Zanjoe Marudo says girlfriend Mariel Rodriguez is his "lucky charm"

IMAGE 0


"Sobrang sweet, sobrang maalaga. Hindi lang naman saakin, kung makikita mo kahit sa ibang tao, ganoon siya. Parangnakakatuwang makakita ng ganoong klase ng tao na sobrang lambot ng puso kahitna kanino. Lalo na siguro kung mas close sa kanya. Paano pa kaya yun, di ba?" says Zanjoe Marudo about girlfriend Mariel Rodriguez (not in photo).



Nagkaroon ng launching ang Dyosa Komiks sa Trinomal Mallnoong July 28, Monday. Kung titingnan ay iisipin na totoong event nga yun inconnection with the upcoming fantaserye of ABS-CBN, Dyosa. Pero ang totooay taping ang naturang event para sa ilang mga eksena na mapapanood sa Dyosa,na pagbibidahan ni Anne Curtis.

Isa sa leading men ni Anne sa Dyosa ay si Zanjoe Marudo; angdalawa pa ay sina Sam Milby at Luis Manzano. Si Zanjoe ay gaganap bilangisang illustrator ng Dyosa Komiks, kung saan naido-drawing niya kung ano angmangyayari kay Dyosa Cielo, isa sa tatlong katauhan ni Anne sa naturangfantaserye.

"Sobrang happy ako sa role ko rito dahil hindi ito kagaya ngmga past roles ko na parang cute lang. Although, mai-inlove ako rito atpara kaming aso't pusa rito [ni Anne]. Pero maganda kasi illustrator ako rito,so maganda," kuwento ni Zanjoe sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Supposedly, may una na sana silang pagsasamahan na teleseryeni Anne, ang The Wedding. Yun nga lang, natigil ang taping nito.

Paliwanag ni Zanjoe, "Na-stop lang ang taping. Noong time nayun kasi, kailangan nang gawin ni Anne yung movie niya with Aga Muhlach [WhenLove Begins] at kailangan na rin niyang mag-taping for Maging Sino Ka Man, sona-stop lang ang taping. And then, inuna muna itong Dyosa.

"I think, after ng Dyosa, yun naman ang susunod naminggagawin. I guess, matutuloy pa rin yun kasi kung hindi nila itutuloy ‘yon, parana rin silang nagtapon ng pera."

Hindi naman daw na-disappoint si Zanjoe na ang ipinalit saThe Wedding, kung saan siya lang ang male lead, ay ang Dyosa na tatlo na silangnagse-share as leading men ni Anne.

"Hindi naman sa na-disappoint, kasi ganoon naman talaga satrabaho namin. Hangga't hindi pa ipinapalabas, kahit na sabihin mong nagawa mona or nai-tape mo na, hangga't hindi naipapalabas, walang kasiguraduhan.Naniniwala lang ako kapag nandiyan na talaga," saad ng hunky model turnedactor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THREE LEADING MEN. Sa kanilang tatlong leading men ni Anne sa Dyosa, kapansin-pansin na siya lang ang walang masasabing personal link kay Anne. SiSam kasi ay nababalitang boyfriend na ni Anne samantalang si Luis naman ay veryclose sa young actress. Sa palagay kaya ni Zanjoe ay may chemistry sila niAnne?

"Kung sa chemistry naman, parang ano, parang may tiwalanaman ang management [ABS-CBN]. Parang binigyan na nga kami ng soap dati.Nag-MMK [Maalaala Mo Kaya] kami dati. At saka magkaibigan kami dati niAnne bago pa man ako maging artista dahil parehas kami ng barkada. So, hindinaman siguro mapag-iiwanan at sinisigurado naman ni Direk Wenn [Deramas] nawalang madedehado sa aming tatlo."

Nag-taping na raw sila na nagkasama-sama silang tatlongleading men ni Anne at naging maayos naman daw ito.

"Nasa personality ko namanna hindi ako masyadong ma-chika, palahirit lang paminsan-minsan. Si Luisyung makulit, ‘tapos si Sam yung parang close kay Anne. Hindi naman nangyayari yung magkakasama kami, ‘tapos parangoff yung ibang artista. Enjoy naman lahat," kuwento ni Zanjoe.

BLACKOUT. Kahit bihasa na sa pagrampa, ayon kay Zanjoe ay pinaghandaandin daw niya ang nakaraang Blackout: The Bench Denim and Underwear FashionShow na ginanap sa Araneta Coliseum noong July 25.

"Siyempre, naghanda rin ako before the show. Siguro mga oneweek akong nag-workout para naman hindi nakakahiya kapag lumabas na ako ro'n.Third time ko na actually. Yung first time ko, model pa lang akonoon. Second time ko noong pagkalabas ko ng PBB [Pinoy Big Brother] atngayon nga," lahad ni Zanjoe.

Kung si Zanjoe ang tatanungin, satisfied daw siya sanakaraang Bench event. Hindi rin siya naniniwala sa sinasabing mas maganda angexposure ng mga Kapuso stars kumpara sa Kapamilya stars.

"Siguro ano naman yun, kahit pa may mga ganoong isyu, malalamanat malalaman mo naman yun doon mismo sa show kung ano ba talaga at kung sino batalaga. Kahit pa bigyan mo ng napakagandang entrance or bigyan mo ngnapakagandang segment ang isang tao, nasa audience pa rin yun kung sino batalaga ang gusto nila. Kung sino talaga ang pinunta nila ro'n."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ZANJOE'S LUCKY CHARM. Bukod sa Dyosa, kasama rin si Zanjoe sa Varga, namagpa-pilot na sa August 2 at back-to-back sa finale ng Kapitan Boom. SaVarga, silang dalawa ng real-life sweetheart niyang si Mariel Rodriguez ang magkapareha.

Kung ituring ni Zanjoe si Mariel ay "lucky charm" daw niya angTV host-actress dahil marami raw siyang naging projects simula nang magingsila.

Samantala, totoong na-surprise naman daw siya sa nagingbirthday gift sa kanya ni Mariel last July 23.

"Binigyan niya ko ng camera, ‘eto ang ibinigay niya," sabaypakita sa amin ng Canon 450D na nakasabit sa kanyang leeg at tilapinag-aaralan pa ang pagkuha ng picture habang break niya sa taping.

Hindi naman daw siya nag-request ng camera kaya na-surprisepa raw siya nang ibigay ito sa kanya ni Mariel.

"Hindi talaga, siguro nabalitaan niya or narinig niyangplano kong bumili ng ganito bago ako pumunta ng States. Kasi gusto kong kuhananyung mga lugar na magso-show kami dahil first time ko sa States," kuwento niZanjoe.

Ngayong araw, July 30, ang alis ng grupo nilangCoverboys papuntang Amerika.

"Actually, balak ko sanang bumili ro'n or kaya rito [ng camera] bago koumalis. Kaso yun nga, noong birthday ko, niregaluhan na niya ako. So, wala na akongproblema."

Masasabi ba ni Zanjoe na mas serious na ang relasyon nila niMariel ngayon?

"Siguro mas open, mas mature yung relationship. Masnagkaka-give and take, at mas napag-uusapan ang lahat ng bagay," sagot niya.

Si Mariel na ba talaga ang babae para sa kanya?

"Kung puwede sana yung ganoong pananaw na siya na talaga... Angdaling sabihin, e, pero hindi mo masasabi," maingat na tugon ni Zanjoe.

Ano ang mga katangian ni Mariel na mas lalong napapamahal sakanya?

"Sobrang sweet, sobrang maalaga. Hindi lang naman saakin, kung makikita mo kahit sa ibang tao, ganoon siya. Parangnakakatuwang makakita ng ganoong klase ng tao na sobrang lambot ng puso kahitna kanino. Lalo na siguro kung mas close sa kanya. Paano pa kaya yun, di ba?" pagtataposni Zanjoe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN