Maricar de Mesa and husband Don Allado experiencing marital problems

IMAGE 0


"Ayoko nga sanang magkuwento dahil baka kung anu-anoang maging interpretation, pero ayoko namang magsinungaling. Hindi nga kamimasyadong nakakapag-usap, at nasa States nga siya. Parang ngayon lang yatanangyari ang ganito," says Maricar de Mesa when asked about the status ofher marriage with Talk N' Text player Don Allado.


Isang taon at kalahati nang kasal si Maricar de Mesa kay DonAllado ng Talk n' Text basketball team, pero wala pa silang anak. Ayon kayMaricar, kapwa raw hindi pa sila ready na magka-baby.

Pero napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal)mula mismo kay Maricar nang dumalaw kami sa set ng Dyosa, sa taping nitosa Trinoma, kung saan gumaganap bilang isa sa mga kontrabida ang aktres, namedyo may problema silang mag-asawa.

"Nagpaalam naman siya sa akin na aalis siya, pupuntamuna sa States," kuwento ni Maricar. "Parang may LQ [lovers quarrel]kami, pero hindi ko naman maintindihan, kasi, two weeks na kaming hindinagkakausap man lang.

"Ayoko nga sanang magkuwento dahil baka kung anu-anoang maging interpretation, pero ayoko namang magsinungaling. Hindi nga kamimasyadong nakakapag-usap, at nasa States nga siya. Parang ngayon lang yatanangyari ang ganito," pagtatapat pa ni Maricar.

NO IDEA. Bago sila nagpakasal ni Don, naging mag-onmuna sila ng boyfriend niya for four years.

"I don't exactly know if we really need space. Kasi,mula nang maging mag-boyfriend kami, lagi kaming magkasama. Halos magkadikitkami. 'Tapos, mararanasan namin itong two weeks, hindi kami magkasama, hindiman lang nakakapag-usap.

"I feel naman na hindi ito seryoso. Maymisunderstanding kami noon, pero maliliit na bagay lang, na napapalagpas namin.

"Nagkataong off-season siya sa basketball kaya walanglaro, so he asked naman my permission kung puwede siyang mag-Amerika muna. Parangang napilitan pa siya alukin ako para sumama, e. Alam niyang hindi namanakong makakasama dahil may commitments ako, lalo na itong sa Dyosa, namarami pa naman akong mga eksena rito," pahayag ni Maricar.

Nakakalungkot nga raw sa bahay nila. Kadalasan, wala pa siyasa bahay nila dahil nagtatrabaho siya.

"Inaasahan ko na lang na babalik siya this August dahilkailangan na rin nilang mag-practice sa basketball.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No, there's no third party involved. Wala. Hindi konaman puwedeng sabihing basta na lang kami nagkasawaan.

"May nagsasabing baka ang kulang sa amin ay ang magka-baby.Pero, pareho naman kaming hindi pa ready para doon. Maski siya, sinasabi niya,pero kung nariyan na rin naman, bakit hindi namin aalagaan yung baby atpalalakihin, di ba?

"Kaso nga, ang iniisip ko, ayoko rin yung magkakaanak,'tapos, baka mayroong hindi magandang mangyari, maghihiwalay. Sometimes,naiisip ko rin ang bagay na 'yan," pagtatapat pa ni Maricar.

May kumakalat na chika na isa nga raw sa kanila ni Don aybaog.

"Wala naman siguro. Basta ako, nagpa-check ako sadoctor, wala raw akong diperensiya. Healthy ako. Sinabi ko nga sa kanya, bakithindi siya magpa-check? Masyado rin kasi siyang naging busy sa basketball noon,kaya hindi pa siya nakakapag-medical check up," sabi pa niya.

Paano kung malaman niyang may anak pala sa ibang babae siDon?

"Hindi ko matatanggap," at biglang lumamlam angmga mata ni Maricar. "Nilinaw na niya sa akin ang lahat-lahat ng posiblengmagkasabit siya, pero wala talaga. Huwag lang sanang mangyari na mayganoon."

TURNING COLD. Dumating nga sa puntong maliliit na bagay,napagtataasan na nila ng boses. Dito nag-umpisang magkaroon ng tila panlalamigsila sa isa't isa.

"Ang lagi ko kasing naiisip, siya rin ang susuko.Laging ganoon kasi. I have the stronger personality. Naiisip ko palagi, siyanaman ang susuko. But, this time, it's different. Ang alam ko, nasa L.A. siyangayon at nagbabakasyon, pero matagal-tagal na ang two weeks," sabi pa ngaktres.

Hindi pa rin nga raw alam ng mommy niya ang tungkol sasitwasyon nila. Ayaw naman niyang magpakapraning tungkol dito, kayaisinusubsob ni Maricar ang sarili sa trabaho, sa taping ng Dyosa atkatatapos lang din niya ng indie film from Viva, ang Torotot, na dinirekni Maryo J. delos Reyes, kung saan gumanap siya bilang nilokong asawa ni AntonBernardo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN