Ex-PDA scholar Irish Fullerton says boyfriend Jay-R Siaboc is not after her green card

IMAGE 0


"I don't think he's after my green card. After all, ang tagal niya akong niligawan. If I were to countkung gaano katagal na kami, kasama ang courtship period, then our relationshipis already one year and six months long," says Irish Fullerton about her boyfriend Jay-R Siaboc.



Desidido ang singer na si Irish Fullerton na ipagpatuloy angkanyang showbiz career kaya siya nagbalik ng Pilipinas last October.Naghihintay lang siya na may dumating na break sa kanya. Gusto niyangmag-record ng album at makagawa ng pelikula.

Ito ang nalaman ng PEP (Philippie Entertainment Portal) mulakay Irish nang makausap siya sa birthday presscon na ibinigay ng Star Magic samga birthday celebrators nila for the month of July, kahapon ng tanghali, July30, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Mas payat siya ngayon, sabi ni Irish. Mas gusto raw niyanoong medyo mataba after she joined Pinoy Dream Academy dahil hindi raw siyamukhang suplada. Tumaba raw siya dati kasi masarap daw ang pagkain sa loob ngAcademy. At dahil matagal siyang nawala sa Pilipinas, she craved forPinoy food.

May one year pang natitira si Irish sa kanyang nursingcourse at may balak naman siyang tapusin ito. Pero gusto rin niyang bigyan ngpagkakataon ang kanyang sarili to be in showbiz.

"I am enjoying naman my work here in showbiz. At saka twosemesters na lang naman, matatapos ko na ang course ko. Madali na lang ‘yon,"sabi ni Irish.

After her stint sa PDA, bumalik ng Amerika si Irish. Peromatapos lang ang isang buwan, sinabi niya sa kanyang ina na gusto na niyang umuwi, to her second home, the Philippines.

"I want to go back to work. I want to look into my life nakahit na ano ang nangyari, kahit na parang nabigo ako, I am still a fighter.Kaya I came back last October 12," wika ni Irish, na ipinanganak sa Sta. Clara,California, at lumaki sa isang small town called Tracy Valley. Maliit na lugarlang daw ito dati pero ngayon daw ay medyo lumaki na ito.

Kasama ni Irish sa bahay na kanyang tinutuluyan sa QuezonCity ang pinsan niyang lalaki na kumukuha ng Medicine. Hindi nga lang daw silamadalas magkita nito dahil sa araw ang pasok nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT AFTER HER GREEN CARD. Kumusta naman ang kanyang love life? Mahigit isang taon naang relasyon ni Irish at ni Jay-R Siaboc, isa ring produkto ng PDA Season 1.

"Okay naman po.Masarap ang may minamahal ka, pero very independent- minded naman ako. I thinkand weigh my decisions before making them," sagot niya.

Seryoso na ba silang dalawa ni Jay-R sa relationship nila?Hindi kaya habol lang niya ang green card niya, biro namin.

"I don't think he's after my green card," pagtatanggolnaman ni Irish. "After all, ang tagal niya akong niligawan. If I were to countkung gaano katagal na kami, kasama ang courtship period, then our relationshipis already one year and six months long. I am of age na naman and siguro infive years, maiisip ko na rin to settle down. Bilang babae, we dream of finding ahusband and getting married."

How is Jay-R as a boyfriend?

"Mabait siya. Maalaga. He treated me well. Talagang matiyagasiya. Niligawan niya talaga ako. At sinagot ko na siya. He started courting meJanuary after we came out of the PDA house so more than one year and six monthsna kami," kuwento niya.

"Ayoko lang mag-expect and I don't want him to expecteither. Maganda ang career niya. Ako naman, pinu-push ko ang career ko so it'snot the right time to get into a marriage. Not yet. Basta alam ko nandiyan siyapara sa akin at nandito ako para sa kanya."

LEARNING TAGALOG. For someone who was born and raised in the U.S., mahusaymagsalita ng Tagalog si Irish. Sa bahay raw kasi nila sa States, Tagalog angginagamit nila ng kanyang Mommy sa pakikipag-usap. Nag-i-Ingles lang daw siyapag nariyan ang kanyang ama. 'Pag kinausap daw niya ng English ang kanyang ina,pinagta-Tagalog siya nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Busy ngayon si Irish doing the play Ibong Adarna with JoshuaZamora. She's playing the lead as Adarna. Medyo nahihirapan lang daw siya samga Tagalog lines because of the needed inflection. Malalim na Tagalog wordsdaw kasi ang ginagamit nila sa play. Ipalalabas ang play sa September 9, 10 and11 sa Pampanga Convention Center.

"Minsan nawawala ako sa emotion ‘pag binibigkas na ang lineskasi hindi tama ang pagsasabi ko. May mga words na nahihirapan akongi-pronounce, pero nakakayanan ko naman," sabi ni Irish who turned 25 last July26.

Tinanggap daw niya ang offer to do Ibong Adarna dahilmaganda ang role. She gets to sing and act at the same time. Marami raw siyangmatututunan hindi lang sa mga Tagalog words. "This is a different kind ofexperience. I accepted the offer kasi gusto ko talaga itong gawin," wika niya.

Gusto rin ni Irish na makagawa ng pelikula at nagwi-wish dinsiya na makalabas na kontrabida sa isang TV show.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN