadala nina Claudine at Angelsa The Buzz:

Claudine: "Ipinagdasal ko ito na maaayos na ang gusot sapagitan namin ni Angel. Matagal akong nanahimik pagkatapos ng pagkikita noon sasalon dahil ayokong lumaki ang isyu. Aaminin ko na naging masakit sa akin angmga nabasa ko sa diyaryo na hinusgahan na ako. Noong isa-isa naming inilatagni Angel ang mga isyu at saloobin namin, dito na nabigyang linaw ang lahat. Atsa pagkakataong ‘yon, naging madali sa amin ang magpatawad anuman angnangyari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Angel: "Masaya ako at nagkausap at nagkaayos na kami.Sana matapos na po ang lahat na ito. Gusto ko pong pasalamatan ang ABS-CBNmanagement sa pakikinig at pagtulong sa aming pag-aayos. Maraming salamat po sainyong pang-unawa. Masaya po ako na sa puntong ito ay maayos na akong makakapagpatuloysa aking pagtatrabaho."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN