Gretchen Barretto: "Tapos na ‘yang Bong at Gretchen na ‘yan. It's so over!"

IMAGE 0


"You know what, kasi parating nagiging isyu kapag kami niBong. Parang ayoko na yata ng isyu. Gusto kong magbagong-buhay," says Gretchen Barretto when asked if she's willing to be Bong Revilla's leading man on his next movie.



May matitinding patutsada sa mga bagong intriga nakinasasangkutan niya ang kontobersiyal na aktres na si Gretchen Barretto sa TheBuzz last Sunday, July 27.

Unang isyu kay Gretchen ay ang balitang natensiyon siya nangmakita niya ang mag-asawang Bong Revilla at Lani Mercado sa party ni CristyFermin last July 22 sa Metro Bar.

"Bakit naman ako matetensiyon, hindi naman kami magkaaway?"sabi ni Gretchen.

Nababalita rin na may offer daw na pelikula kay Gretchenkung saan ang magiging leading man niya ay walang iba kundi si Bong, nakumpirmado ring may napirmahang kontrata para sa Star Cinema.

"You know what, kasi parating nagiging isyu kapag kami niBong. Parang ayoko na yata ng isyu. Gusto kong magbagong-buhay. Tapos na ‘yan.Tapos na ‘yang Bong at Gretchen na ‘yan. It's so over! Fifteen years over nakami," diin ni La Greta.

Pero sinabi rin ni Gretchen na kung papipiliin siya kungsino ang leading man na gusto niyang makasama sa pelikulang nakatakda niyanggawin sa Star Cinema.

"Parang baka si Piolo [Pascual]. Kasi magaling din siya," ngiti niGretchen.

Nagbigay rin ng pahayag si Gretchen sa pagkakaugnay ngpangalan ni Ara Mina sa isang negosyanteng iniuugnay ang pangalan sa kanya—si Dody Puno.

"I don't know anything about that," saad ni Gretchen. "So,mahirap naman akong mag-commet, di ba? And it's really naman not my problem, diba? Hindi ko naman business ‘yon. Ganun ang showbiz, di ba? You're linked toanyone and everyone, so okey lang."

Samantala, sa Christian dedication ng anak nina ClaudineBarretto at Raymart Santiago na si Santino, muling nagsalita si Gretchen saisyung kinasangkutan ng nakababatang kapatid na si Claudine at ni Angel Locsin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"'Yan ang wish ko, magkaayos na sila. Because alam moitong business natin, parang we all have room naman for new talent, forwhatever. Lahat naman basta may talento, welcome naman sa show business, di ba?"pagtatapos noon ni Gretchen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN