Dennis Trillo focuses on work, bides time for love

IMAGE 0


"Okay naman po ako ngayon, medyo nababawas-bawasan naang delubyong dumaan sa buhay ko. Maramina rin po akong natutunan sa mga pangyayari. Iyon pong mga pang-iintriga saakin, hindi ko na lang pinapansin dahil alam ko naman kung ano ang totoo. Masnaka-focus po ako sa trabaho," says Dennis Trillo.



Mas masaya na ngayon ang matinee idol na si Dennis Trillo nanakipag-bonding sa mga co-stars niya sa pelikulang I.T.A.L.Y (I Trust And LoveYou) na sina Jolina Magdangal, Rufa Mae Quinto, Mark Herras, Rhian Ramos, atEugene Domingo. Ginanap kahapon ang presscon ng I.T.A.L.Y. last July 28, aboardthe 7107 Island Cruise docked at Pier 6 sa Manila North Harbor.

Sinagot ni Dennis ang lahat ng mga katanungan mula saentertainment press, kahit na tungkol kay Rufa Mae na minsan na ring naiugnaysa aktor. Sa presscon proper kasi ay tinanong si Rufa Mae kung ano ang masasabiniya na nakasama niya si Dennis sa isang pelikula for the first time. Sabi ngsexy comedienne, honored siyang nakasama niya for the first time sa movie ang"guwapo at pinakamagaling na artista."

Nakangiti lang si Dennis habang nagsasalita si Rufa Mae.

"Thank you sa sinabi mong magaganda," sagot niDennis nang siya naman ang hiningan ng reaksiyon. "Masayarin akong makasama ka for the first time, dahil napakasaya atnapaka-professional mong katrabaho. Nag-enjoy din akong kasama kayong lahatdahil napaka-professional ninyo, walang pasaway at parang iisa tayo sapagtatrabaho, na I guess, ‘yong ginawa natin while shooting, hindi natinnagagawa kung narito tayo sa Pilipinas."

Mula sa mga kasama niya sa pelikula, nalaman ngentertainment press na mahilig palang mag-jogging at maglakad ni Dennis tuwingumaga. Nagagawa pa rin daw ng aktor ang routine niyang ito kahitnagsu-shooting. Sa pagkukuwento pa ni Mark, nagkasama rin daw sila ni Dennis sadisco bar ng barko at ibang Dennis raw ang nakita niya.

May nagtanong kay Dennis kung hindi ba siya nagdalawang-isipna tanggapin ang offer kahit hindi naman siya ang first choice to portray therole.

"Hindi ko na po inisip kung second choice lang ako,"sagot niya. "Isang malaking karangalan sa akin na ako ang napili para sa role.Nang malaman ko nga po na gagawin ko ang I.T.A.L.Y. natuwa ako dahil first timekong magbibiyahe ng Europe at libre pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Is it true na may butt exposure siya sa movie?

"Ah, si Jolina po ang tanungin ninyo, siya angnakakaalam kung meron!" natatawang wika ni Dennis. "O, siguro po,dapat panoorin ninyo ang movie namin para malaman ninyo kung meron talaga. Peroire-request ko po sa inyo na panoorin ninyo ang movie, dahil magkano lang priceng ticket sa sine, pero para na rin kayong sumama sa journey namin sa threecontinents, five countries, and 12 cities sa Asia, Europe, and Africa; plus anglimang stories namin na nakapaloob sa pelikula."

Sa tanong naman sa kanya kung gugustuhin ba niyangmagtrabaho sa barko tulad ng story nila sa I.T.A.L.Y., hindi raw dahil madalisiyang ma-homesick at marami siyang mami-miss. Iyon daw kasing mga OFW sa Costa Magica ay eight months na diretsongnagtatrabaho roon at talagang tinitiis lang nilang mahiwalay ng ganoong katagalsa kani-kanilang pamilya.

Nalaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula kayMs. Elaine Lozano, executive producer ng I.T.A.L.Y., na bago ipalabas angpelikula sa September 17, darating sa Pilipinas si Andrea Lugo, ang Italianactress and singer na nakatambal ni Dennis. Magpo-promote na rin daw ito ngrecord album na ginawa niya sa Italy, kaya makakasama raw ito ni Dennis namag-promote din ng I.T.A.L.Y.

Nakausap pa ng PEP si Dennis pagkatapos ng presscon, samedyo gumagalaw nang 7107 Island Cruis dahil nagha-high tide na at tumutugtogna ang banda sa lounge na pinagdausan ng presscon. Kinumusta namin siya dahilmedyo nagkasunud-sunod pa rin ang intriga sa kanya, lalo na sa love life.

"Okay naman po ako ngayon, medyo nababawas-bawasan naang delubyong dumaan sa buhay ko," nakangiting sagot ni Dennis. "Maramina rin po akong natutunan sa mga pangyayari. Iyon pong mga pang-iintriga saakin, hindi ko na lang pinapansin dahil alam ko naman kung ano ang totoo. Masnaka-focus po ako sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May two taping days na lang kaming natitira ni Katrina[Halili] sa Magdusa Ka at pagkatapos, magsisimula na rin kaming mag-taping ng Gagambino.Yes, si Katrina po ulit ang makakatambal ko rito at si Topel Lee ang magdidirek."

Kinulit namin si Dennis kung wala ba talagang na-develop sakanila ni Katrina dahil ilang buwan na rin silang magkasama sa Magdusa Ka.

"Naging close friends lang kami talaga ni Katrina,dahil matagal na rin kaming magkasama. Nauna sa Majika ‘tapos sa Darna, at itopong Magdusa Ka. Kasunod na nga ang Gagambino.

"Siguro po, masasabi ko na lang,naging very comfortable na kami sa isa't isa kaya wala nang naiilang sa amintulad nang gawin namin ‘yong passionate love scenes namin sa Magdusa Ka.

"Ang isa pang nagpapasaya sa akin at binibigyan ko pong time, ang anak ko, si Calix [Andreas]. Any time naman, basta po ako libre,hindi puwedeng hindi ko siya dadalawin, nakakatuwa na po kasi malapit na siyangmag-one-year-old."

So, kailan siya muling mai-in love?

"Saka na po. Siguro kapag tahimik na ang lahat ‘tsakana lang ako magge-girlfriend ulit," nakatawang sabi ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN