Sharon Cuneta reveals most difficult time in her 30 years in showbiz

IMAGE 0


"Actually, ang pinakamahirap na dinaanan ko, nung nasira yungmarriage ko nung una. Pero finished na ‘yon.Pero obviously, masakit ‘yon. ‘Tapos ang daming imbento left and right. Perotapos na ‘yon," says Sharon Cuneta.


Sa panayam ni Sharon Cuneta sa The Buzz last Sunday, July 27, ay sinabi niya na gusto niyang makatrabaho angComedy King na si Dolphy at ang Star For All Seasons na si Vilma Santos bago siya magretiro. Ganundin ang anak niya si KC Concepcion at si Robin Padilla ulit. Kapag nakatrabaho raw niya ang mganabanggit ay puwede na raw mag-retiro sa showbiz ang Megastar.

"Okey na po ako," sabi ni Sharon. "Pero alam ko si Lord, lagi na lang [mayextension]! Pero yun po talaga ang dream ko, like si Tito Dolphy. And we'redoing that next year.

"And yeah, with my daughter [KC]. Kasi I really want na, well,she's also like this, e. Di ba, nagsama kami sa commercial? Nakapag-establisadona rin siya ng pangalan niya sa commercials, saka kami'ng gumawa. So, sa moviesdin, ganun din muna ang gusto ko."

Bakit gusto ulit niyang makatrabaho si Robin?

"Si Robin kasi... Kasi kami ni Richard [Gomez], gagawa na kaming very, very nice project. Baka Gutierrez yun!" biro niya.

"Si Robin, when you're on the set with Robin... Kasi at thispoint sa career ko, parang when you make a movie, hindi lang movie. It's anexperience that will take about three to whatever long years of your life. So,gusto ko mag-enjoy na lang ako.

"Kapag si Robin, well, hindi ko alam ngayon ang state ofmind niya, pero parang ‘pag kasama ko siya, parang ikaw lang ang nag-iisangbabae sa mundo. Lahat kayo, 500 na babae, ganun ang pinaparamdam sa inyo. Peroalam ko naman ang pinaka, sa tingin ko, sa katambal, sila ni FPJ [Fernando PoeJr.] yun.

"Pero si FPJ, walang malisya sa akin. Pero kay Robin, meron!Matindi! Pero ngayon, wala na. Mahiya naman kami!" natatawang sabi ni Sharon.

THIRTY YEARS IN SHOWBIZ. Sa loob ng 30 taon niya sa showbiz, ano ang pinakamahirap napinagdaanan niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, ang pinakamahirap na dinaanan ko, nung nasira yungmarriage ko nung una. Pero finished na ‘yon.Pero obviously, masakit ‘yon. ‘Tapos ang daming imbento left and right. Perotapos na ‘yon.

"Ngayon, yung aking pagreretiro, inisip ko yun nung bagomag-Madrasta [1996]. Ang sagot ni Lord, Madrasta. Naisip ko lang na mag-i-slow down na ako para lang safamily. Every year or two years gagawa ng movie. Naano ko rin dahil si Vilma Santos, di ba? Hindi naman sanakiki-level, pero yun ang plano ko sana. Na parang slow down lang, ‘tapos angsign naman ni Lord, Caregiver,'" lahad ni Sharon.

Ano naman ang happiest moment niya sa loob ng 30 years sashowbiz?

"Mahirap, hindi ko masasabing isa," aniya. "Kasi parang Idon't want to ano, e, ayokong maliitin yung iba pa sa dami. Lahat talaga, anglaking biyaya sa akin na nakasama ko sa pelikula, mga direktor na humawak saakin. Nakasama ko sina Direk Leroy [Salvador Jr.], si Direk Lino [Brocka],Direk Eddie Garcia, Tito Danny Zialcita... Lahat sila bahagi ng aking buhay.‘Tsaka ang hirap na yung mga bata ngayon, I wish lang na naabutan sana nila."

MAJOR CONCERT. Pero meron daw isang binabalik-balikan si Sharon, sabi ni BoyAbunda.

"Kuya Boy, ha! Wala akong binabalikan," sabi naman niSharon.

Pero ang tinutukoy pala ni Boy ay ang pagkanta ng Megastar.Sa katunayan, sa August 8 ay magkakaroon ng major concert si Sharon sa AranetaColiseum to celebrate her 30th year in showbiz, ang Megathirty.

"Oo, pero hindi balik-balikan ang pagkanta," sabi ni Sharon."You know what, it's going to be very depressing in the sense na akala ko kasi peoplewill turn their back on me. Sabi ko, if it comes up, this will be a great bonusna lang. I really treat it like to be another celebration, considering how Caregiverdid and blah-blah-blah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, parang yung 30 ko, ‘eto na yung... I think, this is gonnabe the biggest night of my whole career. Kasi yung 30 years na yung katatapos kong movie na ganun kaganda, sa awa ng Diyos, na ang laki ng pasasalamat ko kayTita Malou [Santos, managing director ng Star Cinema] talaga.

"Magdu-duet kami ni KC ng... Pero ano po talaga yun, secret.Pero masasabi ko na isang theme song na isa sa movies namin na ginawa nungco-producer ko sa kanya," sabi ni Sharon.

NEAR ENCOUNTER WITH GABBY. Ipinaliwanag namang muli ng Megastar ang iwasan diumano nila ng dating asawang si GabbyConcepcion sa birthday party ni Cristy Fermin sa Metro Bar noong July 22.

"Well, I don' think naman... I can't speak for him because Iknow kararating lang niya. It was Ate Vi [Batangas Governor Vilma Santos] who said na, ‘O, si Gabby darating.'Sabi ko, ‘Anong oras daw?' E, tuloy na ako tuloy nagpaalam na ako kay ‘Nay[Cristy]. ‘Tapos ako talaga umiwas. Hindi ko man lang siya nakita," pag-amin niSharon.

Nakausap din daw ni Cristy si Gabby at manager nito na siMrs. Rose Flaminiano at sinabi na hindi nila alam na nandun si Sharon.

"Buti na rin," sabi ng Megastar. "Para hindi na rin niyana-feel na parang ganun. Pero when I left, parang alam ko na paglalaruan kami.Dyusko, pugad ng press yung party. Lahat nandoon, ang daming camera. Takotako."

Sa dinami-dami ng bagong mukha at pangalan na dumating sashowbiz, nakatutok pa rin sa kanila ni Gabby ang mata ng publiko.

"Ay, oo naman. Kahit ako fan ng Sharon-Gabby, e, naloveteam, di ba? ‘Tsaka without him naman, wala akong KC," pagtatapos ni Sharon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN