Rufa Mae Quinto debunks intrigue that she's avoiding friends Gretchen and Ruffa

IMAGE 0


"'Pagkaibigan, kaibigan talaga kahit ano'ng mangyari. Siyempre, nagti-text parin naman kami, may communication pa rin naman. Busy rin kasi sila, gayani Ruffa, at si Gretchen may iba ring career na pinagkakaabalahan. Walatalagang time," explains Rufa Mae Quinto about an intrigue that she is now avoiding the company of friends Gretchen Barretto (inset, top) and Ruffa Gutierrez (inset, bottom).



Ikinagugulat ng sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto anglumalabas na balitang dumidistansiya na siya sa grupo nina Gretchen Barretto atRuffa Gutierrez. Ayon sa report, sadyang umiiwas na raw si Rufa Mae kinaGretchen at Ruffa para hindi madawit sa mga issue na kinasasangkutan ng mgaito.

Ang isa raw pruweba ng pag-iwas diumano ni Rufa Mae anghindi na nito pagsama sa mga gimik ng barkada at ang get-together dinner nila.Kapag tinatawagan daw si Rufa Mae nina Gretchen o Ruffa para lumabas kasama ngiba pa nilang mga kaibigan, panay raw ang rason nitong hindi siya puwede peroang totoo raw ay ayaw niyang sumama sa kanila.

Sa presscon ng I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) noongLunes, July 28, sa 7107 Island Cruise, hindi itinanggi ni Rufa Mae sa PEP(Philippine Entertainment Portal) na madalang na siyang makasama sa mga gimiknina Gretchen at Ruffa pati na ng iba nilang barkada. Pero nilinaw niya na yunay dahil sa workload niya.

"Totoo naman yun," giit ni Rufa Mae. "Nagkakataon lang talagana kailangan kong asikasuhin yung work ko. Alam n'yo naman yung schedulesko. Hindi na nga ako minsan napipirmi. Umaalis pa ako papuntangabroad para mag-show.

"Ang pagkakaibigan, porke hindi nagsasama sa kung anonggimmicks or gatherings, hindi na kayo friends. Hindi gano'n ‘yon," saadniya.

Nag-react din si Rufa Mae sa isang nalamang balita na angisang matinding rason kung bakit umiwas siya kina Gretchen at Ruffa ay dahilayaw niyang madawit sa mga isyu ng dalawa. Hindi na raw kayang pumasan pa niRufa Mae ng ibang issues dahil sa sarili niyang mga intriga ay kabi-kabila naang hinaharap niya.

"Hindi naman, napakababaw naman nun," sabi niya. "'Pagkaibigan, kaibigan talaga kahit ano'ng mangyari. Siyempre, nagti-text parin naman kami, may communication pa rin naman. Busy rin kasi sila, gayani Ruffa, at si Gretchen may iba ring career na pinagkakaabalahan. Walatalagang time."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi-sabi pa sa balita, ayaw raw ni Rufa Mae na maging gayanina Gretchen at Ruffa na sila-sila ay nag-aaway na nalalantad pa sa publiko.Ito ay ang lumabas na balita na nagkaroon ng samaan ng loob sina Gretchen atRuffa nang minsang mag-dinner sila sa isang hotel dahil sa credit-card issue.

"Yung nangyari kina Ruffa at Gretchen, wala ako doon sohindi ko talaga alam kung ano ang tunay na nangyari. Hindi ako gano'n namababaw makipagkaibigan. Actually, nami-miss ko na nga sila. Gaya niyan,hindi ko sila puwedeng makita kasi aalis na naman ako," paliwanag niya.

NEW & BEST FRIEND. Ang ipinalit daw ni Rufa Mae kina Gretchen at Ruffa ay siJolina Magdangal na co-star niya sa I.T.A.L.Y. Panay raw ang puri niya kayJolina bilang isang kaibigan at ipinangangalandakan niyang mahal niya itobilang "friend."

"Lahat naman mahal ko," paglilinaw ni Rufa Mae. "Yungpinagsamahan namin ni Jolina, ibang level naman yun. Actually, hindi narin kami nagkikita ni Jolina. Wala ring time para lumabas atmag-get-together uli. Nagkikita at nagsasama lang kami sa SOP dahil iisa angdressing room namin."

Nilinaw ni Rufa Mae ang nabuong impression sa kanya na kayaraw siya sabik na magkaroon ng tunay na kaibigan dahil wala siyangmaituturing na best friend sa showbiz.

"Marami akong kaibigan, yes. ‘Yang lahat ng mga ‘yanang isa sa mga dahilan kung bakit ako nakaka-move on sa mga love life failuresko and frustrations ko. Ang dami kong natutunan sa kanila. Somehow theytouched me and inspired me kung bakit ako ganito," pahayag niya.

Pero napilit naming magsalita si Rufa Mae kung sino talagaang matatawag niyang pinakamatalik at trusted friend niya sa showbiz.

"Yung best friend ko talaga, si LJ Moreno. Iba rin kasiyung pinagsamahan namin niyan. Siyempre, yung manager ko na si Ryan... Kahit saanako, siya yung nakakasama ko at halos araw-araw kaming nagkikita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kilala naman ninyo ako na ma-friendly akong tao kaya nga asmuch possible, ayaw kong magkaroon ng issue sa mga kaibigan ko kasi nasasaktantalaga ako,"

Hangga't maaari, ayaw raw ni Rufa Mae na magkaroon ng issueskina Gretchen at Ruffa dahil mababait naman ang dalawang ito sa kanya.

"Sa iba na lang nila akong gawan ng issues, huwag nalang kina Gretchen and Ruffa. Mahal kong mga kaibigan 'yang mga ‘yan,"pakiusap ni Rufa Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN