Anne Curtis went all-out screaming for Sam Milby during the Bench show

IMAGE 0


"Ay, super-tili talaga ako! Wala akong pakialam.Supportive din ako sa iba ko pang Kapamilya stars doon, pero ni-reserve ko angall-out hysteria ko kay Sam," admits Anne Curtis when asked about what she didwhen rumored boyfriend Sam Milby came out and walked the ramp in the last Benchshow.



Nakakatuwa itong si Anne Curtis dahil kahit napakahirap ngpinapagawa sa kanya sa regular tapings ng Dyosa, kinakaya niya ito at sailang ulit naming pagdalaw sa set nito, lagi itong nakangiti, maaliwalas angmukha kapag kinakausap. Very positive ang pakikipag-usap ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) sa kanya nang dalawin namin siya sa taping ng nabanggitna fantaserye ng Dos na magpi-premiere na sa August 11.

"Kinakabahan pa rin ako, pero hindi namanpressured," very confident na pahayag ni Anne nang madatnan namin saTrinoma kahapon kung saan isang malaki at mahalagang eksena ang kinunan para saDyosa. Nasa cast din ang ibang mga artista like Zanjoe Marudo,Rubirubi, Mickey Ferriols, Maricar de Mesa, Jojit Lorenzo, at marami pang iba.

Patuloy niya, "Mas excited ako habang papalapit na yungpilot namin. Pinapanood na sa amin ang pilot episode at masaya kami sa resultang effects. Feeling ko, tatangkilikin naman ito, at sana nga, ma-appreciate angpinaghihirapan namin."

Naitanong nga namin kay Anne kung ano ang bagongmaikukuwento niya sa tatlong leading men niya ritong sina Sam Milby, LuisManzano, at Zanjoe.

"Wala naman," sabi ni Anne. "Kasi, halosaraw-araw ay nagkakasama na kami. Imagine, three times a week, nagkikita-kitakami sa taping ng Dyosa. Then, tuwing Sunday, sa live telecast ng A.S.A.P.

"Ang maganda talaga ay yung working relationship namin,dahil sanay na kami sa bawat isa. Walang nag-iinarte sa set. Walang nagbabago.Ganoon pa rin ang enthusiasm."

ALL-OUT FOR SAM. Kapansin-pansin ang presence saaudience ni Anne sa Araneta Coliseum nang idaos doon ang Blackoutfashion show ng Bench noong Biyernes, July 25. All-out ang support niya kay Samna napapabalitang boyfriend na niya.

"Ay, super-tili talaga ako!" natatawang sabi pa niAnne. "Wala akong pakialam. Supportive din ako sa iba ko pang Kapamilyastars doon, pero ni-reserve ko ang all-out hysteria ko kay Sam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Definitely, Sam was the hottest one that night!"

Sa dinami-rami ng guys doon, why did she say so?

"Because I said so!" mabilis na sagot ni Anne satanong namin.

Agree rin kami kay Anne dahil nga bonggang-bongga ang bodyni Sam sa fashion event na yun.

"He really worked hard for it," nasabi na lang niAnne. "Pinaghandaan niya ang event na yun, and it paid off. Natatawa ngaako, kasi, kahit super na ang body niya, parang conscious pa rin siya sapagrampa niya."

Para kay Sam kaya nagpunta si Anne sa Bench event kahit ngaini-endorse niya ang Freeway, another clothing brand?

"Nagpaalam naman ako sa Freeway kung okey lang. Okeynaman daw, kaya naroroon ako," sabi ni Anne.

WHAT'S NEW? So, ano ang bago sa relasyon nila ni Sam?

"Wala. Ganoon na lang. Basta, ang masasabi ko lang,happy kami when we're together. We don't have problems."

Pero, naroroon din pala ang controversial ex-boyfriendniyang si Richard Gutierrez. Na-curious tuloy kami kung paano ang reaction niyasa paghantad sa rampa ng ex at present niya.

"Wala lang. Kapag si Richard ang nasa stage, wala na.Kasi, past na siya, di ba? Five years ago pa yun. As in, ano pa ba angmararamdaman ko?

"Lahat ng nararamdaman ko ay nasa present na, kay Sam.I'm just happy with the present," deretsahang sabi pa ni Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN